Sing Challenge?!

80 3 2
                                    

Nag-usap ang dalawang boys sa gym. Oo wag niyo nang itanong! Pinasok ako ni Brian sa classroom ko at ang dami talagang nakakita! Nakakahiya talaga!  Kung alam niyo lang kung gaano ako napahiya sa ginawa niya! Pero... ang sweet niya kasi kahit anong mangyari hindi niya ako nilapag sa sahig at hinatid niya ako hanggang classroom kahit mabigat ako... Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang yun?!

*************************************************************

█ Hero's POV █

Umaabuso na ang lalaking 'to sa kabaitan ni Jessica! Pwede naman siyang kumuha ng White Pin kung gusto niyang maging Personal assistant si Jessica at counted yun for five days. Pero kinuha talaga niya ang pink pin.

( A/N: Guys para hindi kayo malito sa mga pins pins na pinagsasabi ng mga characters :D

    Gold Pin - Highest Rank

    Silver Pin- League of Perfect Student

    White Pin - Personal Assistant for 5 days

    Red Pin - Personal Assistant Forever

    Pink Pin - UTUSAN ng league of P.S at ng mga highest rank

    No Pin - Ordinary Student of Perfect Academy

( Para hindi po kayo malito :) )

" Bakit anong problema mo?! "

" Bakit sa daming pin na pwede mong ibigay kay Jessica yun pa ang binigay mo?! "

" HOY! Wala naman akong balak na ibigay yun kay Jessica e! "

" ANO?! BAKIT BA ANG LABO MO FOREVER!? "

" E kung iuntog kita sa lababo! Actually, ang gusto kong ibigay kay Jessica ay yung red pin kaso sabi ni Ms. Carlie wala na daw available na red at white pin kaya naman wala akong Choice kundi ibigay ang Pink Pin sa kanya. "

ANG TANGA TANGA MO TALAGA!!!! Hindi mo ba alam na mga Perfectionist ang mga may Gold at Silver Pin!

" Hindi mo ba naisip na mahihirapan si Jessica sa ginagawa mo?! "

" Hindi! Kasi hindi gaya mo, nagtitiwala ako sa kanya! Kaya nga niyang tumugtog sa piano perfectly kaya naisip ko na siya ang tipo ng tao na hindi susuko kahit kailan! "

Ugh~ nabara ako dun ah! Pero kailangan ko pa rin ipagtanggol si Jessica!

Pero, bakit ba ayokong masaktan ng lalaking 'to si Jessica?! Baka umaariba nanaman ang pagiging mabait ko.

" Ah~ BASTA! Babae pa rin si Jessica, alam mo bang delikado pa rin siya dahil maraming weak spots ang isang babae? Kaya naman wala akong choice kundi gawin 'to. Alam kong hindi ka umaatras sa ano mang hamon diba BRIAN?! "

Tingnan natin kung sino ang mananalo dito!

" Hmph~ Kahit kaialn hindi ako umatras sa kahit anong hamon! "

" Pwes! Gagawin natin ang Singsing Challenge! "

" ANO?! PAGALINGAN NG PAGKANTA! "

" Oo tama ka diyan, kung kaninong kanta ang mas nagustuhan ni Jessica siya ang panalo. Kung sakaling manalo ako, tatanggalin ko ang pin ni Jessica. Kung ikaw ang manalo, bahala na si batman sayo! "

" ANong bahala na si Batman?! Bahala na ako kamo! Si-sige deal! "

Hahaha! Hindi po kasi marunong kumanta si Brian, yan po ang weakness niya. Kaya nga ito ang naisip ko para naman hindi na maging utusan si Jessica.

I♥PerfectionistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon