CHAPTER 44: HANGGANG DITO NA LANG

6.8K 147 6
                                    

CHAPTER 44: HANGGANG DITO NA LANG

GLAZY'S POV:

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng bahay namin.

Napagdesisyunan ko na umuwi na at magpakita na kay mama.

Kung anong pwedeng mangyari, hindi ko alam. Basta gusto ko ng mayakap at makasama muli ang pamilya ko.

Matagal bago may nagbukas ng pinto. Gabi na kase at siguradong nagpapahinga na sila sa loob.

Nagkukusot pa ng mata si ate Wenzy ng bumungad sya sa may pinto.

"Ate.."

Nanlaki ang mga mata nya at nagsimula ng magsisigaw ng walang sound.

Nagkatinginan tuloy kami ni Niegel. Kasama ko sya. Sya kase ang naghatid sa akin dito.

"Sino ba yan Wen--" Si mama.

Halatang bagong gising din.

Nagtama ang mga mata namin at kasabay nun ang pagkawala ng malay ni mama.

***

KELVIN'S POV:

Hindi ko na tinapos ang party.

Honestly, I hate them.

They are trying to replace my wife.

The woman that they want me to get along is nothing compared to Glazy.

"D*mn it!" I react as the f*cking wind blows and the light of the candle dies.

I breathe deeply.

And for the fourth time, sinindihan ko ulit.

"I'm sorry wifey." I sincerely said.

Mas gugustuhin ko pang makasama sya kaysa manatili sa party.

Glazy..

how I wish na kaya kong irewind ang panahon.

I'll never do the same mistake again.

And we'll live happily kasama ang anak natin.

Kung pwede lang sana.

***

GLAZY'S POV:

"Glazy?" Pang-sampung beses na nya yata akong pinipisil sa pisngi. Medyo masakit na nga e.

Still hindi pa rin makapaniwala si mama.

Si ate naman tulala pa din sa akin.

Yung dalawa naman nyang anak na sina Lex at Win, tulog na tulog pa din. I bet mas mauuna pa silang maniwala na ako nga ito. tsk tsk.

"Ma ako nga po ito. Baka naman mabutas na itong pisngi ko kakapisil nyo?"

Bigla na lang nya akong niyakap ng sobrang higpit.

"Glazy anak! Bumalik ka! Nabuhay ka!"

"Mama?! Hindi naman po ako namatay e."

Bumitaw sya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa dalawa kong balikat.

"Anak.. ikaw ba talaga yan?!" teary eyes na si mama.

"Mama! Kung multo yang kaharap nyo, bakit nyo nahahawakan?!" Mukhang okay na si ate.

"Manahimik ka nga Wenzy!" saway ni mama kay ate na hindi man lang inaalis ang tingin sa akin.

"Isang taon kang nawala anak! Ang akala namin patay ka na!"

"Mahabang kwento ma."

"Teka! Kailangan na itong malaman ng asawa mo!" Aktong tatayo na si mama, pero pinigilan ko.

"Ma sinong asawa?!"

Mukhang nagulat sya sa tanong ko.

Umayos ulit ng upo si mama sa tabi ko.

"Si Kelvin! Ay itong batang to! Nakalimutan mo na ba?"

Tumingin muna ako kay Niegel bago sumagot.

"Ma.. sinong Kelvin?"

Halos mahulog ang panga ni mama sa sinabi ko.

Im sorry ma. Kailangan kong magsinungaling.

"Glazy ano bang nangyayari sayong bata ka? Nawala ka lang ng isang taon nakalimutan mo ng may asawa ka?!"

"Ma kase--"

"May amnesia po si Glazy." Niegel

"Ano?!" Halos sabay na tanong ni mama at ate.

Tumungo na lang tuloy ako.

"Nung naaksidente sya one year ago, nacomatose sya. And when she woke up, there's a part of her past na hindi na nya maalala."

Thanks Niegel.

"Jusmiyo.." mama

"Glazy.. mabuti naaalala mo pa kami?" ate

I look at them.

"Ma.. ate, pwede bang humingi ng favor?"

"Ano yun anak?" mama

"Pwede ho bang ilihim nyo muna na buhay ako?"

Para silang naguguluhan na ewan.

"Pero karapatan ng asawa mo na malaman nya!" Mama

"Please ma, wag nyo po akong ipamimigay sa kanya!"

"Ano bang sinasabi mong ipamimigay e asawa mo yun!"

"Gusto ko po dito muna ako sa inyo hanggat may amnesia pa ako."

Mama please pumayag ka na.

"Glazy.. bakit ba pakiramdam ko may nililihim ka sa akin?!"

Hala galit na sya!

"Sabihin mo nga! May amnesia ka ba talaga?!"

Nagkatinginan ulit tuloy kami ni Niegel.

Palpak ang plano.

Nakalimutan kong malakas makaamoy si mama.

"Glazy!" Yung boses nya malakas na.

I look at her.

Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng mga mata ko shete!

"Ayoko na syang guluhin ma."

Ang hirap pa lang pigilan ang luha.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa isang taon na nawala ako, sobra ko syang nasaktan. Nakita ko na nakakamove on na sya. Kapag bumalik ako, magugulo lang ulit ang lahat. Ayoko na syang saktan ma. Ayoko ng bumalik. Kaya please tulungan nyo ako."

"Glazy anak.."

"Ma ayoko na. Gusto ko hanggang dito na lang lahat. Bukas panibagong buhay, para sa akin at para kay Kelvin."

Sana nga tama ang desisyon ko.

XOXO

Walang kwenta ang update soooorry po.

Wala ako sa mood.

Pero syempre thank pa din sa mga nagbabasa, magcocomment at vote.

Bukas ang inbox ko para sa mga may tanong ;)

God bless readers.

sayonara_chinji

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Where stories live. Discover now