Chapter 12

3.9K 47 13
                                    

Chapter 12

Crush

Umalis ulit sina Aleyna at Liam pagkatapos ng lunch namin. May classmate kasi silang nandito rin kaya makikipaglaro muna daw sila. Kaya ito, naiwan ulit ako kasama itong si Nathan na hilig na din akong gawing sofa. Nakahilig lang naman kasi ang bruho sa akin. Ba't di nalang siya ang sumadal dito sa puno di ba?

'Can't wait to see you. I miss your lips'

"Ang landi mo, ano po? " Pabiro kong sabi kay Nathan. Nabasa ko kasi yung reply niya niya sa girlfriend yata niya. Iyong katext niya habang magkasama kami dito. Bastusan di ba? Not that I'm bothered kasi his attention's not on me, medyo offensive kasi na ginawa na nga akong unan kanina tapos sofa ngayon, tapos hindi ako pinapansin para lang makipagtext.

"Wag magselos, bee. Ayaw mo pa kasi magpahalik e. Tiis muna ko sa iba" Pabirong ganti naman niya. Landeeee. Bwisit talaga to.

"Daming alam. Selos selos ka diyan. Crush ba kita?" Umakto naman siynag nabigla sa sinabi ko sabay sabing "Hinde?"

"Loko loko! Bugbugin kita diyan e"

"Basta ba may kisspirin at yakapsule pagkatapos e. Solve!" Natatawang sagot pa niya. Kinurot ko nga ng pino sa braso.

Siguro nga kaya siya naturingang playboy o casanova kasi medyo touchy siya at sige, malandi na rin namang talaga. Hindi pa naman kasi kami ganun ka close para walanghiyang magrequest siya na umunan siya sa hita ko o walang pasabing sasandal sa akin habang pinapanood ko ang mga ulap. Pero kumportable ako, hindi ko itatanggi. Hindi ako nakakaasiwa kahit na feeling close na siya masyado. Ewan ko.

Hindi ako ganito normally kaya medyo naaninibago ako sa sarili ko. Siguro dahil kuya siya ni Aleyna? O dahil katabi ko siya sa classroom at madalas siyang kausap ko? Ewaaaaaaan!

"Tara libot" Sabi niya sabay lahad ng kamay sa akin na tinanggap ko din naman. Parang tumatakbong pulitikoo si Nathan sa dami ng nakakaakilala siya kanya dito. Mabait siguro talaga siya kasi hindi lang mga kaedad namin ang bumabati sa kanya, pati mga matatanda.

" Crush mo na ko niyan?" sabi niya pagkaalis nung lolo at lola na nangumusta sa kanya.

"Ang feeling mo! " sabi ko sabay hampas sa kanya. Nagiging sadista na ako dahil sa kapilyuhan niyaa. Naku!

"Bee" Tawag niya.

"Oh?" Para naman siyang ewan nung nilingon ko siya. May alam pang pagkamot kamot sa batok akala mo naman nahihiyaang talaga.

"Ano yun?" Pag aayos ko sa sagot ko.

"Ahmmm... Ayaw mo bang totohanin yung... aahh..."Ginulo niya yung buhok niya na akal mo eh super frustrated na. Napapano ba ito?

Hinawakan niya ang parehong mga kilay ko para ituwid ang pagkakakunot nito. Tss. Galawang playboy. Tinapik ko nga ang kamay niya.

"Ano na yung sasabihin mo?"

"Ang sungit!" sabi pa niya tsaka pinindot ang pisngi ko. Kairita to.

"Siya, siya, sasabihin ko na." sabi niya atsaka tumingin sa paligid bago bumaling ulit sa akin.

"Be my girlfriend." Seryoso pero mukhang kinakabahan niyang pahayag.

Medyo nagloading pa ako sa utos niya. Ang kapal talaga neto. Binatukan ko nga!

"Nababaliw ka na!"

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon