XXXVII. Lust

459 19 8
                                    


_________________________

The Devil does not come dressed in a red cape and pointed horns.
He comes as everything you've ever wished for.

- Tucker Max

_________________________

Nanatiling nakayuko si Corvette, mistula na itong estatwa mula pa nang dumating ito kanina sa dollhouse.


Inudyok ni Kria ang binata para maligo na at magbihis upang hindi ito magkasakit. Walang kibong sumunod ito sa kanya kanina, ngunit ngayon ay tahimik at tulala nanaman ito.\


Habang nasa shower si Corvette ay kinuha ni Kria ang mga maruming damit nito upang sana ay ibabad para maalis ang mga putik mula dito. Ngunit sa panggigimbal niya ay hindi lamang putik ang mansta sa damit ni Corvette.


There were several blood stains in them. Kria bit the inside of her cheek as she doused the clothes with hot water at hinaluan iyon ng sabon na panlaba.


Natigilan si Kria. Paano kaya kung...kung hindi niya minahal si Corvette?


Normal kaya ang buhay niya ngayon? Pumapasok sa paaralan, with her friends? Paano kaya kung regular na nilalang lang din si Corvette?


Masaya kaya sana sila ngayon?


"Masaya naman kami ah..." she croaked. A lie to herself to make her believe that everything was alright.


Hindi ba at siya naman ang nanindigan na gagawin niya ang lahat para sa binata? Pero bakit...


Bakit parang ang bigat ng kaniyang kalooban ngayon? Naghahangad lang naman siyang mahalin siya ni Corvette sa paraang nais niya. Isang buhay na normal at payapa kapiling ito. 


Ngunit batid niya sa kanyang sarili na ang mga panahong katulad ng dati ay hindi na maibabalik. Hellene warned her about Corvette's life but she didn't listen. However, she won't have it any other way.


She loves him and she is willing to love even the worst parts of him. She just wishes he'd see her too. Kapiling nga niya ang binata pero sa mga mata nito ay hindi man lang niya makita ang sarili sa mga balak nito sa hinaharap.


Corvette was hell-bent on getting his vengeance.


"Ayreen" untag nito sa kanya at agad naman siyang tumalima upang puntahan ito. But before she could even turned around ay naramdaman na niya ang pagyakap ni Corvette sa kanya mula sa kanyang likuran.

DollhouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon