Chapter --- 16 ^Saviour

2.3K 46 0
                                    

Chapter --- 16 ^Saviour

*Rain's POV*

"Ate?"

"Ate?"

"Ate?"

May sumusundot pa rin sa balikat ko.

Inalis ko yung kumot sa mukha ko at nakita si Ronald.

"Oh? Antok pa ako eh."

"May sasabihin ako." Ang serious ng mukha niya. Aamin na ba siyang bakla siya? Lagot to kay papa. Wag naman sana.

Umupo ako at nagkaskas ng muta sa mata. Este nagtanggal XD

"Wag kang magagalit ah." Sabi na eh. Bakla nga to. Mukhang ninenerbos.

"Oh. Anu na anu na?" Atat kong tanong. Sempre no! Para madamayan ko man siya kung bakla siya.

Hinawakan niya kamay ko.

"Akala ko gaAPAT mga daliri mo gaLEMA pala."

Asdfghjkl!!!! Ano raw?!!!

"HAHAHAHA! Late kana ate! Gising na!!" Tawa lang siya ng tawa.

"Wake up!" Sabay clap clap ng dalawang beses.

Ampupu! Late na ako!

Naman! May pasok pala! Bat di ko ba napansin na naka uniform si Ronald?! Naku naman eh!

"Teka ronald."

"Oh." Huminto siya.

"Bawas bawasan mo na panonood ng Galema ah?"

[A/N: Sorry makikisingit XD Sa joke po na hindi maka gets. Palabas pu yan sa channel two. Galema ang anak ni Zuma]

"Wateber!" Sabay snob.

Aba! Bakla ata talaga kapatid ko.

Sempre sa loob ng 5 minutes ginawa ko lahat ng routine ko!!!

Pagpasok ko sa school. Akala ko ba late nako? Eh bakit nasa labas lahat ng mga estudyante at parang may bagong labas na NFA rice? At nagkakagulo.

Pero isa lang ang kumuha ng intensyon ko. Yung flyers na lumipad papunta saken.

At eto kinagulat ko.

Nanginginig na ako habang tinitignan yung flyers na may picture.

Ako... At si...

Paulo.

"Kanino galing to?" Bulong ko sa sarili ko.

"Ey. Kahit pala nerd malandi ren."

"Oo nga nililigawan na nga ni Prince Jesse nanlalandi pa rin ng iba."

"Oo nga. At si Prince Nerd pa!"

"Nasa loob nga naman talaga ang kulo."

Alam kong akong pinariringgan ng mga to. Pero teka sinong kumuha ng picture na to? Eto yung hinalikan ako ni Paulo sa noo kahapon.

Ako pala ang NFA rice ng mga tao rito.

"Hi sister." -Kimmy

"Nagustuhan mo ba yung surprise namen?" -Petty

"Diba may surprise kami sayo?" -Lucy

"At eto YON!" -Kimmy. Sabay paglalantad ng flyers sa mukha ko.

So kailangan pang ipamukha?

"Alam mo ba sister." Inakbayan ako ni Kimmy. "Pinaghandaan namen to eh. Dapat nga kayo ni Prince Jesse yung kukuhanan namen eh kaso ang labo eh." Lumapit siya sa tenga ko. "Baka madeds kame."

"Hahahahahahhaha!" Sabay sabay silang tumawa at nag apiran.

"Grabe ka pala! Ang landi mo!" -Bea

"Oo nga! Hahahaha!" -Lucy

"I can't stop laughing!! Tignan niyo yung mukha ni Nerdy!" Sabay turo sa mukha ko ni Kimmy.

Parang ganito ginagawa nila oh.

Kimmy and Bea shot a gun.

Lucy and Petty flying kick. Paulit ulit. Ang saket. Para akong na to'torture sa ginagawa nila.

Yung mga tao sa paligid namen pinag titinginan kame. Lalong lalo na ako. Na akala mo konti nalang batuhin nila ako ng kamatis.

At yun nga. May nagbato saken na kamatis. Este.. Papel na naka crumple.

"Malande!"

"Oo nga! Malandi na makati pa!" Sabay hangis nila saken ng mga papel. Siguro yun yung mga flyers na hawak nila.

"Ooww. Poor Nerdy." Kimmy said. Pagkatapos binuhusan ako ng malamig na tubig. "Slut!"

Naiyak na lang ako habang pinag babato nila ako ng papel at nilalamig sa ginaw.

Hindi man lang ako nakapag salita?

Hindi man lang ako nanlaban?

Nasan ka Paulo? Kala ko poprotektahan mo ako? Pero bakit wala ka?

May naramdaman akong yumakap sakin at hindi naramdaman ang mga bato nila saken at nawala ang lamig.

Parang ang taong to ang nagpatigil sa pag ginaw ko dahil sa yakap niya.

"Gagong Paulo. Hinayaan ka lang? Tanga."

Familiar yung boses niya. Tumingala ako.

"J-jesse?"

"Halika na." Naglakad kami habang yakap yakap niya pa rin ako. Ako naman eh tuloy tuloy lang pag agos ng mga tubig sa mata ko.

Umupo kami sa may bench at inabutan ako ng panyo.

"Pasalamat ka. Kahit nagseselos ako. Dumating pa rin ako." He said in lower voice.

"S-salamat Jesse."

Salamat kase saviour kita. Siguro I'm a dead meat hangga mamaya kung hindi ka pa dumating.

"Gago palang Paulo na yon. Kinausap pa ako kahapon na tigilan na daw kita tapos siya ngayon ang wala? Ts. Gago talaga."

Kinausap?

Tinignan ko si Jesse. May pasa siya.

Mister Manyak meets Miss NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon