CHAPTER 7: FIRST DAY

10.4K 181 4
                                    

CHAPTER 7: FIRST DAY

Maaga akong nagising dahil first day ko ngayon sa trabaho. Sobrang excited na ako! Naiimagine ko pa lang nga na nakasuot na ako ng uniform na pang hotel, nagiging hyper ang dugo ko sa buong katawan.



May isa nga lang akong problema. Hindi ko pa nasasabi kay kelvin na may trabaho na ako.Ang sabi ng lolo niya napeprepare daw si Kelvin para sa isang important deal ng kompanya nila sa isang kilalang kompanya din sa China. Nakakainis naman si Kelvin kase hindi man lang makuhang tumawag o di kaya naman txt nalang di ba? Akalain mongbmatiis niya ako ng ganun?! Argh nakakainis!


Wala din si Mom Vira kase may business trip siya abroad kasama ang asawa   niya. Si sir Vergara naman busy sa .. ahm hindi ko alam e. Ni hindi ko nga siya napapansin na lumabas ng mansion. Siguro dahil may sarili naman siyang office sa mansion kaya di na siya umaalis. At syempre ang isa pang dahilan, hindi maikakaila na tumatanda na talaga si Sir Vergara. Hello, anong akala niyo porket mayaman paurong ang tanda? Bejamin Button lang ang peg?


Inihatid ako ng driver ko sa hotel. Oo may sarili na akong driver. Ang sosyal lang ano? Pwede naman na magcommute na lang ako. Pero asa pa akong pumayag ang mga Vergara. 


"Good morning Mrs. Vergara. It's a pleasure to meet you." Dalawang kamay ang gamit niya panghand shake sa akin.


"Good morning din po." Bati ko.


"I'm Karen Lim, the head officer of housekeeping department. Before I lead you to our Department, I would like to give you a quick tour around our hotel. Is that okay with you Ma'm?"


Ang totoo niyan gusto ko na agad magstart. Malilibot ko din naman ang buong hotel kapag nagsisimula na ako di ba? 


Medyo dumikit ako kay Ms. Head officer. Tapos pinalapit  ko yung ulo niya para makabulong ako sa kanya.


"Ahm pwede magstart na ako? Isabay mo na lang sa pagbibigay sa akin ng instructions yung quick tour."


Nung una parang nagulat siya pero syempre naging okay din sa kanya.


"If that's what you want M'am."


"Nako, ikaw dapat ang mina ma'm ko no. Kung anong tawag mo sa ibang employees, ganun din ang itawag mo sa akin."


"Po? Ah kase.."


"San po ba tayo magsisimula Ma'm?" I said with a wink.


Medyo nag aalinlangan siya kung anong next na gagawin. Kaya ako na lang ang naunang maglakad.


Lahat ng nasa front desk, binati ako. Aisht mas maganda sana kung hindi nila ako kilala. Gusto ko itatrato nila ako as an ordinary employee lang din.


Nung makarating kami sa pinakaground ng hotel kung saan nandun daw ang housekeeping department sabi ni Ms. Head officer, pinagpalit na niya ako ng uniform. Grabe sobrang type ko yung uniform. Color peach na parang dress kase hanggang tuhod siya, nakapatong dun ang color white na cute apron na may laces sa baba, pinabun din sa akin yung buhok ko tapos may white na headband pa, sa pampaa naman ay white na rubber shoes as in rubber talaga tinernuhan pa ng white din na medyas. Nung ready na ako sumakay na kami ni Ms. Head officer sa elevator.


"Ahm, ma'm--"


Itinuro ko sa kanya yung maliit na name plate sa uniform ko. Then I pout.


"Glazy po ang name ko ma'm."


"Y-yes, alam ko po. But please let me call you Ma'm everytime we're alone."


"Okay." I said while smiling.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Where stories live. Discover now