Chilly Night and Day

101 2 3
                                    

█ Jessica's POV █

" Ako rin Jessica gusto rin kita. Kung ikaw hindi ka sigurado, ako... siguradong sigurado. "

Nakatulog si Brian  pagkatapos niya sabihin ang mga unexpected words sa akin. My heart skips a beat.... Parang lumulutang ako sa isang paraiso. Hindi ko alam kung totoo yung mga sinabi niya. All I know is that.... those words came from his mouth.

Ang lamig lang talaga dito. 12 degree celcius, kawawa naman si Brian, mukhang nilalamig baka magkasakit ulit 'to. Nilagay ko na lang ulit sa kanya yung coat niya, mas manipis kasi ang uniform ng mga lalaki kaysa sa mga babae tsaka na fefeel kong nilalamig na siya dahil nanginginig siya.

So, ako natulog sa isang tabi medyo malayo sa kanya mga one inch lang naman {malayo ba yun?! } Natulog kami sa rooftop habang hinihintay sumikat ang araw.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kinabukasan:

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at...... bigla akong napatayo sa gulat! NAGULAT AKO DAHIL...... NASA KWARTO AKO! Yung kwarto ko mismo sa girl's deck! Paano naman ako napunta dito?

" OH! Gising ka na pala! Ok ka na ba? Balita ko umabot sa 39 degrees ang body temperature mo kanina. Kinabahan nga ako sayo e! "

" He-hero? Kanina ka pa ba nandito? "

" Oo naman noh! Kailan pa ako nawala sa tabi mo? Magpahinga ka muna pagluluto kita ng soup. "

Ang buong akala ko.... si Brian ang kasama ko. Hindi pala, nag-aasume lang pala ako :( Nasaan na kaya si Brian? Kamusta na kaya siya?

______________________________________

█ Brian's POV █

* kaninang umaga *

Gumising na ako, at napansin kong walang nakapatong sa balikat ko na ulo, NASAAN SI JESSICA?!

" huh-huh-huh-"

" Je-jessica?! " hinipo ko siya at.... INAAPOY SIYA NG LAGNAT. Nagpanic ako ng sobra, kaya sinubukan ko buksan ang automatic door, at buti naman open na siya.

Binuhat ko si Jessica at along the corridor nasalubong kong magkasama si Hero at Ms. Carlie, sabay ata silang papasok sa archery room.

" TU-TULUNGAN NIYO A-KO! "

" Brian?! Anong nagyari kay Jessica?! " tanong ni Hero na sobrang nag-aalala

" We better go to the clinic para maalagaan siya. " sabi ni Carlie

Sabay kaming pumunta sa clinic at sasbi ng nurse kailangan niya ng one day house rest, para bumaba ang lagnat niya. Gusto ko sanang alagaan siya pero, uunahin ko muna ang safety ni Jessica......  baka maulit nanaman ang nangyari.

" Hero, pwede bang ikaw muna ang mag-alaga sa kanya? May aasikasuhin lang ako. "

" Hmm. Sige. Ako muna ang mag-aalaga sa kanya. Magpapatulong na lang ako sa mga tita sa girl's deck para madala siya sa kwarto niya. "

" Wag kang mag-report sa akin hindi kita bibigyan ng grade. Basta wag mo lang patayin si Jessica ok! ..... Carlie, usap tayo. "

Lumabas ako at si Carlie, at doon kami nag-usap sa rooftop.

"Kailangan mo ba ng makakausap ngayon? "

" Bakit mo ba pinapahamak si Jessica?  Una yung pin, ngayon dito sa rooftop, ano naman ang sunod? Baka sa kwarto mo na siya papatayin? "

" ALAM MO NAMAN KUNG BAKIT KO GINAGAWA YUN DIBA?! "

" Oo! Pero sana wag ka naman magpahamak ng iba! "

" Gusto ko lang naman, mapansin mo ako everytime, hindi yung kapag may kailangan ka lang! "

" Yun lang ba ang gusto mo?! "

" Kung lagi mo akong papansinin, titigil na ako. Promise yan! "

" Don't tell your words, show your words! Kung titigil ka I'll grant your wish. " umalis na ako.

Alam kong hindi na kami maari mag-usap ni Jessica, pero at least naka experience ako kasama siya ng matagal at masaya. Mahalaga siya sa akin kaya kailangan ko siyang protektahan I failed once, but not twice!

Kamusta na kaya si Jessica?

_________________________________

█ Jessica's POV █

" Say AHHHH~ "

" HAHAHAHAHA! "

" Jessica, paano ka makakakain kung lagi kang tumatawa? "

" Wala may naalala lang ako! "

Naalala ko yung ginawa ko kay Brian nung nagkasakit siya. Ang saya niya alagaan kaso not enough time e.

" Kakain na ako ok! Wag mo na ako subuan. "

" Sabi ng nurse nagkasakit ka daw dahil sa sobrang lamig. Saan ka ba natulog kagabi? "

" Sa.. rooftop. "

" ANO?! ANONG GINAGAWA MO SA ROOFTOP!? "

" Eh kasi naman... nawala ko yung binigay mong bracelet sa akin kaya hinanap ko iniyakan ko pa nga e. Kasi baka magalit ka sa akin. "

" GRABE! Ganun ba ako kahalaga sayo? "

" Oo naman! "

Sheeze~ ang awkward ng part na 'to SWEAR! I WANNA DIE!!!!!

" Sa totoo lang nung nawala ko yung bracelet hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil napaka sentimental nun sa akin dahil galing yun sayo. "

Bigla ako niyakap ni Hero at sinabi...

" Sa susunod, wag mong ipapahamak ang sarili mo ng dahil sa akin! Matataranta ako. "

" Sorry na.... "

________________________________________

WHOOP~ Cut muna next chapter ulit :D Please support thank you :)))))))))))

I♥PerfectionistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon