CHAPTER 49: STARTING OVER AGAIN

8.2K 176 11
                                    

CHAPTER 49: STARTING OVER AGAIN <3

Unang araw.

"Welcome home. This is our house wifey." Ibinaba nya ang mga bag ko pagkapasok namin sa malaking bahay.

Iginala ko ang paningin ko at napansin ko na walang nagbago.

"May naaalala ka ba?" Ramdam ko ang bigat ng tingin nya.

Kaya lumayo ako sa kanya.

Kelvin kung alam mo lang..

Simula sa gate nitong bahay na 'to, punong puno ng alaala.

"Saan ang kwarto ko? Gusto ko nang magpahinga." Tanong ko sa kanya ng hindi man lang lumilingon.

"It's upstairs. Mabuti pa nga magpahinga ka na."

Nauna syang naglakad pataas.

Kahit na alam ko kung nasaan ang kwarto namin, kailangan kong magpanggap na walang alam.

As expected tumigil kami sa tapat ng kwarto namin dati.

Binuksan nya ang pinto at pinauna akong pumasok sa loob.

Namiss ko 'tong kwarto namin.

Tulad ng dati ganoon pa rin ang ayos. Mukhang hindi na dito nagtigil si Kelvin simula ng mawala ako.

"This used to be our room."

Bigla ko na lang na feel na nag-init ang pisngi ko.

Shemay! Nakakainis naman oh!

Alalahanin ba daw yung mga gabi namin dito ni Kelvin?! Aisht!

"Ahm pwede bang dun ka muna sa baba? Magpapahinga muna ako!" Hindi ko napigilan ang sarili kong itulak sya palabas ng kwarto.

I bet nagtaka sya.

Pero hayaan na! Basta ayokong makita nya akong namumula!

Inilock ko pa nga ang pinto eh.

Hay Glazy nababaliw ka na talaga.

***

Hindi ko alam kung ilang oras akong nagkulong sa kwarto.

Lumabas lang ako nang magwala na yung mga alaga ko sa tiyan na kauri ni Kelvin.

Pababa pa lang ako ng hagdan rinig ko na may kausap si Kelvin sa ibaba.

Mga boses ng babae.

Familiar.

At ng makababa na ako..

"GLAZYYYYYYY!" halos marindi ako sa irit ni Stacey.

Sinalubong nya ako ng isang power hug.

"Oh my gosh you're alive! It means hindi crazy si Kelvin!" then bineso beso nya ako.

"Glazy! My daughter in law!" si Mom Vira naman ang yumakap at humalik sa akin.

"I heard may amnesia ka. Totoo ba?" Stacey

Hala. Hindi ko ito napagplanuhan. Napatingin tuloy ako kay Kelvin.

Nakatingin lang rin sya sa akin with a blank face.

Napalunok ako.

Bakit pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko?!

Bigla na lang hinawakan ni Mom Vira ang kamay ko.

"I hope bumalik na ang alaala mo. Hindi ka pababayaan ng anak ko, right Kelvin?" Mom Vira

"Yes mom." Kelvin

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Where stories live. Discover now