Chapter 6

4.8K 61 21
                                    

Chapter 6

Bisita

Linggo ngayon at napagpasyahan kong ilibot ang pusa kong si Fifi. Alam kong pang aso ang pangalan na yun pero gusto ko kasi yung pangalan sa pet ko kaya kahit pang aso yun, yun ang pinangalan ko sa pusa kong tabatchoy na tamad maglakad lakad. Kailangan na niyang mag exercise kaya dadalhin ko siya sa clubhouse nitong subdivision namin. Pwede naman ang pet doon eh.

Nakarating kami ng maayos sa clubhouse. Pagkarating namin dun, tamad ng lumakad o tumakbo si Fifi kaya naging parang jogging lang tuloy ang pinunta ko sa clubhouse. Umuwi rin kasi ako kaagad. Paano nman kasi, ayaw na talaga umalis ni Fifi doon sa lilim kaya yun, pinakain ko lang siya tapos umuwi na kami. Ate least tumakbo pa rin siya. 2 streets naman ang layo ng clubhouse sa bahay kaya nagexercise siya talaga.

 Ya, may bisita po sina mommy?” tanong ko kay Yaya Miding. Siya yung nagpalaki sa akin.

 “Hindi hija. Bisita mo ang mga yun. Hindi mo naman naikwento sa akin na may boyfriend ka na pala”

 “Boyfriend?! Yaya naman eh. Wala po. Manliligaw nga po, wala eh. Parang hindi ako kilala ni Yaya. Atsaka kababalik palang po natin dito.”

 Ang sabi kasi ng batang babae, girlfriend ka daw ng kuya niya eh. Pasensya na hija, gwapo kasi yung kasama niyang binata kaya akala ko, boyfriend mo nga siya. Tayo na sa loob at ng makita ka na nila. Ako na ang magbabalik kay Fifi sa kulungan niya” kinuha ni yaya si Fifi kaya pumasok na ako sa loob. Nasa dining yata sila.

 “Yes po. Blueberry pancakes are my favorite but I don't like maple syrup.“

 Tawagan mo na nga ang kapatid mo Anya, at nakakahiya namang paghintayin ang mga bisita niya.” utos ni mommy kay Ate Anya.

 “Mmy, wag na po. Andito na po ako.”

 Excuse us lang ha.” sabi ni ate tsaka tumayo at hinila ako papuntang living room.

Ikaw ha! Hindi ka nagsasabi, may boylet ka na pala. In fairness gwapings! Kaso ang bilis naman yata, tatlong buwan ka pa lang sa school niyo tapos kayo na agad?”

“Ate kasi naman, hindi kami. Assuming lang yan! Kasi gusto ako ng kapatid niya. Atsaka paano niya nalaman ang address natin?”

Ha? Hindi mo siya boypren? Sayang naman! Eh di manliligaw palang? Mukha namang mabait, sagutin mo na next week ha? Tsaka sinasabi mo bang nandito siya dahil gusto ka ng kapatid niyang maging girlfriend, at dahil napakabait niyang kuya, sinusunod niya ang gusto ng kapatid niya?”

 “Ano ba Ate Anya. Hindi ako kagaya mo noh. Hindi nga gwapo para sa akin yan eh. Tsaka siya kaya yung kinukwento ko sayong antipatikong lalaking katabi ko sa upuan”

 Bulag ka ba? Gwapo kaya! Si mommy nga, umokey na sa kanya eh. Basta daw dadalhin niya parati si Aleyna dito. Tsaka oo, sinabi nga niya na interesado sayo kasi nakuha mo atensyon niya. Naku naku naku! Magkakalovelife ka na!” sabi niya tsaka hinila ako papunta sa dining room. Umupo ako sa malayo kay Nathan

 “Ryza, huwag ka ng mahiya. Tabi ka na dun sa upuan ng nobyo mo. Hindi naman ako magagalit. At least siya, malakas ang loob na magpunta dito para sabihin yun at magpakilala. May bonus pang cute na bata. ”

 Mmy, pati ba naman ikaw? Hindi ko nga yan boyfriend.” Sabi ko sa mommy ko tsaka bumaling kay Nathan. “Feeling ka talaga! Pumunta ka pa dito. Paano mo nalaman address namin? Stalker ka noh?” ngumiti lang siya ang nagkibit balikat.

 Good morning Ate Beary. I'm glad to see you again, did you miss me?” bati ni Aleyna sa akin. Nakangiti pa siyang lumapit sa akin. Tapos na kasi silang kumain. Ako nalang hinihintay. Nakakahiya naman, hindi ko man lang siya napansin.

 “Good morning baby AM. Yes I missed you and Liam, too.”

 And my brother?” muntik na akong mabulunan sa tanong niya. Uminom muna ako ng tubig, tumingin sa nakangiting si Nathan at huli, tumingin kay Aleyna para sumagot ng “No.”

 “Why? I thought you're his girlfriend? He even calls you Bee.” sabi niya habang nakapout. Iiyak na ata siya.

 “No, no, don't cry baby. Okay, okay. I missed your brother too.” sabi ko kay Aleyna tapos nag-irap kay Nathan.

 “Ryza! Nasa harapan ka ng pagkain. Wag kang ganyan.”

Opo. Sorry po” sabi ko habang sinusubo yung last kutsara ng breakfast ko.

Hay naku Mmy. Alis na po ako. Parating na daw po si Mr. Rodriguez eh. Maya nalang po ulit. Bye Mmy, Bye baby Aley, Bye Nathan.” paalam ni Ate at hinalikan kami isa isa sa pisngi pero nung sa akin na may binulong pa siya. "Hindi daw niya boyfriend, anong yung 'Bee'? Yiee. May lovelife ka na! Bye Ryza!" Ate ko talagang yun! Nakuha pang mang asar. 

 “Yaya Miding, pakidilig po yung mga halaman sa garden natin ha? Salamat po” Bilin ni ate kay Yaya bago siya umalis. Kanya kasi yung garden dito. Siya nag-aalaga. Mahilig siya sa halaman eh. Ayaw na ayaw niya akong nagpupunta doon sa nursery niya. Paano, pag ako ang nagtatanim, namamatay yung halaman. Hindi kasi ako marunong.

 Baby Aleyna, you want to paint? I will teach you” sabi ni mommy kay Aleyna. Malamang, para iwan kami ni Nathan dito. Ganyan yan. Pag may manliligaw sa akin, halos ipamigay na niya ako. Kailangan ko rin daw kasi maexperience yung magkaboyfriend para hindi ako inosente sa mga lalaki. Baka daw kasi kakaiwas ko sa pagboboyfriend, maloko nalang ako, o di kaya, tumanda akong dalaga. Ayaw daw niya yun.

 Nung umalis sila mommy, hindi pa rin ako kumikibo. Ganun naman ako talaga sa mga bumubisita ditong lalaki eh. Ayoko kasi. Nakakapagtaka lang, dati pag ganito tapos tahimik lang kami parang ang awkward ng feeling kaya gustong gusto kong umalis na lang yung lalaki para marelax ako pero iba yung katahimikan namin ngayon. Parang wala lang, parang sanay ako sa presence niya. Ewan ko, pero kumportable ako sa katahimikan na to. Sumandal ako sa sofa habang tumitingin sa garden ni ate Anya.

 "I miss you too” napalingon ako kay Nathan, bigla nalang kasi siyang nagsalita, kaso wrong move. Ang lapit pala ng mukha niya. Katabi ko na pala siya. Nabigla ako, pero hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa mga mata niya. Nakatitig rin siya sa akin na parang binabasa ako.

 Di pa sabi mo kay Aleyna kanina, namiss mo ako. Ayan, namiss din kita. Tsaka pwede mo ng isara ang bibig mo” Inalalayan niya ang baba ko para maisara ang bibig ko tapos nakuha pa niyang kumindat.

 "Oh my gosh! They're so sweet!”

“Sssssh. Aleyna, They might hear you”

 My gosh nakita nila! Kung ibig sabihin ng pag init ng mukha ko ay namumula ako, malamang namumula nga ako.

 hahahahahahahahaha!” Walanghiya ka Nathan, sinadya mo to! Plinano mo ang lahat.

 Hindi kita namiss noh! Sinabi ko lang yun kasi parang maiiyak na si Aleyna. Feeling ka talaga!” sabi ko habang pinapalo pa siya sa dibdib pero tawa lang siya nga tawa tapos siguro nung tumatagal yung palo ko sa kanya nasaktan na siya kaya huminto sa pagtawa.

KASO NIYAKAP NAMAN AKO TAPOS TUMAWA ULIT >///<

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon