Chapter --- 33 ^I miss you

2.2K 38 0
                                    

Chapter --- 33 ^I miss you

*Rain's POV*

"Hmmmm!!" Pag unat unat ko. Sarap ng tulog ko ah?

Anong oras na ba? Tumingin ako sa wallwatch ko.

11:23 AM. Aga ko nagising ngayon. Hindi kasi ako nag bar kagabi eh. Nasa bahay lang ako ni Jesse at binantayan siya.

WHAT?!?!? Oo nga! Nasa bahay nila ako! Teka!

Napabangon ako sa kama.

Teka! Bat nandito ako sa kwarto ko?! Pano nang yari yon? O__O

Lumutang ba ako?

Nagkaroon ng special effects?

Nag travel akong tulog?

Nag lakad akong tulog?

Teka! Pano ako napunta dito?!

"Teka.. Hinga.." Huminga naman ako. Inutusan sarili eh no?

Baka naman inuwi niya ako diba? Loka loka din kasi ako eh. Kung ano ano iniisip.

Maya maya may narinig akong ingay mula sa baba. Ingay lang naririnig ko. Hindi ko makuha mga pinagsasabi nila.

Bahala nga sila. Baka fiesta. -___- kaya maingay.

Humiga ako ulet.

Nakikita ko si Jesse sa isip ko. Ano ba yan. -___- bat ba ayaw akong lubayan ng lalaking yun?!

Makatulog na nga lang ulet..

Galaw lang ako ng galaw sa kama.

"Di ako makatulog."

Tumayo na ako at pumunta ng banyo at naligo. Pagkatapos bumaba na ako ng kwarto. Pagkababa ko...

"Kukunin ko na siya." Isang babaeng nag salita. Na parang pinatibok ng napakalakas ang tibok ng pusu ko. Bat ako kinabahan?

Sino bang kukunin?

Di ko mapigilan kaya sumilip ako.

Kinabigla ko ang nakita ko. O___O

M-mama ni Paulo?

"Pwede bang wag muna ngayon? Di pa kame nag kaka ayos." Sabi ni Papa.

Napatakbo ulit ako sa kwarto ko. Anong ibig sabihin non? Kukunin na nila ako?

Sh*t! Ayoko! Ayoko sa mga taong pinamigay ako dahil lang sa sakim sa pera ng asawa niya! Para maging tagapag mana!

Umupo ako sa kama ko at tumingin sa salamin.

Kahit pala nagbago ako.

Ganito pa rin pala ang mangyayari.

Ganito rin pala ang kagaganapan ng lahat.

Mister Manyak meets Miss NerdWhere stories live. Discover now