Chapter --- 35 ^Advice

2.1K 41 1
                                    

Chapter --- 35 ^Advice

*Rain's POV*

 

Pumayag na maging fling si Jesse kaya naging fling ko siya nung gabing yon.

Napilitan din niya akong iuwi sa bahay namen. Dahil baka mag alala ang pamilya ko.

 

Di ko alam ang sagot ko nung tinanong niyang..

 

"Pinapatawad mo na ba ako?"

 

Naguluhan ako. Hindi ko alam.

Nasa kwarto ako ngayon. Iniisip yung mga pangyayari kahapon. Pero parang binabalik ko yung sarili ko noon.

 

Ayoko na. Parang pagod na akong magpanggap. Namimiss ko na talaga mga pamilya ko eh. Actually gusto kong makasama ang mga pamilya ko. Kaso. Bakit parang may nagsasabing.. Galit ako sakanilang lahat? Hayy.

 

Bumangon ako ng kama at naligo at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto.. Naririnig kong nag kekwentuhan sina Papa sa kusina. Siguro kumakain sila. Kaya lumabas na ako.

 

/Park

 

Umupo ako isa sa mga bench na lagi kong inuupuan.

 

Saan kaya ako mag aaral ng college? Sa EdUni nalang ata. (Educational University)

 

I sigh.

 

"Kainis yun ah! Demonyong demonyo! Gwapo nga! Demonyo naman utak niya! Haaaay!"

 

Nagulat naman ako dito. Biglang may tumabi saken Na babae.

 

"Ok ka lang?" Tanong ko. Eh kasi naman eh. Parang badtrip na badtrip dun sa tinatawag niyang demonyo.

Tumingin siya saken at ngumiti.

"Opo! Ok lang ako!" Sabi niya na may sigla at ngiti sa labi. Ang cute niya. :") "Medyo nainis lang po ako sa demonyong yon." She pout. Aww. Ang cute. Ang pilya niya.

"Ah. Ok lang yan." Tumahimik ako. Kaya tahimik lang.

 

"Ah!"

"Ay!" Nagulat ako. Bigla biglang sisigaw.

"Bat ang lungkot ng itsura mo?" Turo niya sa mukha ko.

"Ah eh ako? Malungkot?"

"Baka ako?" Turu niya sa sarili niya tapos sabay sad face. HAHA! Natawa ako. Kahit pilosopo nakakatawa.

"By the way highway po! Ako po si Chastity!" Pakilala niya sa sarili niya na masigla.

"Ako si Rain."

"Ano pong problema niyo? Dali! Sabihin niyo saken! Mahilig po akong mag advice sa may problema!"

 

Ang gaan naman sa pakiramdam ng sinabi niya.

 

"Magulo eh." Yun na lang sinabi ko. Magulo naman talaga. Problema ko na nga ipoproblema pa niya? Baka hindi niya magets.

"Alam mo Ate Rain. Be yourself. Diba lahat tayo may problema? Pero yung problemang yung alam kong kaya naten." She smile tapos tumingala.

 

Ayoko ng tumingala -___- baka mag jevs yung ibon saken. Malay ko ba kung meron diba?

 

"Pero nasa tao lang yun pano dadalhin. May iba kase na hindi alam dalhin. Minsan tinatago nila ang problema sa pamamagitan ng pag iiba ng ugali o itsura."

 

AW! Tamaan ako dun ah?!

 

"Pero di naman sulusyon yon." Tumingin siya saken.

"Ang solusyon nandito." Tinuro niya kung saan part ng puso ko. Tapos tumingala ulet.

"Kung kaya mong harapin, isasa puso mo ang lahat. Hindi mo pwedeng matakasan kung anong problema yan. Siguro mga panandaliang panahon maitatago mo pero darating ang araw, lalapit ulit ang problema sayo. Kasi ayaw mong tapusin. Tinatago mo."

 

Teka! Bakit natatamaan ako ah?! Di naman niya alam ang problema ko?

 

"Nag iba nga ang ugali, nawala man ang dati, pero ang problema di naalis yan sa pagkatao naten. Dapat hangga't maari... Solusyunan naten. Malay naten. Kaya pala naten. Wag nateng hahayaang may magbago o mawala." Tas tumingin ulit siya saken. Kaya napa iwas ako ng tingin.

 

"Mahirap mag sisi sa huli kung hindi mo pa hinarap." Tapos bigla siya tumawa.

 

"Eh?" Bat tumawa to?

 

"Alam mo ate! HAHAHA! Di ko expect na ma a'advice kita ng ganito! HAHAHA! Hula ko?! Natamaan ka no?! HAHAHA!" Bigla siya tumigil. "Ganyan yung bestfriend ko. Nagbago. Dahil nasaktan."

 

"Marsie!!!" Sigaw nung isang lalaking papalapit sakanya. I guess He's a Gay?

 

"Speaking of.. Siya yun ate." Bigla siya tumayo sa pagkaka upo.

 

Luampit yung lalake/babae. Ewan! Haha! Basta yun! Yung bestfriend ni... Chastine? Ano kasing name? Kalimutan ko.

 

"Nakuuu! Naloka ako! You know naman! Kaloka talagaaaaa!" Bigla niyang hinila si Chastine? Hahahaha!

 

"Hay naku! Lagi ka naman naloloka eh!" Tumayo siya. Tapos tumingin saken.

 

"Una na ako ate." Nag wave siya. Nag wave din ako. Then nag mouth gesture ako ng "thank you."

 

Pero bigla siya huminto.

 

"ATE!!!! BE YOURSELF AH!!! TANDAAN MO ATE!!! BE YOURSELF!!!" Tapos nakita ko yung napakalawak niyang ngiti..

 

Kaya napangiti ako.

 

Be yourself?

 

Siguro nga.. Babalik ko ang dating ako. At sosolusyunan ang lahat.

 

Kung ang Diyos kayang magpatawad.. Tao pa kaya?

 

 

Tatanggapin ko ang lahat.

 

 

Maayos lang.

 

Mister Manyak meets Miss NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon