Chapter 28: Hopelessness.

180 4 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 28: Hopelessness.

            Sa tatlong araw na natitira bago ang kasalang Joan at Gee, busy ang buong gang sa kani-kanilang ginagawa. Ang boys abala sa paghahanap ng iba pang dahilan para mabulilyaso ang kasal na kinuntsaba na rin pati ang girls.

            Si Joan, ganun pa rin. Ginagawa ang lahat para bumalik sa kanya si Gary. Balewala sa kanya ang kahit na magmukhang tanga dahil sa kung anu-anong mga gimik niya para lang pansinin ni Gary. Minsan nga ay nasasaktan na rin siya. Mag-isa siyang lumalaban. Samantalang ang dahilan at ang taong ipinaglalaban niya, ginagawa ang lahat para sumuko siya at ipatalo ang laro nila.

            Samantala, planado na rin ang araw-araw na routine ni Gary. Bahay-PHC-Bahay. Sinusubsob niya ang sarili sa trabaho. Nakakailang manuscript na rin siya sa maikling panahon pa lang. She even do some editing stuffs na hindi na rin niya trabaho sa PHC, just so long she will not have any idle time where she can find herself sometime alone to think about things and do some introspection. She kept herself as busy as possible.

            Tulad na lang ngayon. Ala-sais na ng gabi pero wala pa rin siyang planong umuwi. Marami pa siyang gustong tapusin. Naka-leave kasi ang sekretarya niyang si Maxine dahil inaasikaso nito ang sariling engagement party.

            Miss Gary, pumunta po kayo, ah? Aasahan po namin kayo ng fiancé ko. Magtatampo po ako sa inyo kapag hindi kayo pumunta, sabi sa kanya ni Maxine. Ayaw sana niyang pumunta. Masyado pang sariwa ang sakit ng mga usaping kasal para sa kanya. Pero dahil sa kapipilit sa kanya ng kanyang mga katrabaho, nahiya na rin siyang tumanggi total ay wala naman siyang gagawin. Mas lalo lang niyang maiisip ang besperas ng kasal nina Joan at Gee.

>>>>>>>>>>> 

            "Miss Gary, thank you po sa pagpapaunlak niyo sa imbitasyon namin. Sana po mag-enjoy kayo. Napapansin po kasi naming nagiging malungkutin na kayo lately," anang kanyang sekretarya nang lapitan niya ito para i-congratulate.

            "Wala 'yon, Max. Don't mention it. Wag mo 'kong intindihin. Okay lang ako dito," sagot niya bago bumaling sa fiance nito. "Ikaw, Raymond, wag mong paiiyakin 'yang si Max, ah! Naku! Sinasabi ko sa 'yo."

            "Wag po kayong mag-alala Miss Gary, hindi naman po ako nagpakahirap lumaban para sa kanya kung sasaktan ko lang pala siya sa huli, 'di po ba?"

            Saglit siyang natigilan at ngumiti din kapagkuwan. Mayamaya pa ay nagpaalam na siya saka pumwesto sa isang pandalawahang lamesa sa isang sulok.

            Hawak ang isang champagne flute na hindi pa niya nababawasan, tahimik niyang iginala ang tingin at pinagmasdan ang paligid.

            Kakaiba sa normal ang engagement party na dinaluhan niya. May play kasing nagaganap sa stage ng ballroom kung saan pinagkatuwaan ng mga kaibigan ng dalawa ang kanilang love story. Kung paanong mula sa friends ay naging lovers hanggang sa nagkahiwalay at nagkabalikan.

            Natutuwa naman siya sa nakikita. Makulit din kasi ang mga kaibigan ng dalawa, parang katulad lang din ng gang.

            Sa pagkakataong 'yon, nasa parting time scene na ang mga ito kung saan bahagyang nagkagulo ang mga may pakana ng skit dahil nalasing agad ang supposedly ay maggigitara at kakanta sa part na iyon.

            Mabuti na lang at nagvolunteer ang isang colleague ni Raymond at naagapan agad ang problema.

                                 

Love RematchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon