Chapter 14.2 : Paper Bag.

205 5 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 14.2 : Paper Bag.

            Habang hindi pa rin nakakausad sa balitang hindi si Gary ang pinili ni Joan, isang galit at humahangos na June ang pumukaw sa atensiyon ng gang. Ilang minuto pa lang ang nakararaan no'ng dumating sina Rex at Andy.

            "Nasaan si Joan!?" Tiim ang bagang ni June habang nakatingin sa buong gang. Mahina lang ngunit mariin at punong-puno ng awtoridad ang pagkakatanong ni June. Tila nangangailangan ito ng agarang eksplinasyon at kasagutan.

            Si Rex na ang sumagot. "Bro, hindi niya pinuntahan si Gary—"

            "Tangina! Hindi niya binuksan ang bag na 'yan!" sigaw ni June sabay balibag ng paperbag na regalo ni Gary kay Joan. Kasabay ng pagsigaw ni June ay ang pagkoru ng dagundong ng kidlat, kulog, at pagbuhos ng ulan.

            "Si Margarette, Rex?"

            "N- nagpaiwan. Ayaw papig— June!"

            Hindi na natapos ni Rex ang sasabihin. Nagmadali nang tumakbo si June na sinundan nina Rex at Andy. Agad silang sumakay sa nakaparada nitong SUV at tinungo ang fishpond area ng hotel.

            Pwede naman talaga nilang lakarin o takbuhin ang papunta doon pero mas mabilis silang makakarating kung may sasakyan sila. Mas malayo rin ito kung ikukumpara sa gazebo.

            "Takteng paghihintay yan o! Wala naman pa lang pinagpipilian ang gagong 'yon!"

>>>>>>>>>>>> 

            "Kelvin, bilisan mo pa! Baka napaano na si Gary. Ang lakas-lakas na ng ulan!" Nakasigaw na minamanduhan ni Jess si Kelvin. Mabilis din nilang sinundan ang pag-alis nina June kaya lang ay hinatid pa nila si Sherry, Shane, Geraldine, at Rain sa kanilang suite. Baka sakaling nakauwi na si Gary, o di kaya ay maisipan nitong umuwi ay may makapagsasabi sa kanila.

            Si Muffin, Anna, Jessielyn, at Carlos ang kasama ni Kelvin sa isang kotse. Sinusubukang tawagan ni Muffin si Gary pero hindi ito makontak. Kung sinu-sino na rin ang dina-dial ni Anna. Kabababa pa lang niya ng cellphone nang mapansin ang lugar na dinadaanan nila. And there she goes, she saw the two people clinging with each other.... at the gazebo.

            "Stop the car!" Anna bursted out.

            "What?" Carlos asked, confused. "Anna, nagmamadali tayo di ba?"

            Pero hindi ito pinakinggan ng dalaga. "Kelvin, I said stop the car!"

            Walang nagawa ang binata kundi ang ipara at itabi ang sasakyan niya. Bawat isa sa kanila ay may malaking question mark sa ulo. Pero nang makita nila kung nasaan sila, no further queries were made and they jumped out of the car.

            Anna grabbed the paper bag out of Muffin's grasp. She was seething with anger. She's furious. Para siyang tigre na sinulong ang isang pulutung ng mga kalaban.

            Habang tinatahak nila ang daan papuntang gazebo ay hindi nila maiwasang mamangha sa paligid. Mabusisi ang pagkakadesinyo ng gazebo. Dim ang lights pero klaro pa rin ang paligid dahil sa libu-libong LED lights na nagmimistulang mga alitaptap. May pulang carpet sa gitna kung saan nakatirik ang isang sosyaleng lamesa. Yeah— it was the typical dinner with candlelit na hindi mawala-wala sa mga surprise dates ng isang couple.

            May bulaklak, may mga pagkain at wine— pero hindi nagalaw? Bakit?

            Lahat sa kanila lalo na ang girls ay si Gary ang iniisip kaya tanging sina Kelvin at Carlos lang ang nakapansin sa hindi nagalaw na lamesa. At ang higit na nagpa-romantic sa paligid? Ang ulan. Kung disaster ang dulot ng ulan sa surpresa ni Gary— hindi sa surpresa ni Gee— dahil mas nakadagdag pa ito ng kakaibang aura sa paligid. Yung tipong tatayo lahat ng balahibo mo sa batok, tipong nakaka-goosebumps.

Love RematchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon