First Day

141 4 1
                                    

* TUNG TUNG TUNG*

Ano yun ang ingay!!!!

nagising tuloy ako!!!

Baka yun yung alarm clock dito...

Tunog ng gong.. ano 'to Mulan?!

First day kong mag-aaral dito!!

Medjo excited ako!!!!

*Tok Tok Tok*

Sino kaya yan?

" Sino 'yan?!"

"Jessica si Carlie 'to!"

Si Miss Carlie...

Baka susunduin na niya ako!!!

Dali dali kong binuksan yung pinto at pinaupo siya sa sofa...

Ang laki kaya ng room parang one storey house lang e!

"Ms. Carlie! Bakit po?!"

"Bilisan mo na!!! First day mo ngayon, itotour kita sa academy!"

"Talaga po!! Ok maliligo lang ako!"

Yohooo!

Pagkatapos ko maligo

sinuot ko na ang uniform ko na parang isang civilian dress lang....

ganda ng uniform noh!!!

tapos lumabas na kami ng Girl's deck and nag-tour na kami

" Ito nga pala ang clinic. Minsan kapag inaatok ang mga estudyante nag-skskip class sila at dito natutulog."

Oo nga e Miss Carlie..

May kilala akong ganun..

Inagaw ang precious first kiss ko!

kaso..

Sino kaya siya?

"Ang mga namumuno sa Academy na ito ay ang mga magagaling na teachers, kaya kalangan mong sundin ang mga teachers na may gold pin sa damit dahil ibig sabihin isa sila sa mga teachers na hindi mo pwedeng suwayin!"

WOW! Walang Student Council at Principal!

Gold pin huh...

Si Miss Carlie kaya meron?

Tiningnan ko yung damit niya at...

may GOLD PIN SIYA!!!

"Miss Carlie may gold pin ka din?!"

"Oo, isa ako sa mga namumuno ng academy na ito!"

" Kailangan mong umatend ng 5 klase pagkatapos nun free time mo na!"

"LIMA LANG?!!!"

" Oo, English, Science, Math, History at Language!"

" HA?! May English na nga may Language pa?!"

" Iba ang English sa Language. Sa Englis it's all about Communicating in English and reading in English. Sa Language naman tuturuan kayo ng iba't-ibang language like Korean, Japanese, Chinese, Italian etc. Pagkatapos nun you can go any room you want, if you like reading books you can go to the library, if you want to play instruments then go to the music room you can go anywhere basta na take mo yung five subjects!"

"WOW! AMAZING!!!!!"

"Good morning Miss Carlie!"

"Good morning Hero!"

Si Hero...

Siya yung tumulong sa akin kahapon...

Ang cute niyan tignan sa uniform na yan!

Tiningnan kong maigi si Hero....

Bakit siya may silver pin sa damit niya?!

"Oh! Jessica how are you?" Tanong sa akin ni Hero habang ako nakatunganga sa pin niya.

"Ba-bakit ka may silver pin?"

"Oh! I forgot to tell you, magkaiba ng section ang mga Perfect students. 'pag may student kang nakita na nagsusuot ng silver pin it means na kasama sila sa grupo ng Perfect Students."

"Ibig sabihin... Kasama ka sa league ng Perfect Students.. Magaling ka pala talaga!"

"Naku! Hindi naman sige Ms. Carlie, Jessica see you later!"

" Naging estudyante niyo po ba si Hero?"

" Oo naman ako ata ang advicer ng mga Perfect Student!"

Wow!

Ang swerte talaga ng magiging boyfriend ni Ms. Carlie!!!!

Siya na talaga!!!!

Maganda 

Matalino

Matino

"Carlie!!!"

"Brian! How many times do I have to tell you to call me Miss Carlie!?"

"Ano ba 'yan mas matanda ka lang naman ng 5 years sa amin! Sino yang kasama mo?"

Teka parang kilala ko 'tong lalaking 'to!"

(E/N: Naalala niya bigla ang kissing scene)

TAE! Siya yung nagnakaw ng first kiss ko!!!

"IKAW?!"  (E/N: Sabay po nilang sinabi ang word na Ikaw!)

"Siya yung sinasabi kong mahinhin na walang pakialam kung sino man ang humalik sa kanya, naalala mo ba yung kinuwento ko sayo Carlie!"

Ano?!

Walang pakialam kung sino man ang humalik?!

Manhid pala 'to e!

Kung alam lang niya kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya!

"Talaga siya ba yung kinukwento mo sa akin, Brian.. Hahaha... kahit kailan adik ka talaga ewan ko kung bakit ka nagugustuhan ng mga babae!"

"Oo siya nga talaga 'yun sabay nga kami nag-react e! Diba Miss ikaw yun.. gusto mo gawin ko ulit yun sayo para maipakita kay Carlie na hindi ako nagsisinungaling!"

*SLAP*

Wala siyang karapatan para ganunin ako...

Hindi ako aso para paglaruan!

" Ginagawa lang yun kung talagang mahal ng dalawa ang isa't-isa!"

Umalis na ako...

Grabe! Nasira ang Mundo ko!!!!!

Buti na lang alam ko ang pasikot-sikut dito dahil kay Miss Carlie!

I♥PerfectionistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon