CHAPTER 62: NEVER LOOK BACK

6.9K 150 9
                                    

CHAPTER 62: NEVER LOOK BACK

“Ma’m male-late daw po ng 30 minutes ang President. Pakihintay na lang po siya sa lobby.”

“President? Certificate of Employment lang ang kailangan ko, hindi ba pwedeng ikaw na lang ang magbigay nun?”

Grabe naman! Bakit kailangang hintayin ko pa ang President nitong Hotel?!

Teka—President?!

Napalunok ako.

Hindi! Nagresign na siya di ba? Imposible ang iniisip ko!

“Ma’m okay lang po kayo?”

Tumigil ako sa pag-iling. Siguro akala niya nababaliw na ako.

Kainis naman eh! Bakit kase wala na dito sa Global Hotel si Ma’m Karen?

Haay.. ang dami na talagang nagbago simula nang mawala ako.

I stood up.

“Sige maghihintay na lang ako sa lobby.” I said at umalis na sa Housekeeping Office.

Kung hindi ko lang talaga kailangan ng katunayan na nagtrabaho ako dito para matanggap sa inalok na trabaho sa akin ni Inggrid, hinding hindi ako aapak dito sa teritoryo ng mga Vergara.

Malas lang, kahit anong iwas ang gawin ko, mukhang ang tadhana ang nananadya.

Binati ako ng mga attendants na nakakilala sa akin. Mayroon pa ngang nag-escort sa akin hanggang sa maka-upo ako sa pinaka-komportableng upuan sa lobby.

Napapabuntong hininga na lang tuloy ako.

Kung alam lang nila kung anong estado ng relasyon namin ngayon ni Kelvin..

“Thank you.” Sabi ko sa lalaking nag-escort sa akin bago siya umalis.

30 minutes

Mukhang mag-iinit ang likuran ko ng kalahating oras.

***

KELVIN’S POV:

“Anong ginagawa mo dito?!” I asked her with a hint of annoyance.

Like a mushroom, pasulpot-sulpot lagi.

“Don’t talk to me with that irritated tone steel head! I’m here to help you, so be nice!”

I was left dumbfounded as she went inside my car.

Mas nauna pang sumakay! What can I say, the usual Stacey!

Anyway, wala na rin naman akong magagawa. Arguing with her is a waste of time.

“I’m going straight to Global Hotel,hindi kita maihahatid sa pupuntahan mo.” I warned her as I went inside the car and started the engine.

“It’s okay! Yun din ang destination ko.” She said grinning.

My eyebrows collided.

“I told you, I’m here to help.”

“With my personal problem?!”

“Well at least I know how to heal a broken heart. Ikaw? Alam mo ba? With that stone heart na mas matigas pa sa ulo mo?” Now she’s even glaring at me.

Napasandal  na lang ako. Have I told you na arguing with her is a waste of time? Here’s the proof.

***

GLAZY’S POV:

35 minutes na ang nakalipas.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Where stories live. Discover now