Chapter 6: Gaya ng Dati.

286 7 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 6: Gaya ng Dati.

            "Aaahhhhhhhh!" tili ni Muffin at Anna na naghahampasan pa sa isa't isa. Katatapos lang magkwento ni Gary tungkol sa naging moment nila ni Joan noong nakaraang gabi. Maaga siyang ginising ng dalawa para makipagkwentuhan at sabihin niya in 'detail' ang lahat ng kaganapan.

            "Wait up." Tumayo si Muffin at nagpalakad-lakad sa harap ng dalawang kaibigan. Nakahawak pa ito sa ilalim ng baba na tila nag-iisip. "Sino si Gee? Sigurado namang hindi siya yung nanay nung bata 'di ba? Based on your story, 'Tita' ang tawag nung bata dun sa Gee. Eh, wala namang kapatid na Gee si Joan. Baka naman...friend?" Tumigil ito sa harap ng dalawa, nameywang. Ngunit umiling lang at nagpatuloy sa ginagawa.

            "No! Kung friend lang, hindi dapat 'honey' ang tawag ni Joan sa kanya. Oh my God! Girlfriend?" Muffin glanced at the two before fin'lly joining them in bed. Sumalampak ito ng higa.

            "Ibig sabihin, hiwalay si Joan dun sa nanay ni bagets? Tapos bago niyang girlfriend yung Gee?" tanong naman ni Anna na nahawa na yata sa mga sapantaha ni Muffin.

            Tumayo na si Gary sa kama niya. "Hay naku! Hindi ako ang dapat na tinatanong niyo tungkol diyan. Dahil maski ako, nagtataka rin sa kanya kung bakit hindi niya sinasabi sa gang ang tungkol sa anak niya." Dinampot niya ang kanyang hair brush at nagsuklay. "Kung hindi pa nga natin nakita, eh, di hindi din natin alam ngayon."

            "Eh, di itanong natin sa kanya! I'm gonna ask him later before lunch," Muffin stated. "Pero bago 'yan, bumaba na tayo at baka batuhin na tayo ni Sherry ng tinidor. Kanina pa tayo pinabababa para sa breakfast."

>>>>>>>>>>>> 

            Mabilis lumipas ang oras ng magkakaibigan. Pagkatapos nilang magbreakfast ay nagkayayaan silang magswimming. The girls flaunt their sexy stunt in their two piece bikinis while the boys in their board shorts and sandos. Agaw pansin ang grupo nila, hindi naman nakapagtataka iyon dahil lahat sila ay may mga katawan at mukha na talaga namang maipagmamalaki. They were all head turners and eye catchers.

            "Hmnn, mukhang mapapasubo na naman tayo sa pagbabantay sa mga 'yan ah!" ani Kelvin patungkol sa mga girls na nagpapahid ng sun screen.

            "Sinabi mo pa," pag sang-ayon naman ni Andy. "Lagi namang ganito ang eksena sa tuwing nagbe-beach tayo. Lalo pa ngayon."

            Lumapit sina Muffin at Jessielyn sa kumpulan ng boys. Nagyaya na silang lumangoy at sinabi na naghihintay na din daw ang ibang girls.

            "Bakit ganyan na naman ang suot niyo? Pwede bang magpalit kayo?" asik ni June kay Jessielyn. "Mag shorts nalang kayo o di kaya wag niyong tatanggalin yang mga cover up niyo."

            "What!? Bakit naman namin gagawin 'yon? Syempre nasa beach tayo, ano'ng ine-expect niyong isuot namin, gown? Com'on June," sagot naman ni Jess. Pinasadahan pa nito ng tingin ang sarili pati na ang mga kaibigan di kalayuan sa pwesto nila. "Okay naman ah! Ano ba'ng problema kasi?"

            Inirapan lang ito ni June imbes na sagutin.

            "Ikaw talagang June Nelson ka, kahit kelan kontrabida ka!

            "Oo nga naman June," apila din ni Muffin. "Para sa'n pa 'tong pagre-ready sa mga swim wear kung itatago lang din pala namin? Sayang naman, tsaka—"

Love RematchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon