Chapter 3: Wala Akong Sinabi...

355 11 10
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 3: Wala Akong Sinabi...

            Kinakabahang pumasok si Gary sa Insomnia— isang high end bar na madalas nilang puntahang magkakaibigan. Tatlong araw na rin ang lumipas mula nang mangyari ang ranting ng dalawa niyang Basha. Kahit miss na miss na niya ang mga ito ay pinili niya munang lumayo para makapag-isip ng mabuti.

            Nahihiya— yun ang tamang deskripsiyon sa kanyang nararamdaman. Napagtanto niyang sa tinuring niya sa kanyang mga kaibigan, lumalabas na parang wala siyang tiwala sa kanila. Samantalang sila, bukas na libro ang buhay ng mga ito sa kanya.

            Nakatulong din ng malaki ang tatlong araw na iyon para tuluyan niyang matapos ang manuscript niya sa kasalukuyan niyang ginagawang kwento. Bukod kasi sa may-ari siya ng sarili niyang publishing company— ang Pages of Hearts Corporation— ay isa din siya sa mga regular contributors ng romance stories. High school siya nang makahiligan ang pagsusulat hanggang sa ginusto niya na ring pagkakitaan ito. Dugo at pawis din ang pinuhunan niya bago tuluyang napalago ang PHC. Bonus na rin lang talaga ang passion niya sa writing.

            Ni-dial na niya ang number ni Anna. Ito kasi ang tinawagan niya upang sabihan na handa na siya at gusto na niyang magkausap silang tatlo, kahit na nangangamba pa rin siya na baka galit pa rin sa kanya si Muffin.

            "Hello, Bash, gaya pa rin ng dati. Andito na kami."

            Nilingon niya ang same spot na tinutukoy ni Anna at nakita niya itong kumakaway sa kanya, kaya mabilis niyang pinatay ang cellphone at nilapitan ang dalawa.

            Atubili pang lumapit si Gary dahil hindi niya alam kung pa'no haharapin ang mga kaibigan lalo na si Muffin. Laking gulat niya nang pagdating na pagdating niya...

            "Hi, Bash!"masiglang bati ni Muffin at beneso pa siya. Napatingin tuloy siya kay Anna na ngumiti lang at nag thumbs-up sa kanya wearing that 'I told you' look on her face. "O, ano nakapag-isip ka na ba? Was three days enough for you to realize everything?" natatawang sabi nito. "Here," Muffin handed her a glass of champagne.

            "Thanks!" she said.

            Kung hindi pa dahil sa tugtog na nagmumula sa DJ'ng masayang pinaglalaruan ang beat ng iba't ibang kanta, tiyak na mabibingi sila sa sobrang katahimikan.

            Mentally, nagbibilang hanggang tatlo si Gary. "Bash, sorry. Sorry, sorry. I'm so sorry." Iyon lang ang nasabi niya at biglaang niyakap si Muffin habang parang gripo na ang agos ng kanyang luha. Mabilis siyang maiyak at kasing bilis nito ang pamumugto ng mata niya.  "I'm sorry bash for—"

            "Ssshh—" putol ni Muffin habang inaalo ang kaibigan. "I know. We know, kaya tama na. What's important is that...you— realizing your mistakes and our worth as your bestfriends and sisters." Hinarap nito si Gary at nginitian. "Smile na! Sige ka, mamaya lang mugto na 'yang mata mo. Ang pangit mo pa naman kada pagkatapos mong umiyak."

            Natawa na lang si Gary saka sinubukang ngumiti at hinarap ang kausap. Sandali silang natahimik. Sa isip niya, she was so thankful na nagkaroon siya ng mga kaibigan na katulad ng dalawa.

            "Halika nga dito bruha ka! Namiss kita ah!" Saka nito muling niyakap si Gary. This time, kasama na si Anna.

            "Oh! By the way, here's your invitation para sa reunion natin with the gang." Anna handed her the card. Aalma na sana siya nang makita yung petsa. Meron kasi siyang workshop na pupuntahan kung saan isa siya sa mga guest speakers. Actually, siya ang organizer ng workshop at the same time. Gusto niya rin kasing kahit paano'y makatulong siya sa mga tulad niya— na isa sa first love ang pagsusulat.

Love RematchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon