Master-Slave Relationship

38 2 1
                                    

█ Jessica's POV█

Andito ako ngayon sa kwarto ko :"> Hihihihi grabe kinikilig lang talaga akoo. Kanina pa nga akong nagtatatalon sa kama sa sobrang kilig e. *sigh* Jusme di ko akalain na magkakalab layp pa ako sa mundong 'to. Sana hindi na ako magising!!! Joke lang noh!!! 

Kahit papano...gusto kong makita pa sila papa... Alam ko naman na darating din ang araw na... di ko na makikita pa si Brian.

Kaya i-enjoy muna natin ang mga sandaling makakasama ko siya!!! :"> Teka... makalabas nga ng Girl's Deck!!!

Pagkalabas ko sa girl's deck, agad akong tumungo sa park- isa sa mga paborito naming lugar ni Brian. Naalala ko pa noon nung umupo kami dito tapos namanhid yung paa ko, tapos the next day, binuhat niya ako papuntang classroom :"> Shwaaa~ ito nanaman ako kinikilig Jusme!!! 

Sa sobrang kilig ko napatakip ako ng mukha, tapos nagtatatalon nanaman ako :"> Obvious ba na kinikilig ako?! Di naman siguro.

" HOY BALIW!!! " sino yung ulol na yun?! Kita, nag-momoment yung tao e!!! Hinarap ko yung taong nagsasalita. Tapos nanigas na lang ako dahil sa sobrang hiya kasi naman eee... 

" Tintatalon-talon mo jan?! Para kang sira!!! Upo dito!! " kala ko naman mag-isa lang ako. Tapos, hanggang ngayon may gana pa siyang magsalita ng pautos. Master-slave pa rin ba ang relationship namin?! Kala ko ba LOVERS na kami?! Huhuhuhuh T_T.

" AYOKO NGA!!! Bahala ka diyan!!! Tinatanggal ko lang naman yung kilig ee:" >" uy binulong ko lang yung last ha!!! Kaso unexpectedly, bigla siyang tumayo at the next thing I know is, nasa harap ko na siya. NAKA-SMIRK!!!

" Uy, Brian, wag ka na nga nag-smismirk, ang pangit e. " 

" Oh, e ba't namumula ka?! "

" Talga?! " tapos kinapa-kapa ko yung cheeks ko. Ang init nga. Weakness ko kasi yung smirk niya e. Hehehe, bukod sa nakakatakot tingnan e dun siya lalong gumugwapo:"> Weird ba?! :)) Weird si Brian e. Hehehe

" Alam mo ang pango talaga ng ilong mo. Para kang si babe. Syet, naalala ko siya sayo!Hahha " Sino ba yang babe na yan?! Kala ko ba tayo na?! Si Ms. Carlie ba yan?! Gosh! Alam mo namang slow 'tong girlfriend mo e. Sa inis ko sa kanya, tumalikod ako at lumakad na palayo sa kanya. Nagulat na lang ak ng hatakin niya ako para i-hug. 

" Pero, mas cute ka pa rin kaysa kay babe. Kaso, mas masarap i-hug si babe kaysa sayo. Malambot yun e. "

" Edi dun ka magpa-hug!!! "

" Aba!! Matampuhing bata!!! Syempre, never kong gagawin yun. Mahal ata kita. "

O/////O  di ako sanay na sa kanya nagmumula yun. Grabe, ang sweet niya pala. Sweetness-> yan ang ugaling do mo makikita sa kanya kapag di kayo close. Pero once, you get to know each other, dun mo na siya medjo mararamdaman. :"> 

" Oh, ba't di ka makasagot?! Na-shock ka noh! Mahal kita, mahal kita , mahal kita, mahal kita.... "

*tsup*

Well, since babae ang uso mag make ng first move, edi ako ang unang humalik sa kanya. Kasi naman ang asar!!! Nag-blublush tuloy ulit akoo :">

" Oh, ba't ka namumula?! "

" Ano?! Di nga ako marunong mamula e!! Tsaka, kakakain ko lang ng kamatis kaya ganun. "

" Oh, ano namang connect nun?!" 

" STUPID!!! Natural ang pagkapula ng cheeks ko dahil sa tulong ng kamatis!! "

" WEH!!! Kanina di nga kita nakitang namumula e. "

" SABING DI AKO NAMUMULA E. " Tss~ edi HINDI!!! Kailangan bang ipagsigawan yun?! Makaalis na nga! 

" Uy sa-san ka..pupunta... " hinugot niya kasi ako ulit e:"> Well, pakipot mode yung kanina. 

" Brian, may tanong ako. Pano kung isang araw malaman mong wala na ako sa mundong 'to? " natigilan siya bigla. Bakit ko nga ba natanong yun?! Tanga talaga akoo :(((

" Edi lilisanin ko rin ang mundong 'to. Magsasama tayo sa after life. "

" WAG!!!! Kasi hindi rin tayo magkakatuluyan. Alam mo ba na ang mga nag-susuicide ay napupunta sa hell?! " Totoo naman e. Patayin ba naman ang sarili. Teka.. di ba niya alam na imaginary lang ang mundong 'to?! Ahy.. oo nga pala.. dito na siya nakatira sa mundong 'to. Ako lang pala foreigner dito. :)))

" So?! Makasalanan ka rin naman kaya for sure parehas lang tayo ng babagsakan. "

" Sama mo!! Ayoko ng ganun gusto ko magpapatuloy ang samahan natin sa langit!!! "

" Pwede ba wag kang ganyan, kung magsalita ka para namang mawawala ka na. "

" Hindi natin alam kung kailan yun Brian. Life is short diba. "

" Basta, aabot ako ng 100... kasama ka. "

" Tch~ imposible yun noh!! Pwedeng mauna ka, pwede rin namang mas mauna ako" kasi Brian, ganun ang mangyayari sa atin, after ng 1 month na pagsasamahan natin.

" Posible yun. Sabay tayo mamamatay. Kasi.. lagi akong nasa tabi mo... lagi kitang proprotektahan."

Gusto kong umiyak. Pero ayaw ng mga mata ko. EDI WAG!! *sigh* ang bigat naman ng pakiramdam ko. Sana nga pwede kaming magtagal. Sana may extension pa ang month ko dito. 

I-enjoy muna natin ang moments ko with Brian. :)))

" HOY!!! Teka, kala mo di na ako nagtatampo sayo?! Sino naman yung babe na sinasabi mo?! Si Ms. Carlie ba yun?! "

" HA?! Di mo kilala si babe? Yung baboy. Alam mo ba yung Babes na movie. " SHWAAA~ Yun ba?! So ang pinagseselosan ko all this time ay isang BABOY?! Jusme~~~

" Yun ba?! Sabi ko nga. Tara na nga sa loob. " inakbayan niya ako tapos pinull niya ako sabay kiss sa cheeks ko. (Gets niyo ba yung nangyare?! :)) ) 

" I love you... "

" Love you tooo. Bri "

*boogsh*

" Ok ka lang Jessica?! "

Habang papunta kami sa Girl's deck, may bumagsak na vase sa gilid ko as in sobrang lapit sa akin. Buti nga hindi yun tumama sa akin e. Nagulantang na lang ako bigla. As in nasa state of shock pa rin ako. Buti na lang niyakap ako ni Brian. Siya tuloy yung nasugatan. Buti maliit lang. 

" Brian... ano yun... ?" tumingin si Brian sa taas. Pati ako unti-unting napatingin. Isang silhouette ng lalaki ang nakita namin. Tapos pinatay na agad yung ilaw. Bakit may lalake sa loob ng Girl's deck?! At kaninong kwarto yun?! 

" Di ko rin alam... pero at least ligtas ka. "

" Pero ikaw... hindi... Tara, punta tayo sa taas. Valid excuse naman yan para payagan kang umakyat sa taas diba. "

" Uhmm. Pero.. dun ako matutulog sa kwarto mo... baka mamaya kung anong mangyare sayo. "

Natatakot rin ako.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Whoop~ Cut muna Abangan ang next Chapter. Dedicated sa kanya. Thank you for adding to your R.L :"> 

Thank you sa lahat ng mga nagbabasa :) Keep on reading :)) Fan.Vote.Read.Comment. it would mean a lot to me :))) Reiteration lang po: Mababaw lang ang kaligayahan koo :))

I♥PerfectionistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon