CHAPTER 36: CLONE AT FIRST SIGHT

7K 154 13
                                    

CHAPTER 36: CLONE AT FIRST SIGHT

GLAZY'S POV:

"Hindi! Nagkakamali ka. Hindi mo ako kilala. Ni hindi mo pa nga nakikita ang mukha ko e. Kaya sigurado ako nagkakamali ka lang." Sabi ko at naglakad na palayo.

Nang maalala ko bigla ang mga papeles ni Cross.

Paurong akong bumalik.

"Pakibigay mo na lang kay Cross Liondelle. Sabihin mo dumaan ako. Linda, Linda ang pangalan ko." Tsaka ko binirahan ng takbo palayo.

Phew! Muntikan na yun ah. Lagot ako kay Manang Linda kung sakaling nahypnotize ako at binigay ko lahat ng gamit at pera kong dala sa babaeng yun.

Nako saan naman ako pupunta ngayon?

Uuwi na ba ako kaagad?

Tiningnan ko ang suot kong relo.

2:35 na pala. Kaya pala nag-aalburoto na ang mga alaga ko sa tiyan.

Hindi pa ako nagtatanghalian.

Kawawa naman ako.

Tapos...

nawiwiwi pa ako.

Ang ganda ng araw na to oh! Nagkamali ba ako ng desisyon na magvolunteer kay Manang Linda?

Aisht! Hindi ko na talaga kayang pigilan!

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa tapat ng isang sosyaleng building.

Kahit siguro sino matutulala sa taas at gara ng lugar na to.

"Global ... hotel. Wow."

Kusang naglakad papasok ang mga paa ko.

Medyo masama pa nga ang tingin sa akin nung guard e. Pero hindi nya ako hinarang.

Grabe para akong nasa palasyo.

Fairytale ba to?

Lahat ng bagay kumikinang.

Ah teka, magccr nga pala ako.

Lumapit ako sa mga babaeng nasa parang counter. Aba magtatanong lang naman e.

"Yes Ma'm?" Sabi nung isa.

"Ah eh saan dito ang cr?" kinapalan ko na ang mukha ko.

Pasensya naman kung dito ko pa naisipan na magcr! No choice e lalabas na.

"Comfort room ma'm? Kumaliwa po kayo sa may concierge then kanan." Mabuti na lang mukha syang mabait. Nakangiti kase e.

Sinunod ko yung sinabi nung babae at narating ko nga ang comfort room.

Kahit cr nila ang laki. Tapos para pang walang kadumidumi kahit isang alikabok ata walang present.

Pumasok na ako sa isang stall.

At syempre ginawa ko na ang ipinunta ko dito.

"Napapadalas ata ang bisita dito ni Sir Kelvin. May problema kaya?"

"Nakakatakot nga e. For sure may mawawalan na naman ng trabaho."

Kahit pala dito sa sosyaleng lugar na to may chismosa pa din.

"Sinabi mo pa! Pero aminin mo, ang superhot ni sir di ba? Ayiiiie!"

"Hihihi oo nga e. May balak pa kaya syang mag-asawa ulit?"

"Ang landi mo mag-aapply ka?"

"Hahahaha why not? Malay mo ako na pala ang future boss mo. Catherina Lovelyn S. Vergara. Bagay ba?"

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon