CHAPTER 43: WHAT HURTS THE MOST

6.9K 146 6
                                    

A/N:

PASINGIT! UY IKAW NA NAGBABASA, FAVOR NAMAN OOH. KUNG MERON KANG ACCOUNT SA BOOKLAT.COM.PH PA-VOTE NAMAN NG 'DANGER: MISCHIEVOUS COUPLE'. EDITED VERSION NA PO YUNG PINOST KO DUN. BETTER DIN KUNG MAGCOCOMMENT KA AND FOLLOW. SAME LANG PO NG USERNAME KO DITO ANG UN KO SA BOOKLAT.

IM TRYING TO BE ACTIVE SA PAREHONG SITE.

SEEYAH THERE GUYS XD LABLAB

CHAPTER 43: WHAT HURTS THE MOST.

Dalawang araw.

Dalawang araw na akong nakakulong dito.

Gustong gusto ko ng makalabas at makita si Kelvin.

Pero wala akong magawa.

Ni hindi ko alam kung makakalabas pa ako ng buhay dito.

"Kumain ka na. Kahit magpakamatay ka sa gutom, hindi ka pa rin pakakawalan ni boss."

Inilapag nya sa lamesa ang tray na may pagkain.

Sabihin nyo ng tinotorture ko ang sarili ko, pero kahit na anong mangyari hinding hindi ako tatanggap ng kahit na ano mula sa dimonyo.

Lumapit sa akin yung lalaking nagdala ng pagkain at kinalagan ang tali sa mga kamay ko.

Okay.

Hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito.

"Kuya.. magc-cr ako." I said.

Napakamot sya sa ulo nya at mukhang nag-iisip.

Kailangan nyang kumagat kung hindi baka forever na akong ma-stuck dito.

"Sige sige pero bilisan mo lang pati sasamahan kita." kinalag na din nya yung tali sa paa ko.

Nauna syang maglakad kaya naisipan kong gawin ang plan A.

Pagkatayo ko, binuhat ko ang upuan at buong lakas na inihataw sa ulo nya.

Magdidiwang na sana ako kaya lang slow motion syang lumingon sa akin with burning eyes.

Im dead.

Nakalimutan kong plastic chair lang to.

Ang malas!

"P*t*ng*na!" He barked.

"He..he. Peace!" at nagpeace sign ako.

Susugurin na sana nya ako pero maliksi akong tumakbo papunta sa sulok.

PLAN B.

Syempre hinabol nya ako.

At dahil wala na sya sa tapat ng pinto, kumaripas ako ng takbo palabas.

Nadatnan kong mga tulog at nahilik pa ang mga nagbabantay sa salas. May mga nagkalat na bote ng beer at baraha.

Thank you God! Hindi nyo ko pinahirapan!

Agad akong nakalabas, but still hinahabol pa din ako ni kuya.

Nasaan ba ako?

Anong lugar to?

May nakita akong elevator na pasara na.

Hindi ko alam kung paano ko sya napigilan. Basta ang alam ko ngayon, binubugbog ko yung close button.

Tumigil lang ako ng maramdaman kong may nakatingin sa akin.

Paglingon ko, isang babaeng nakadecent corporate attire ang bilog na bilog ang matang nakatitig sa akin.

Nginitian ko sya.

Inayos ko din yung suot kong damit which is unfortunately ay isang hospital gown.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt