Chapter 7

2.9K 122 32
                                    

ARA

"Psst!"agad na napabangon si Ara ng mayroon siyang madinig na boses. Nilibot niya ng tingin ang madilim na kwarto.

"Psst! Hahaha!"muli ay napalingon si Ara sa direksyon ng boses. Pamilyar sa kanya ang boses. Tila tinig ito ng isang batang babae.

"Dali! Ang bagal mo naman eh! Hahahaha"sabi pa uli ng bata. Sinuyod muli ni Ara ng tingin ang silid at napansin niya ang maliwanag na bintana. Dahan dahang nilapitan ni Ara ang nakasisilaw na liwanag. 

"Nandyan nako! Wahhhh! Hahahah"dinig ni Ara na sabi ng isang batang lalaki. Matapos nito ay nadinig niya muli ang tawa ng batang babae. 

Nang marating ni Ara ang bintana ay agad siyang sumilip sa pinanggagalingan ng liwanag. Mula sa bintana ay nakakita siya ng isang hardin ng mga rosas. Nangunot ang noo ni Ara. Kilala niya ang harding ito. Ito ang hardin ng mansyon ni Zack. Maari kayang nasa mansyon siya ngayon? Tinitigan niya ang dalawang bata sa hardin. 

Naghahabulan ang mga ito habang parehong mayroong mga ngiti sa kanilang labi. 

"Huli ka! Hahaha"sabi ng batang lalaki nang maabutan niya ang batang babae.

"Aahhh! Zack! Hahahaha"tili ng babae habang tumatawa nang hatakin siya pahiga ng batang lalaki. Nagulat si Ara ng madinig niya ang pangalan ng batang lalaki. Tinitigan niya ang mukha nito. Tinitigan niya ang kulay itim nitong mga mata at buhok. Sunod ay tinitigan naman niya ang batang babae. Tinitigan niya ang nakangiti nitong mukha habang nakikipaglaro sa hardin. Malipas ang ilang segundo ay nakumpirma na niya ang nasa isip niya. Ang mga bata ay sila ni Zack noong nasa mansyon pa sila ng mga Cruz. Ito ang mga panahong wala pa siyang alam sa realidad. Ito ang panahong hindi pa niya nakikilala ang tunay na demonyo sa likod ng inosenteng mukha ni Zack.

Nasilayan niya ang masayang mukha ng dalawang bata at napuno siya ng galit. Gusto niyang babalaan ang batang si Ara sa kung anong klaseng demonyo ang kalaro nito. Sinubukan niyang basagin ang salamin ng bintana. Sinuntok niya ito habang nagsisigaw. Unti unting nagdilim ang bintana hanggang sa mapuno muli ng dilim ang silid. Wala pang ilang minuto nang mayroon siyang nakitang panibagong liwanag sa kabilang panig ng kwarto. 

Katulad kanina ay agad niya itong nilapitan. Panibagong bintana na may panibagong tagpo. Naglalaro ang batang si Ara ng manika nang lumapit ang batang si Zack.

"Ara gusto mo bang maglaro?"sabi ng batang si Zack. Pinanood ni Ara ang tagpo hanggang sa dumating na sa parte kung saan inaabot na ni Zack ang kamay niya kay Ara.

"Wag!"sigaw ni Ara ngunit inabot parin ng batang siya ang inaabot na kamay ni Zack. Dito nag-umpisa ang problema niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya makawala wala kay Zack. Itong lintik na larong ito ang nag-umpisa ng lahat.

Muling nagdilim ang silid. Mayamaya pa ay panibagong liwanag ang nagbukas. Muli ay sinilip niya ito at isang tagpo mula sa nakaraan ang muling bumungad sa kanya.

"Ara makinig ka sakin! Mahal kita at hindi kita sasaktan!"dinig niyang sigaw ni Zack. This happened 3 years ago. Kinse anyos lamang siya samantalang 18 nmn si Zack.

"Sinungaling! Demonyo ka Zack! Layuan mo ko! Layuan mo kami ni mama!"sigaw naman niya. Kita ang desperasyon sa mukha ni Zack habang nakatitig kay Ara.

"Ara hindi... Mahal na mahal kita Ara. Gusto lang kitang protektahan. Kung hindi kita aangkinin, kukunin ka sakin ng~~"agad na pinutol ni Ara ang sasabihin ng binata.

"Nadidinig mo ba yang sinasabi mo kuya?! Kapatid kita! Hindi kita mahal!"sigaw niya muli. Kita ang halo-halong emosyon sa mata ng binata. Sakit, pagmamahal, galit at desperasyon.

Escaping DarknessWhere stories live. Discover now