Chapter --- 17 ^Confirm!

2.4K 47 1
                                    

Chapter --- 17 ^Confirm!

*Paulo's POV*

Babangon na sana ako ng makaramdam ako ng sakit ng katawan.

Arggg. Ang sakit.

Biglang may kumatok.

"Sir, bangon na daw po."

"Sige manang."

Pinilit kong tumayo. Nakita ko yung mukha ko. Ts. Naku naman. Nagkapasa na pala.

....Flashback

"Pwede ba tayong mag usap?" Nakita ko si Jesse na naglalakad kaya sinabayan ko siya at kakausapin. Ayokong masaktan si Rain. Ng dahil dito.

Pina imbistiga ko siya.

Mayaman sila at may ari ng isang mall sa Manila. Namatay na mother niya. May isang kapatid. At ang kapatid niyang yun eh yung boyfriend ng kapatid ko. Si Vince Alaya.

Nalaman ko din na may ex siya. At first girlfriend niya yun. Transferee sa school na to dahil lumipat dahil sa nagbreak sila ng ex niya. Ngayon dito na nag aaral ang ex niya kaya kinakabahan ako. Nalaman ko na gustong makipag balikan ang ex niya.

Natatakot ako at baka gawing panakip butas si Rainbow. Hindi pwede. Ayokong biguin ang Papa ni Rainbow.

"Baket?" He said in cold voice.

"About kay Rainbow. Hindi nako magpapaligoy ligoy pa. Layuan mo na siya. Tigilan mo na siya."

Kumunot yung noo niya.

"Alam mo. Alam kong gusto mo si Rain eh. Kaso sorry ka. Nililigawan ko na siya." Binulsa niya yung dalawang kamay niya at tumalikod saken. "Sa isang kondisyon."

"Ano?" Tanong ko bigla.

"Kung matatalo moko sa suntukan ngayon. Titigilan ko na siya."

Bigla naman niya akong sinuntok. Kaya nanlaban na din ako. Para kay Rainbow gagawin ko lahat.

...End

Nag ayos na ako lahat lahat at bumaba na sa dinning room. Habang hawak hawak pa rin yung pisngi ko.

Letche kahit di ako marunong makipag suntukan nakipag suntukan pa rin ako.

"Oh may gad my dear!!" Hinimas himas ni Mom yung pasa ko. "What happened?!"

"Aray. Dahan dahan Mom."

"Eh! Anong nangyari sa mukha mo?!"

"Mamaya ko na ike'kwento. Late nako."

"Wag kana kayang pumasok? Its better if you have your rest first."

"No Mom. I need."

Baka maunahan na naman ako Jesse. Pag pinalagpas ko ang araw na to.

Pagpasok ko sa school may nagsisigawan na. Anubayan kay aga aga eh.

Mister Manyak meets Miss NerdWhere stories live. Discover now