Chapter 1

8.4K 91 16
                                    

Chapter 1 

di magandang tanawin

"HINDI NIYA AKO PINANSIN!" Ang pinakamagandang reaksyon ko para sa pag-isnob sa akin ng seatmate ko.

"Grabe! Napakaaccomodating niya. To think, tranferee lang ako. Transferee lang ako! Tapos ni hindi man ako sinulyapan?! Tell me, mas worth it ba tignan ang libro kesa sa akin?" tuluy-tuloy na reklamo ko kay Alyana at Mark pagkatapos ng lunch break. Isang oras ang lunch break namin kaya mahaba pa ang oras namin. Mamaya, ililibot daw nila ako dito sa school. 

Nakakahiya mang aminin,... pero mahina ako sa direksyon. Madali akong mawala lalo na pag bago pa lang ako sa lugar. Hindi ako matandain sa mga nadadaanan ko kaya good luck nalang sa akin pag iniwan ako ni Alyana at Mark. 

"Ano ba yan, Bianca Erin Ann Ryza Yan! Mahiya ka naman. Kabago bago mo dito, gusto mo ata maeskandalo. Sinabi ko naman na sayo kahapon di ba? Na baka makaklase mo ang kunwari womanhater sa school pero playboy paglabas na si Nathan Cruz. Yan ang hirap sa yo eh. Malilimutin!" Sabay pa silang natawa ni Mark sa huling sinabi niya. Ang swerte ko sa dalawang kababata kong ito noh? Grabe talaga! Napakasaya ng first day of school ko dahil sa katabi ko.

"Che! Ilibot niyo nalang nga ako sa school na to. Baka maging maganda pa araw ko" 

"Brat!" sabay na bigkas ni Alyana at Mark habang tumatawa. Grabe ang dalawang to. Mahal na mahal ako. 

"Hi, classmate, ate Alyana, Kuya Mark! " sabi ng babae na galing din sa klase ko. Classmate nga eh! Baby face siya, hindi katangkaran at maputi. Ngumiti kami sa kanya. 

"Hello! Ano nga kasing pangalan mo? Sorry ha! Bago palang kasi eh" nakakahiya naman kasing hindi ko maalala ang pangalan niya samantalang tignan mo nga, ang bait bait niya tapos siya pa tong unang nang-approach.

"Ah... ayos lang. Lei Isabelle Anderson nga pala" pagpapakilala niya sa sarili niya. 

"Bianca Erin Ann Ryza Yan, B.E.A.R.Y nalang!" sabi ko at nakipagkamay sa kanya. Grabe ang lambot ng kamay niya. 

"Ah sige Beary, una na ako ha... hindi pa kasi ako nakakapag-lunch. Pinatawag kasi kami ng adviser natin eh. "  Siya kasi ang President ng klase namin. Nagtaka nga ako nun eh. First day of school tapos may election kaagad ng class officers. Normal lang daw yun kasi magkakakilala na daw kadalasan pag third year na kaya ganun sabi nila Alyana. Nagbabye siya tsaka dumiretso sa counter para umorder.

"Naks! May friendship ka na! Mabait yun. Orgmate ko siya last year. " Nagkwento siya ng onti tungkol kay Isabelle habang nag-uumpisa kaming maglakad-lakad.

"Bakit ganito sa school na to? Walang pwedeng maging secret place. Ano ba yan! Lahat dinadaan ng mga tao. Pero at least ha! Ang laki ng locker room. Tapos may changing room pa, para sa swimming class tapos may shower! Sa dati kong school wala man lang swimming pool. " komento ko nung malapit na kami sa gym. 

"Yana, Mark...buti nalang nakita ko kayo! di ba leader kayo? Pinapatawag ni Sir yung mga leaders eh. May meeting daw kasi mga P.E. teachers. Nasa gym siya"  hindi ko kasi kaklse mga best friends ko, unfortunately. Mga gurang na kasi sila! haahaha. Joke. Mas matanda lang sila ng isang taon sa akin. 

Alangan silang humarap sa akin. "Hatid nalang muna kita sa room niyo. Mahirap na! Baka mareport ka as cutting dahil hindi mo mahanap ang room mo" pabirong sabi ni Mark.

"Di na! Tawag kayo ng Sir niyo eh. Alam ko na pabalik dun... promise" pagtanggi ko sa kanya. Kasi naman, mag-ooffer lang ng hatid, mang aalaska pa! Kung sana hindi ganun baka pumayag pa ako eh. 

 "Yana, Mark! Tawag na talaga kayo ni Sir. Kayo nalang daw kulang, kakatext palang ni Mia sa akin. " sigaw nung classmate nila sabay wagayway sa cellphone niya kaya ayun, napilitan na silang magdisappear sa harapan ko. 

"Now, paano nga kasi bumalik sa room namin?" 

Sa gitna ng pagturo turo ko sa lahat ng mga dinaanan namin... may nakita akong isang di magandang tanawin. Anu ba yan! Sa lahat ng makikita siya pa.

Ay wait... kaklase ko nga pala siya. Tatanungin ko nalang siya... Tama! Lalapitan ko nalang siya. 

  Habang papalapit ako sa kanya, may kumausap sa kanyang babae na parang... nahihiya? Nakita ko pa siyang umling tapos nilagpasan lang yung babae. Ang sungit naman! Pinakatitigan ko yung babae habang palayo siya sa crime scene. Hindi siya kagandahan pero maputi naman tsaka medyo matangkad. Ah, baka di type. Di ba nga playboy sa labas ng school womanhater sa loob ang taong yun. Tama tama... act lang siguro niya yun.

Kaso... siya rin nga pala ang lalapitan ko.

Bahala na nga!

Swerte naman ako sa horoscope ko kaninang umaga eh.

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon