It hurts

122 4 1
                                    

█ Jessica's POV █

Pagkatapos naming mag chitty-chat ni Hero, napansin ko na.... MARAMI PALA AKONG LABAHAN! Pupunta pa ako sa laundry room ng Girl's deck. Hindi ko pa naman alam 'yun. Kaya ito nagpasama ako kay Hero alam na rin naman niya yung pasikot-sikot dito.

Sinamahan nga ako ni Hero papunta sa Girl's deck ng makita ko si.... BRIAN?! At karga-karga pa niya si MS. CARLIE?! Anong nangyari kay Miss... di kaya.... MAY GINAWA SI BRIAN SA KANYA?!

" Brian?! Anong nangyari kay Ms. Carlie? "

" Jessica, simula ngayon, hindi na kita alipin! Wala na akong pake sayo! Diba yun naman ang gusto mo?! "

Bakit out of the topic naman ang sagot niya?! Anyare sayo dong? SINAPIAN?! Pero grabe lang talaga kasi pagkatapos niyang sabihin yung mga words na yun bigla na lang niya akong tinalikuran....

Nasaktan ako ng sobra sa mga sinabi niya...

Aaminin ko.... minsan akong nagkacrush pero never pa ako nagmahal ng tunay... Ngayon, hindi ko alam kung ....

Mahal ko na ba siya o hinahangaan ko lang siya...

Tch~ Ano ba Jessica.... Ano ba??? ANO BA ?! Bakit ako umiiyak... Nararamdaman ko ang tulo ng mga luha ko habang papalayo si Brian sa amin... Biglang dumilim ang paningin ko akala ko nga nabulag ako magdadrama sana ako yun pala tinakpan ni hero ang mga mata ko para hindi makita ang mga luha ko. 

" BRIAN, seryoso ka sa mga sinabi mo? Wala ka nang pake kay Jessica! "

" *sigh* Bakit ba ang bingi mo kahit kailan Hero?! Pag sinabi ko ginagawa ko! "

So, talagang ganun.... wala.... na siyang... pakialam sa akin... HUH! Dapat nga matuwa ako e... pero hindi umiiyak ako lalo sa mga sinabi niya.... Ano ba 'to bakit ang labo ng mga nararamdaman ko?

Papapalayo na ng papalayo sila Brian, pupunta ata sa room ni Ms. Carlie. Habang lumalayo si Brian..... lalo akong umiiyak. Napansin siguro ni Hero na umiiyak na ako ng todo kaya naman as a sign of comfort niyakap niya ako ng MAHIGPIT. Buti na lang at andyan siya kundi wala akong makakapitan ngayon.

" HEEROOOOO!!! *sob* *sob* "

" Ok lang 'yan Jessica, andito lang ako..... sa tabi mo.... lagi... "

" HEEROOOOOO *sob* *sob* "

" Tahana Jessica, ayokong... nakikita kang ganyan. Kahit lalaki ako, kapag may umiiyak sa harap ko napapaiyak ako. "

" Bakit ang lambot ng puso mo *hic*? Sana lahat na lang ng tao katulad mo. Sana walang taong may pusong batoooo  *sob* "

Ito ang first time na.... may nanakit sa akin and at the same time may nagsabi sa akin ng mga words na gustong gusto kong marinig. 

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Pagkatapos ng madugong eksena.. Joke lang :D Pagkatapos ng dramahan, ito pumunta na rin ako sa Laundry room kasama si Hero. 

" Naalala mo ba yung Contest na nangyari nung isang araw? " sabi ni Hero

" Ah... yung Sing Sing Challeng ba? "

" Oo. Alam mo ba na ako yung isang kumanta dun?! "

" TALAGA?! Diba 2 yung kumanta dun sino yung isa? "

" Si Brian. Siya nga yung pinanalo mo. "

" Si Brian pumapatol sa ganung contest?! Parang unbelievable naman ata. "

Biglang napansin kong... sumeryoso ang mukha ni Hero.

" Jessica, sa totoo lang, pakiramdam ko..... gusto ka ni Brian. "

" Hero, narinig mo naman siguro yung mga pinagsasabi niya diba?! "

" Never umayaw si Brian sa mga hamon, pero sa lahat ng challenge ang SingSing Challenge ang pinakanakakasuka para sa kanya. Alam yung ng lahat kaya walang naghahamon sa kanya makipag-singsing challenge. "

"Pero... bakit nga pala kayo nag-singsing challenge? "

" Ang gusto ko lang bawiin na niya ang pink pin sayo. Pero mukhang na misunderstood niya ako. Ang pagkaunderstand niya, babawiin ko siya sayo. Kaya nga iba yung mga kilos niya sa clinic nung isang araw diba?! "

" Pink pin? Yung tinanggal sa akin kahapon? Para saan ba yun? "

" It symbolizes that you are the slave of the Higher class. Buti nga tinanggal na sayo yun ni Brian. Hindi ko alam balak niya. Huwag mo na lang alamin para hindi ka maguluhan. Sige mauna na ako, may gagawin pa ako. "

Slave ng mga Higher Class?! BALAK AKO PAHIRAPAN NG PINYANG 'yun! Pero tinanggal na niya diba?! Ang gulo naman! Bakit niya yun nilagay tapos binawi lang din. Pinagtritripan ata ako ng pinyang yun e!

Ngayon, I've decided wala na akong pake! Kailangan ma-clarify ko ang mga gusto niyang gawin sa akin. 

Lumabas na ako ng laundry room para bumalik sa room ko. Pumasok ako at may nakita akong letter sa floor, sinuksok siguro sa loob ng pinto. Binasa ko yun...

Jessica, 

Sa may playground mamayang three p.m. Maghihintay ako sayo doon. Importante ang mga sasabihin ko sayo.

                                                                                                                    Brian

Pupuntahan ko ba siya? Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Masasakit nanaman?

Pupunta ba ako o hindi?

I♥PerfectionistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon