At the Park

95 3 1
                                    

♦ Jessica's POV ♦

"Bakit ka may pin pin Jessica?! "

" K-kasi-ano.... may... may kasalanan kasi ako kay.... kay... kay... "

Hinawakan ni Hero ng mahigpit ang braso ko at sinabing " Huminahon ka Jessica! KAnino ka nagkasala?! "

Hanggang sa naiisip ko ang fact na magiging alipin ako ng isang demonyo sa academy na to aniiyak talaga ako... Sana kasi nilibot ko muna yung hall na yun!

" NAGKASALA AKO KAY---"

" Sa akin siya nagkasala, may problema?! " sabi ng isang lalaki sa likod ng pinto.

" Brian?! Anong ginagawa mo dito? " sabi ni Hero na gulat na gulat.

" Ikaw talagang babae ka, lagi ka na lang naninigaw! Hindi ka ba napapaos?! Ginising mo nanaman ako sa tulog ko! Ang ganda ganda na ng panaginip ko e! Sumama ka sa akin... "

Hinila ako ni Brian palabas ng archery room. Saan nanaman kami pupunta nito?

____________________________________________

♦ Hero's POV ♦

" Huminahon ka Jessica! KAnino ka nagkasala?! " Naku po! Delikado tong si Jessica lalo na kulay pink ang pin na nilagay sa kanya! Pag pink pin ang nilagay sayo ibig sabihin pwede ka maging alipin ng buong Perfect Student League! Kahit 10 lang kami sa klase marami pa rin yun at demanding din ang mga girls namin!

" NAGKASALA AKO KAY---" Pero hindi na naituloy ni Jessica ang sasabihin niya ng may sumagot sa likod ng pinto.

" Sa akin siya nagkasala, may problema?! " Brian?! Anong ginagawa niya dito? At higit sa lahat anong sabi niya?!

" Brian?! Anong ginagawa mo dito? "

" Ikaw talagang babae ka, lagi ka na lang naninigaw! Hindi ka ba napapaos?! Ginising mo nanaman ako sa tulog ko! Ang ganda ganda na ng panaginip ko e! Sumama ka sa akin... " sabi ni Brian kay Jessica at hinila ito palabas ng Archery room. Ibig sabihin si Brian nga ang naglagay ng Pink pin kay Jessica! Ang weird naman first time ata siyang naglagay ng pink pin sa isang babae? Anong balak niya kay Jessica?! 

Dapat, kahit anong mangyari walang mangyayaring masama kay Jessica!

_________________________________________________

♦ Jessica's POV ♦

Balik nanaman sa akin ang eksena!

Oh well, dito pala ako dinala ni Brian sa isang park na may bench malapit sa Academy's fountain. Pinaupo niya ako tapos humiga ba naman sa lap ko ang Pinyang lalaki! Ang bigat ng ulo niya pero parang umiinit ata ang pakiramdam ko lalo na yung mukha ko... Tumingala sa akin si Brian...

" Bakit ka namumula?! Wag ka ngang feeler wala akong gusto sayo noh! Ginawa ko lang unan yung lap mo! "

" Hindi ah! Hindi ako namumula dahil crush kita! Namumula ako kasi ang init ng lugar. Tsaka mag thank you ka man lang sana sa akin kasi hindi kita inilaglag! "

" Bakit naman ako magthathank you e diba nga alipin kita! "

" TSs~ Kahit na! Tao pa rin naman ako e! Kahit na sabihin mo sa paningin mo isa lang akong hayop na dapat sumunod sayo, sa mata naman ng normal na tao isa pa rin akong tao! "

" Alam mo magaling ka pala makipagdebate! KAso... hindi naman straight to the point! Masyado kang maraming sinastsat kaya wala akong maitindihan! "

" Oo na sige na magaling ka na! "

" SHUT UP! Ang ingay mo hindi nanaman ako makakatulog! Kantahan mo na lang ako! "

" Ayoko nga! Makakatulog ka naman kahit hindi kita kantahan e, hindi kana baby! "

" Tch~ Sunod o Expel mamili ka! "

" Oo na susunod na! "

Kinanatahan ko siya ng isang nakakatakot na kanta ang title ay Sakura no uta. Japanese naman 'to kaya hindi niya maiitindihan!

After ko kumanta...

" Medjo hindi ako seven years old! " 

" Teka.. Naitindihan mo ba yung kanta?! "

" Oo naman, pero ok lang at least narinig ko ang maganda mong boses gusto ko kasi sa makarinig ng magandang boses ngayon kaya kita pinakanta "

Eh??? Gusto niya ang boses ko o gusto niya ako? AHYI! Ang feeler ko naman masyado! BOSES LANG DAW! 

Ang galing naman ng lalaking 'to naiitindihan niya ang hapon! Ako nga sinesearch ko pa ang english translation ng kanta para lang maitindihan ko... 

Tumitingin ako sa mga stars ng biglang....

MAY HUMAHAWAK SA KAMAY KO!

Pagkatingin ko...

Si Brian hinahawakan ang kamay ko?!

Ang lamig naman ng kamay niya. Bakit kasi dito pa niya gusto matulog pwede naman sa loob ng boy's deck! Anong gagawin ko!!! HUHUHU~~~

AHY!!!! Buti na lang lagi akong may baon akong cute na mitten... sana magkasya lang sa kamay niya.

Ipapasok ko na sana kaso...

" ANO BA YAN! ANG LAMIG NAMAN! AKIN NA NGA YANG ISANG MITTEN! " Sinuot niya ang isang mitten at pinasuot niya sa akin yung isa. Tapos hinawakan niya ang kamay ko na walang mitten at nilagay sa bulsa. MY GOSH! MAGKAHAWAK KAMAY KAMI!!! :OOOO

" GANITO MUNA TAYO KAHIT NGAYON LANG! " sabi niya sabay tulog...

Ayun nakatulog kami sa park na magkahawak ang kamay! 

I♥PerfectionistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon