Punishment on 1st day

74 4 1
                                    

" I HATE YOU!!!!! MANGAAGAW NG FIRST KISS!!!!! "

Galit ako sa taong yun! Nakakainis siya!

Buti na lang hindi ako siga kundi nasapak ko yung ulol na yun!

" Ako ba pinapatamaan mo ?"

Sino yun?! May tao ba dito?

Silip sa kanan....  ->_->

Silip sa kaliwa...<-_<-

Wala namang tao eh! 

Sino ba yun?! Nakakatakot na!

Sa takot ko bigla akong lumayo sa piano. Naglakad ako dahandahan habang hinahanap ang taong  narinig kong nagsalita... Promise talaga walang tao dito kanina! 

Tapos.... biglang nagplay ang piano in a ascending tone!

" WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!! " sa gulat at takot ko napaupo ako sa sahig at gumagapang paalis ng stage. Tiningnan ko ang piano at may tao nga!

" TSK! Ang over acting mo naman! Tumugtog lang ng piano takot agad! Para ngang may shooting ng shake, rattle and roll dito. "

"K--kanina ka pa diyan? "

" Hindi ngayon lang ako nandito! "

" Ngayon lang?! Saan ka naman dumaan bakit hindi kita napansin?! " 

" Sa sobrang concentrate mo sa pagpiapiano hindi mo man lang napansin na may natutulog sa backstage! "  E dumaan din ako sa backstage e! Bakit hindi ko napansin tong lalaking to?!

" Sorry, hindi kita napansin, hayaan mo lilibre na lang kita. " Yan lang ang naisip kong paraan para hhindi na ako mapaaway.

" Tingin mo papaniwalaan kita?! "

" Ha?! " 

" Una, first meeting palang natin may balak ka nang lagyan ang mukha ko ng black eye, pangalawa halos mangamatis ang mukha ko sa sampal mo at pangatlo, halos mawalan ako ng eardrum sa sigaw mo! Ang point ko, ayoko sa mga babaeng nanakit at immature! Tsaka bakit mo naman ako ililibre diba galit ka rin sa akin diba! Diba Jessica! "

Aba! Pano naman niya nalaman pangalan ko?! Perfect ding manghula?! 

" Pano mo nalaman name ko?! Sinabi ba sayo ni Miss Carlie? "

" Hindi nalaman ko kay Hero!  AISH!!! Alam mo bang ang sakit ng ulo ko dahil bitin ang tulog ko! "

" Gusto mo ng biogesic? Paracetamol ? Anong gusto mo? Bibili ako! "

" Ikaw. "

Ano daw? Tinatanong ko kung anong gusto niya tapos sagot niya ikaw?!

" May gamot bang IKAW ang brand? Ano yung Japanese or Chinese medicine? "

" Perfect medicine ka "

" Ha?! Sorry pero wala akong maitindihan! "

" Ikaw ang dahilan kaya sumakit ang ulo ko for the first time! Kaya dapat lang na parusahan ka! "

Parusa?!! >_< Nakakatakot! 

Anong parusa? Papaluin niya ako gamit ng sintoron o tsinelas? Pipingutin niya ang tenga ko o ilong ko? Sasabunutan niya ako o ako ang gagawin niya bunot sa paglalampaso? AHHHH AYOKO KO NA!!! 

" Anong parusa? Please wag mahirap hindi ko na rin naman uulitin e! "

" Syempre as usual pag nagkasala ang isang tao kailangan siyang maging alipin! "

" SLAVE!!? "  Ayoko nga! Kaso maeexpel naman ako! Saan ako tatambay nito, iyo pa naman ang only place sa mundong ito! Hindi ko nga rin masearch ang mundong 'to sa google earth kasi nga IMAGINATIC lang to! 

" Hindi SLAVE! ALIPIN! BINGINGERS ! Alam mo na siguro kung ano ang ginagawa ng mga alipin diba?! "  Hmph~ ALIPIN, SLAVE, UTUSAN, MAID, KATULONG, SERVANT PAREPAREHAS lang yun! Di ata niya alam! Ganun siya katanga! Bahala siya sino siya para mag---

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang silver pin sa damit niya. Ibig sabihin ang lalaking 'to ay isa sa mga league ng perfect students under ni Miss Carlie? Parang ayokong maniwala!

Una, adik ang lalaking to! Pangalawa mukhan hindi siya seryoso sa pag-aaral pangatlo laging pasaway! Sige nga tingin niyo ba may nilaga ang lalaking to!? 

Pero wala na akong choice ayoko ngang maexpel tsaka at the first place choice ko to e, so I have to accept the consequences! Malay ko bang may perfect bad boy sa dito! 

" Sige na, ano na ang iuutos mo!? "

" Get out, and I don't want to hear you playing the piano! Parang gigiba ang stage you're not playing it perfectly! "

" ANO?! SINO KA PARA GANYANIN AKO! PIANO NGA ANG KALIGAYAHAN KO BABAWIIN MO PA?! "

" Kahit sinong expert diyan sasabihan ka lang ng ganun. And how dare you to shout at me?! Gusto mo bang maexpel immediately?! "

"Sorry, pero ang pagtutugtog ng piano ang kaisangisang bagay na mahalaga sa akin. Siguro lahat ng bagay pwede kong sundin except lang doon " sabay walk out

" Bakit ka aalis? Hindi pa ako tapos magsalita! "

"Sorry, pero pinapaalis mo na ako kanina e! "

"O sige alis na! "

Labo talaga ni dodong noh?! Kala ko may sasabihin, papaalisin lang pala ako!

" Ang galing ng nagpiano kanina noh Hero! "

" Oo nga e, kung sino man siya, gusto ko siyang makilala! "

Ako yun Hero! 

Ang sarap ipagmalaki sa lahat na ako yung nagpiapiano kanina kaso may uripon sa stage e tulog na tulog! Baka magising at magwala nanaman Nakakahiya!

At dito nagtapos ang first day ko sa school na to...

Ahy wag muna makapaglibrary nga muna! 

Hindi pagod na ako, hindi ako mahilig magbasa e! 

Pero may gusto akong gawin!

ARCHERY!!!

Hindi magpapahinga muna ako ng ilang oras lagi namang bukas ang school e!

♫all day all night!♫ Ahy! Kumanta!

Pahinga muna ako para makapagpahinga din si author :D 

I♥PerfectionistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon