Chapter 10: Dejavu.

240 6 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 10: Déjà vu.

            "Ahemn! 'Kaibigan lang kita. So please, stop jabbering! Buti sana kung girlfriend kita dahil ibibigay ko sa'yo lahat ng karapatan para pagsabihan at pagbawalan ako kung kailan mo gusto!'" Sherry exclaimed, trying her very best to sound manly.

            Sinagot naman ito ni Shane. "If that's the case then make me!'" Then both of them jumped in the bed squealing like crazy.

            Pagkagising pa lang ay maaga nilang sinugod ang kwarto nina Gary, Muffin, at Anna. Lahat ay may hangover pa sa nangyari nung nagdaang gabi na tinawag nilang 'brace yourself night'. Pilit nilang nire-reenact ang batuhan ng linya ng dalawa.

            "Hey! Girls mas malupit 'to. Ready, Rain?" Sabi naman ni Jessielyn na partner si Lorraine sa pagre-reenact na gagawin. "What!? Aren't you going to say something? I said make me your girlfriend! Ligawan mo 'ko." Mataray ang pagkakasabi ni Jessielyn sa linya.

            Tumikhim muna si Lorraine bago sumagot. "'Yeah. Tama ka, lasing nga siguro ako'." Tulad ni Sherry, sinubukan din nitong mag boses lalaki.

            Excited namang sumagot si Jess. "'Okay. I'll take that as you're not gonna do it. So, let me. I'll do it' OhEmGeee!"

            Napuno ng tilian ang buong kwarto. Si Gary naman ay nagtalukbong na lang ng kumot mula sa pagkaka-squat sa kama. Hindi katulad nung nagdaang gabi, damang-dama na niya ang aftermath ng ginawa at pinagsasabi niya. Tinanggal ni Rain ang kumot at ibinato ito kung saan. Then there it goes, it showed them her heated cheeks flushing like she'd gone into a red pepper binge.

            Pulang-pula na ang kanyang mukha. Habang tinitingnang umarte ang mga kaibigan, she realized na nakakahiya pala talaga ang ginawa niya. It was definitely not her usual self. Saka lang niya naalala ang problema niyang kagabi pa niya pinag-iisipan.

            "Girls, honestly, I really don't know what to do next. I don't have any plan in mind right now. More like, clueless," she said, almost a whisper. "All that has happened last night was just a result of a wounded ego and a tinge factor of impulsiveness."

            "What!?" Nagulat ang lahat sa sinabi niya.

            "My God, couz', akala ko naman super ready ka na. Eh samantalang kagabi, ahemn, 'Bukas, Joan Leoneil. Brace yourself, because starting tomorrow, Paula Margarette is gonna be courting you'" Geraldine said, trying to stiffle a laugh.

            Napa-facepalm na lang si Gary. "Com'on girls. Seryoso ako. You knew me. Courting is not my thing. And I guess, never it will be."

            Pinagtawanan lang siya ng mga ito.

            "Tingnan niyo nga naman, akala ko puro perwisyo lang ang dulot ng isang nasaging ego," inakbayan ni Shane si Gary. "May manliligaw tuloy ng 'di oras dito. How was it Garz? Nagtapos sa pride, magsisimula ulit sa pride. Nice one!" Nagfist bumps pa sina Shane at Sherry.

            "Wow! Salamat sa suporta niyo ah. Nakatulong kayo, oo, sobra. Nakaka-overwhelm nga eh," she said sarcastically, saka parang may naalala. "Oh, wait. Ano nga pala'ng sabi ni Gee?" Nag-aalangan man ay naitanong niya rin.

            Nagkatinginan ang lahat, pero walang nakasagot sa kanya. Kung meron man siyang natatakot harapin matapos ang Brace Yourself night, si Honey Gee na iyon. Alam naman kasi nilang lahat ang nararamdaman nito para kay Joan. Iniisip palang niyang magkikita sila ni Gee, kinikilabutan na siya. Pakiramdam niya, nanloko siya ng kaibigan.

Love RematchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon