Chapter 6

4.6K 172 35
                                    

ARA

Nagising si Ara sa isang di pamilyar na kwarto. Pinakiramdaman niya ang kanyang katawan at wala siyang naramdamang kahit na anong sakit.

Tila isang bangungot lamang ang nangyari. Naalala niya ang dilaw na mata ng hellhound at kinilibutan siya sa takot. Lumabas siya ng kwarto at agad niyang nakita si Yohan na nakatitig sa isang salamin.

"Yohan?"tawag niya dito. Agad na napalingon sa kanya ang lalaki. Kita niya ang kinakabahang mukha nito.

"Youre awake."sabi ng lalaki.

"May problema ba?"kunot noong tanong ni Ara. Yohan smiled nervously.

"Ara I want you to keep an open mind ok? Nangako akong tutulungan kita kung hahayaan mong ako ang maglaro para sayo. I want you to trust me on this..."maingat na sabi ni Yohan sa kanya na tila sasabog siya ano mang oras. Nagtataka siya sa ikinikilos ng lalaki. Anong ibig sabihin nito? Malumanay siyang naglakad patungo sa lalaki. Nang maaninag niya ang tinitignan ng lalaki sa salamin ay agad siyang nabato sa kinatatayuan niya.

Sa salamin ay nakita niya ang lalaking matagal na niyang tinatakbuhan. Si Zack.

"Anong ibig sabihin nito Yohan?!"sigaw niya. Mabilis ang pintig ng puso niya habang nakatitig sa kanya ang malalamig na mga mata ni Zack. Halos mapaatras siya sa takot na baka biglang lumabas ang binata sa salamin at kunin siya nito.

"Hear him out Ara. Just please hear him out..."malumanay na sabi ni Yohan habang dahan dahan siyang hinaharap sa salamin. Sinubukan niyang pumiglas pero agad siyang pinigilan ni Yohan.

"Ara kausapin mo lang siya. Hindi ka niya magagalaw. Hindi ka niya makukuha. Trust me Ara..."sabi ni Yohan habang nakatitig sa kanyang mga mata. Nag-aalangan man ay dahan dahan siyang tumango. Binitawan siya ni Yohan at dahan dahan siyang naglakad patungo sa harap ng salamin.

"Ara."ang malamig na boses ni Zack ang agad na sumalubong sa kanya. Tinitigan niya ang lalaki. Kung hindi niya ito kilala ay baka isipin niya na isa lamang itong modelo. Kulay itim ang malalamig nitong mga mata. Ang buhok naman nitong kulay itim rin ay medyo may kahabaan na kaya nmn tuwing yumuyuko ito ay natatakpan nito ang mga mata ng binata. Kung hindi mo ito kilala ay hindi mo maiisip na isa itong demonyo. Nilingon niya ang likod ng lalaki at nakita niya ang isang pulang silid.

"Anong kailangan mo?"matalim na tanong ni Ara. Natatakot man siya ay hindi niya ito ipinahalata sa boses niya.

"A deal."sabi ni Zack.

"No."mabilis na sagot ni Ara. Alam niya ang mga kasunduang ganito. Ang kasunduan sa demonyo ay mapanganib dahil tuso ang mga ito. Kung hindi ka mag-iingat ay siguradong matatalo ka. Nakita niya ang pagdilim ng ekspresyon ng binata. Nang magsalita ito ay mas lalong naging malamig ang tinig nito.

"Makinig kang mabuti Ara. Gustuhin mo man o hindi, alam nating pareho na kung gugustuhin ko ay madali kitang makukuha. Nandyan man si Yohan o wala, ganun parin ang kalalabasan. Kaya nmn bibigyan kita ng pagpipilian Ara. For old times sake."Zack said. Ara saw Zack's eyes soften when he mentioned the past. Ara looked away.

"Just say it Zack. Sabihin mo na ng matapos na ang usapang ito..."mahinang sabi ng dalaga.

"Let me stay with you Ara and~~"agad na pinutol ni Ara ang sinasabi ni Zack.

"No! Ayoko!"sigaw ni Ara. Her hands started to shake with fear so she closed them tightly. Zack's soft expression vanished.

"You have a choice Ara. Its either you let me stay with you and I'll protect you just like before or I'll take you by force and you'll be treated like nothing but my servant."Zack spat. Ara's voice trembled and tears formed in her eyes.

Escaping DarknessWhere stories live. Discover now