Chapter 55

1.9K 29 33
                                    

 

Chapter 55

Nothing to worry about

Beary's POV

"Goodmorning, gising na wife. Breakfast is ready" Ang sweet talaga ng hubby ko. Araw araw pa ring pumupunta ng maaga dito para ipagluto ako ng breakfast. Yieee. Yan tuloy! kinikilig ako. Halata kayang nakangiti ako?

Minulat ko ang mga mata ko. Eh? Bumaba kaagad si hubby? Dati naman hinihintay niya ko bago ako bumaba ah. Wash wrong? Di naman kami nag-away ah.

Bago pa ako mag freak out, bumaba na ako, dumiretso sa dining table. Nakahanda na lahat, ako nalang talaga.

"May problema ba? Ang sungit m-este ang tahimik mo eh" Yan kasi, siya ang nag pi PMS para sa akin. Di ba nasabi ko na sa inyo na may pagkamoody yan. Lam niyo na. Baka red days niya XD

"Lets not talk about it now. Pagkatapos nalang kumain" cold na sagot niya. My Gee! What have I done wrong this time? Buti nalang at ang bait bait niyan kahit may pagkamoody. Never niyang kinoclose ang communication namin kahit na may tampuhan na. Kahit pag ayaw ko siyang kausapin, ggawa at gagawa yan ng paraan para maexplain niya yung side niya. Tsaka tignan niyo, nagtatampo sa akin pero andito pa rin, pinagluto pa ako ng agahan. Kaya siguro kami umabot ng 3 taon. Sana forever na din. Yay! haha.

Nagpray kami before and after meal. Grabe! Hindi ako sanay na hindi kami nag uusap tuwing kumakain kami. Pangiti ngiti pa nga ako habang sumusulyap sa kanya eh. Kaya lang hindi effective sa kanya ngayon, ni hindi tumitingin sa akin eh. Tahimik lang siyang kumakain. Pokerfaced pa. My Gee! Hindi na ko mapakaling itanong bakit nagsusungit siya.

"Ano ba talagang problema? Wala akong matandaang pinag awayan natin. Isa pa, hindi tayo nagkita buong maghapon pagkaalis mo dito. " tanong ko sa kanya na nakaupo sa duyan ko sa garden. Syempre nakiupo na din ako. Bahay ko naman to eh.

"Exactly. Hindi tayo nagkita nun. Hindi lang tayo nagkita tapos merong kumakalat na ganito" sabi niya sabay kalikot ng cellphone niya. "Ito. Alam kong wala lang yan...pero kasi, basahin mo tong mga to" sabi ulit niya tapos nagkamot ng batok. Ano bang meron?

Okay, a picture of me and Nathan. Nakatingin siya sa akin while smiling habang ako nakasimangot. I look like a jealous girlfriend there. Kuha kahapon sa mall nung hawak hawak niya yung kamay ko and he's carrying my gift for Aleyna. And the caption says it all. Marami parin pala ang cuddlers? Akala ko naconvert na sila sa TD Beary.

"Ano, selos ka na kaagad dito?" pilyang tanong ko sa kanya. Kilala ko yan. Malaki tiwala sa akin niyan. Pero pinagseselosan talaga niya si Nathan kaya ganyan makaasta ngayon. Kahit kelan talaga, ang cute cute ng hubby ko pag nakapout. Kainlove lalo! Nahihiya kasi nagseselos nga. Yay! ang hubby ko talaga

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon