Chapter 4

4.8K 176 34
                                    


ZACK

RED ROOM

Halos gumapang si Zack papasok ng pulang kwarto. 

"Damn them!"sigaw ni Zack bago siya tumihaya sa sahig. He closed his eyes while breathing heavily. Ramdam niya ang paghilom ng kanyang mga sugat pero ramdam din niya ang pagod at ang paghina ng kanyang katawan. 

Kitang kita ang kulay itim niyang dugo sa sahig. Malalim ang natamo niyang sugat. Kung isa lamang siyang ordinaryong demonyo, malamang ay patay na dapat siya ngayon. Pero dahil sa dugo ng kanyang mga magulang, hindi siya basta bastang mamamatay.

Ang mukha ni Greed and unang bumungad sa kanya sa pagdilat ng kanyang mga mata. Greed is staring at his bloody form impassively. 

"What happened to you Zack?"tanong ni Greed sa kanya.

"Those bastards destroyed my shadows."inis na sagot ni Zack sa diablo. Greed continued staring at him as if waiting for him to continue.

"Tss"sabi ni Zack bago siya nag-iwas ng tingin bago binulong ang sumunod na nangyari.

"So I attacked them and tried to kill them."mahinang sabi ni Zack.

"You're reckless."sabi ni Greed habang seryosong nakatingin sa binata.

"Leave me alone Greed."malamig na sabi ni Zack sa diablo.

"You will lose this game."sabi pa ni Greed.

"I said shut up."matalim na sabi ng binata.

"You will lose her."dagdag pa ng diablo. Agad na nilingon ni Zack ang diablo at tinitigan ito ng matalim. Agad na naging ginto ang kanyang mga mata at nanginig siya sa galit.

"I won't."malamig na sabi ni Zack sa diablo habang nakakuyom ang kanyang mga kamay.

"Hindi lang kayong dalawa ni Ara ang naglalaro Zack. Marami kayo. Hindi ito katulad noon na kayong dalawang magkapatid lang ang naglalaro. Sa larong ito Zack, marami kang kalaban."sabi ni Greed.

"Hindi ko kapatid si Ara."Zack snapped before sinking in the shadows.

ARA

Mula noong nagkita sila ni Calvin ay naging tahimik ang buhay ni Ara. Apat na araw na ang lumipas. She is always on the guard. She knows that it will only be a matter of time before something happens. 

Naglalakad siya ngayon pauwi. Alas singko pa lang ng hapon kaya naman ay kampante siya.

"Ara, hindi ba?"dinig ni Ara na sabi ng isang lalaki sa kanyang likuran. Agad siyang napatigil sa paglalakad at agad niyang nilingon ang nagsalita. 

"Sino kayo?"kinakabahang sabi ni Ara sa apat na estranghero sa kanyang harapan. Ngumisi ang lalaking nasa harap niya. Kulay kape ang buhok nito at tila umiilaw ang kulay amber nitong mga mata. 

"Why do you look afraid? Wag kang mag-alala school mates tayo."sabi nito habang nakangisi sabay pakita sa ID nito na dinukot nito sa bulsa.

Marcus Alferos

Ito ang nabasa ni Ara sa ID nito.

"A-Alferos?"nauutal na sabi ni Ara. Hindi ba't Alferos rin ang apelyido ni Calvin? The boy grinned at her expression. Humakbang ito papalapit sa kanya kaya naman ay agad siyang napaatras ngunit agad siyang nabunggo sa iba pa nitong kasama na nasa likod niya.

"Pamilyar ba?"maloko nitong tanong habang nakangisi sa kanya.

"K-Kailangan ko ng umalis."nauutal na sabi ni Ara. Sinubukan niyang talikuran ang mga ito ngunit agad siyang pinihit paharap ng lalaking kulay pula ang buhok.

Escaping DarknessWhere stories live. Discover now