Chapter --- 10 ^I'm jealous, you need to pay for it!

3K 59 5
                                    

Chapter --- 10 ^I'm jealous, you need to pay for it!

*Rainbow's POV*

 

Ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan kana! Hindi lang isa! Apat pa! Nakuuu! Ang bait bait pala talaga nila Kimmy. Akala ko forever kontrabids lang sila sa storyang to.

 

Lunch break. Nasa open field ako at nakaupo dito sa bench.

Sasabay sana ako kina Kimmy kaso nahihiya ako. Kaya sabi ko may gagawin lang ako.

 

"Arf! Arf!"

Biglang dumamba sakin si Douglas!

"HAHAHA! Naku douglas! Nagsipilyo ka ba?! Baka dilat ka ng dilat eh di kapa nagsipilyo!" Sabi ko habang natatawa. Dinidilaan niya kasi ako eh.

"Bago mouthwash niyan." Out of nowhere kong narinig ang boses niya. Tapos umalis si douglas sa harap ko at lumapit sakanya.

Umupo siya sa tabi ko.

"Ah ganun ba. Hehe."

 

Teka?! Nag mo'mouthwash ba ang aso?!

 

"HAHAHA! Joke lang!" Sabay tapik sakin. Aba naman oh. Parang heaven pag tumatawa siya.

"Ubusin mo na yan. Baka agawan kapa ni douglas." Sabay turo sa food ko.

"Ay!"

Kinain ko na. At naiilang ako. Nararamdaman ko kasi nakatingin siya habang kumakain ako eh.

"I'm done!"

"Arf! Arf!"

"Ay!"

"HAHAHA! Sinagot ka ni douglas!" Tuwang tuwa niyang sabi.

 

Oo nga nu? HAHA! Ano kayang sabi? XD

"Eh anong sabi?"

"Nabusog ka ba daw?" Sabi niya habang serious yung mukha niya at eye to eye kame!!!

>////////< Yung mga choir sa loob ng puso ko!

"Ah-eh." Sabay iwas sa tingin. "Oo, nabusog ako. Hehe."

 

Teka. Tatanong ko sana bakit hindi niya ko hinintay sa bahay kanina? Hay naku! Nakamiss kaya yun. Pero ok lang may naging kaibigan naman ako.

 

"Kanina pala kaya hindi kita hinintay."

"Ha?"

"Nagselos.. ... Si douglas." Hinimas niya yung ulo ni douglas. "Diba douglas?"

Hindi sumagot si douglas. Aso magseselos?

"B-baket?" Concious naman ako eh no?

"Nakita namin si Jesse naghihintay sa harap ng bahay niyo kanina." Lumungkot yung boses niya. Awwwww.

 

Si Jesse? Huh? O baka sina Kimmy?

 

"Ah ganun ba? Di naman kame sabay pumasok eh."

Si Jesse? Ano naman ginagawa sa harap ng bahay namin?!

"Eh?"

"Hay naku. Hayaan mo na. Baka namalikmata ka lang." Sabi ko sa kanya na nakangiti.

Ngumiti rin siya. Niyakap ko si douglas.

"Wag kana mag selos ah?"

"Arf! Arf!"

"Yes! Sinagot niya ko!"

Hahahaha! Nagkakaintindihan kame ng aso!!

 

*Paulo's POV*

 

[A/N: At dahil gustong maglabas ng saloobin ni Paulo. Pinagbigyan ko siya. :D]

 

I'm so jealous nung nakita ko si Jesse sa harap ng bahay nila Rainbow kaya umalis nalang kami ni douglas. Naunahan ako eh.

Bakit ba pag nakikita ko si Rainbow. ANSAKET ng nakikita ko? Kasi naman lagi niyang kasama si Jesse.

Nung una nung hawak hawak ni Jesse si Rainbow.

Yung pangalawa yung narinig kong mag da'date sila.

Pangatlo nung nakita kong naghihintay si Jesse sa harap ng bahay ni Rainbow.

Ang sakit. Para na siguro akong tanga. TORPE EH! Mahal ko nga nauunahan ako.

Dati ko pa kilala si Rainbow. She's part of my life since nalaman ko lahat lahat.

Tuwang tuwa si Rainbow na makipag harutan kay douglas. Ang cute nilang tignan parang sila yung mag amo.

"Paulo! Kinakausap na talaga ako ng aso mo!" Sabi niya.

"Arf! Arf!"

"Oh diba?!"

Sana habang buhay ka nalang masaya. Ayokong masaktan ka Rainbow.

*Jesse's POV*

Nakakainis na tong babaeng to ah!

Bat puro na lang Paulo kasama niya?!

Nandito ako sa open field ayun! NAKITA MO AGAD LANDIAN?! Nakng tokneneng oh1 Sarap nilang pag umpugan!

Nakakainis kase ang saya niya kay Paulo! Eh pag saken para akong may cancer na takot na takot akong lapitan? DAHIL ba MANYAK ako? Well.

Ganito yan eh.

YUNG EX KO! Kaimbyerna! Makita ko ba naman makipag halikan! Dito rin sa open field! Nagka violation sila dahil sa pagiging PDA.

Minahal ko yun! Nirespeto! Ni hindi ko nga binastos eh.

Well bitter ako eh! Kaya yung mga hindi ko ginagawa ginagawa ko ngayon.

Lumapit ako sa kanila. Kaya natigilan sa pakikipag harutan si Rain dun sa asong hindi marunong magpagu[et!

Tinignan ko si Paulo. Nawala yung tuwa niya. DAPAT LANG!

Hinila ko si Rain. Kaya nagulat siya.

"Teka Jesse." Rinig ko yung takot niya.

"I'm jealous, you need to pay for it!" Bigla ko na lang sinabi. Alam kong dinig yon ni Paulo. DUH! WATEBER!

*Rain's POV*

Nagulat na lang ako ng bigla akong hilain ni Jesse mula sa pagkakaupo ko dahil sa pakikipag harutan kay douglas.

"Teka Jesse." Takot kong sabi. Bigla na lang kasing kumabog yung puso ko

"I'm jealous, you need to pay for it!"

AH?! Jealous?

Hinila na lang ako ni Jesse at hinarap sa kanya.

"Ako lang ang pwedeng magpasaya sayo?! Maliwanag?!" Galit niyang sabi.

"Magbabayad ka." He said while grinning.

"A-anong bayad? WALA AKONG PERA!"

"Date!"

"NANAMAN?!"

"May angal ka?! Gusto mo i'date kita sa pulang building?!"

Katakot to! T^T LORD ayoko pong manyakin ng tulad niya.

"Oo na!"

Ngumiti siya. "San sa pulang building?!"

asdfghjklk! NAK naman oh!

"MAGDATE!" Sabay batok ko.

Manyak talaga. -________-

Mister Manyak meets Miss NerdWhere stories live. Discover now