Chapter 13: Birthday Bash.

207 4 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

 Chapter 13: Birthday Bash.

            "Ano ba 'yan? Feeling ko tuloy na i-broadcast ko sa buong mundo yung panliligaw ko kay Joan. Nakakahiya!" reklamo ni Gary. Yakap niya ang kanyang unan habang namimili ng isusuot.

            "Okay lang 'yon, Bash! God's will na siguro 'yon. Para hindi na madagdagan ang karibal ni Joan." Tumawa si Muffin.

            "Akalain mo 'yon, Bash?" Lumapit sa kanya si Anna. "Sa dinami-dami ng guests ng resort, yung apat na 'yon pa talaga ang nakakita sa Brace Yourself moment mo? Wow. Just wow."

            Nagkatinginan na lang sina Muffin at Anna. Tama nga naman ito. Nasa kanilang silid ang tatlo at nagbibihis. Papunta sila sa isang coffee shop para i-meet ang iba. Pag-uusapan nila ang mga gagawin kinabukasan. It's Joan's birthday and they are planning to throw some birthday bash.

>>>>>>>>>>>> 

            "So guys, it's settled. Sa The Pub tayo. Rex, alam na ah?" ngingiti-ngiting untag ni Kelvin pagkatapos ng kanilang pag-uusap. Hindi naman sila nahirapang iligaw si Joan dahil pagkatapos nilang mag lunch sa Diner's ay nowhere to be found na ito. Marahil ay nakatambay, nambababae, o di kaya'y umiinom na naman ito.

            Pagkatapos nilang mag-usap, nag kanya-kanyang lakad na ang gang.

            "Bash, okay na rin yung plano para sa inyo ni Joan. Mabuti at wala ng problema sa mga kakailanganin natin. Pati sina Rex at Andy nakausap ko na rin."

            Hinawakan ni Gary ang kamay ni Muffin. "Thank you, Bash. Sana naman sumipot siya. Kinakabahan na nga 'ko eh."

            Habang nag-uusap sina Muffin at Gary, nilapitan sila ni Geraldine at Shane.

            "Uhmn, girls, just so you know, may inihahanda ring surpresa si Gee. Tomorrow night, same time." Tinapik ni Shane si Gary at umalis na rin kaagad.

            Nginitian siya ni Geraldine. "Kaya mo yan, couz. Wag kang mag-alala, mahal ka nun."

>>>>>>>>>>>> 

            March 6. Maagang nag-ingay ang gang sa suite nila. Binulabog ng girls ang kwarto nila Joan.

            "Happy Birthday, Joan!!!" Sabay-sabay nilang bati kabilang ang boys kahit na pupungas-pungas pa ang binata.

            "Pa'no ba 'yan bro', malapit ka nang mawala sa kalendaryo?" sigaw ni Andy na may bitbit na tarpaulin na may nakasulat na greetings mula sa kanilang lahat.

            Natawa lang ito. "Siraulo. Salamat guys," sabi niya habang isa-isang niyayakap ang mga kaibigan.

            "O, hipan mo na 'tong cake mo nang makain na natin sa baba!" ungot ni Carlos na siyang may bitbit ng cake.

            "Wish ka muna, Joan," sabi ni Shane. "Wag na si Garz, given na yun—"

            "Shane!" saway ni Geraldine.

            Natawa na lang si Joan. Pumikit siya para humiling saka hinipan ang kandila.

            "Happy birthday, Leoneil," bati ni Gee at yumakap sa binata.

            "Thanks, Gee." Hinalikan niya ito sa noo.

            Pagkatapos bumati ni Gee, agad din naman itong nagpaalam at may importante pa daw itong aasikasuhin.

Love RematchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon