Chapter 16

1.8K 58 18
                                    

Malamig ang ihip ng hangin noong gabing iyon. Makulimlim ang langit at natatakpan ang buwan ng mga ulap. Sa unang tingin, ang binata ay mukhang nagmamadali lamang upang hindi abutan ng nagbabadyang ulan. Ngunit kung ito ay tititigan mong mabuti, mayroong kakaiba sa binata.

Lumipas ang ilang sandali at isang ungol ang madidinig sa isang eskinita. Isang impit na sigaw ng babae ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Maya maya pa ay bigla muling nanahimik.

Hindi nagtagal ay makikitang lumabas ang kahinahinalang lalaki sa eskinitang pinanggalingan ng ingay. Nakapamulsa at natatago ang mukha sa suot nitong jacket at nagmamadali itong umalis.

Its done...

Kinabukasan ay isang balita ang lalabas sa telebisyon. Isang babaeng pinaslang sa isang eskinita, butas ang dibdib, at nawawala ang puso ng biktima. Lilipas ang araw at patuloy na magi-imbestiga ang mga pulis ngunit wala silang makikita. Dahil ang lalaking pumaslang sa biktima ay hindi isang ordinaryong nilalang.

Ang lalaking pumaslang ay isang halimaw...

YOHAN

Tahimik na pinagmasdan ni Yohan ang nilalang. Nagkukubli ito sa dilim kaya naman ay napakahirap nitong makita maski sa mata ng isang demonyong tulad niya. Kaya lamang niya ito naaaninag ay dahil sa kapangyarihan ng mga anino na nakuha niya mula sa kakambal niya.

Mabilis kumilos ang halimaw. Matapos nitong gawin ang krimen ay agad itong umalis. Nang ito ay makalayo, mabilis nitong tinanggal ang mantsa ng dugo sa mga palad nito at makalipas ang ilang sandali, ay nagbago ang anyo nito. Mula sa pagiging halimaw, isang inosenteng anghel ang pumalit rito. Isang halimaw na nagtatago sa mukha ng isang inosenteng anghel...

Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Yohan sa nasaksihan. Panibagong impormasyon sa larong nilalaro niya. Isang impormasyon na maaaring baguhin ang resulta ng laro.

Ang anghel ay maaring maging halimaw ngunit ang halimaw ay hindi maaring maging anghel. Ito ang pinaniniwalaan niya noon pa man. Ngunit ano itong nakikita niya ngayon? Isang mapanlinlang na halimaw. Hindi ito  anghel. Isa itong kaaway na kailangan niyang tanggalin sa kanyang landas.

Mula noong mahulog ang kanyang kakambal sa kasinungalingan ni Ara ay sigurado na ang kanyang pagkapanalo ngunit ang halimaw na ito ang sisira ng plano. Umalis na si Ara sa puder ni Zack at hanggang ngayon ay hindi parin ito mahanap hanap. Kaunti na lamang at lalamunin na si Zack ng kadiliman. Sigurdo na ang panalo niya. Hindi. Hindi niya maaring hayaan ang halimaw na ito lumapit at sirain ang pagkapanalo niya.

Papatayin niya ang halimaw. Mananalo siya at paghaharian niya ang lahat.

ARA

It has already been a month since she received the key for her freedom. Mula noong malaman niyang pinagkakatiwalaan na siya ni Zack at maari na siyang umalis sa kwartong iyon, agad siyang umalis. Hindi na niya pinatagal pa at iniwan na niya si Zack. She hid herself well.  Ayaw na niyang makisalamuha pa sa mga demonyo. Besides, she is confident that Zack would never find her again. Sigurado siya dahil bago siya umalis ay mayroong inabot sa kanya ang diablong laging kasama ni Zack.

Before she left, Greed gave her a key. Isa itong susi na gawa sa isang diamanteng itim. It was a key that can only be used twice before it breaks. The first use was to leave. The second use was for her to return. According to Greed that key would make her untraceable to anyone when she use it. Noong una ay hindi siya naniwala at hindi niya ito ginamit. She just left the red room and tried to hide herself the best she could. Hindi siya sinundan ni Zack, ngunit si Yohan naman ang nanggugulo sa kanya. Pinipilit siya nitong kumbinsihin na sumama dito at tutulungan siya nitong magtago. When she got fed up, she tried using the key that Greed gave her. Hindi siya umaasa na gagana ito ngunit noong maski si Yohan ay hindi na siya nahanap, naniwala na siya na hindi siya makikita ng kahit na sino. It has been a month now since she left and no one could find her. Not even Zack. She is free and the only thing connecting her to the past was this key she was holding. Hindi pa niya nagagamit ang pangalawang gamit nito at wala siyang balak gamitin ito kahit kailan ngunit bakit hindi niya magawa itong itapon?

Escaping DarknessWhere stories live. Discover now