Chapter --- 28 ^Pain (Part two)

2K 40 0
                                    

Chapter --- 28 ^Pain (Part two)

Kung di nga naman mamasamain? Makikisabay ang ulan sa pag iyak ko?! Bastos oh!

 

Akala ko sa mga books na binabasa ko lang yung uulan pag umiiyak! Di pala. T__T Pati sa totoong buhay.

 

Ang saket. Sobra.

Yung minsan ka na lang mag mahal? Masasaktan kapa? Napaka BOBA ko kasi eh! Totoo nga naman ang sinabi ni Andrei.

 

Baka nga.. Maganda si Iza eh. Kamusta naman ako? Di hamak na isang nerd. Nerd na walang kwenta!

 

*Jesse's POV*

 

Pagkatapos tumakbo ni Rain.

Para akong binagsakan ng isang malamig na tubig!

 

Ang g*go mo talaga Jesse!

 

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pag bagsak ng ulan.

 

..Flashback..

 

Binabaan ko na agad si Rain ng telepono. Eh kasi naman eh! Nandito si Iza! Bat ba yan nandito?! Kami lang ni Rain ang nandito eh.

 

Kainis talaga yung babaeng yun! Hahalayin ko talaga yun pag wala pa siya! Di ako nag bibiro. -____-

 

"Ayaw mo na ba saken?" Tanong ni Iza habang naka pout.

 

Peste talaga oh. Eh bakit ba kase?! Di ba alam ng babaeng to na hanggang ngayon nasasaktan pa ako sa ginawa niyang pag iiwan saken?! Tapos babalik siya?! Kung kelan mahal ko na si Rain.

 

I admit it.

 

Mahal ko pa si Iza. Siguro gawin na nating rebound talaga si Rain. Para makalimutan ko si Iza. Pero bakit ganon? Di ko alam totoo na pala nararamdaman ko kay Rain kaya niligawan ko siya. Pero nung niligawan ko siya di ko na inisip na rebound siya. Kasi mahal ko siya.

 

Putakte! Ang korni! Bakit kase dalawa minamahal ng ampupu kong puso?! Nak naman oh!

 

"Uy Jesse..."

 

"Umuwi kana." Cold kong sabi.

 

Please lang Iza. Si Rain na mahal ko. Wag ka ng umeksena. Sabi kasi ng isip ko balikan kita eh! -____- naman!

 

"Uuwi na ako pag nakipagbalikan ka."

 

Napatayo ako bigla kaya napatayo din siya.

 

"Baket?"

 

Naku! Para to sa date namen ni Rain! Kaya..

 

"Oo na."

 

Sana tama lang to. Para tumahimik siya.

Mister Manyak meets Miss NerdWhere stories live. Discover now