Chapter 27: The Unexpected Guest.

165 6 0
                                    

Love Rematch

© Nipster Anne

Chapter 27: The Unexpected Guest.

            "Ano!?" Nag-chorus sina Rex, Kelvin, Andy, at Carlos sa tanong na iyon. Katatapos lang ikwento ni Joan ang pag-uusap nila ni Gary kung saan si Gary mismo ang nagsabi na kailangan niyang pakasalan si Gee.

            "Yun lang? Dahil sinabi ni Gary, susundin mo at pakakasal ka kay Gee?" di makapaniwalang tanong ni Andy. "Bro, ikaw ang lalaki. Kayang-kaya mong iwan ang sitwasyon na ito."

            "Tss. Ewan ko. Gulong-gulo na rin ako. Gumagawa na rin naman ako ng paraan. Inaaraw-araw ko na nga sa pagsuyo si Gary, eh," sagot niya habang nakapangalumbaba.

            "Kaso ano? Hindi ka hinaharap?" nanunuyang tanong ni Carlos.

            "Eh, pa'no ngayon 'yan? Sa linggo na ang kasal mo. Lunes na ngayon. Tangina bro! Ikaw pala ang unang matatali sa 'tin." Pabirong sinakal ni Kelvin ang kaibigan. "Hoy! Kayong dalawa. Anon'ng pinag-uusapan niyo at kanina pa kayo nagbubulungan diyan?" tukoy nito kina Rex at June.

            Nagkatinginan ang dalawa at kapagkuwan ay tumango si June kay Rex.

            "Bro," pukaw nito kay Joan. "Naalala mo noon, sa tuwing nase-setup ka namin sa isang babae kapag nalalasing ka?"

            Napukaw ang interes at napatayo sa kinauupuang beanbag sina Carlos at Kelvin saka lumapit sa dalawa.

            "Tapos, lahat ng mga babaeng 'yon ay iisa lang ang sinasabi kapag lumalabas ng kwarto?" dugtong ni Carlos na mukhang alam na kung saan patungo ang kanilang usapan.

            Napapitik sa hangin si Kelvin. "At lahat ng mga babaeng yun, galit na galit kasi... Goodness! Ibig sabihin—"

            Napangiti silang lahat.

            "Mukhang malulusutan mo 'to bro, ah!" ani Kelvin na binato ng unan si Joan.

            "Ang tanong, paano?" sabat ni June.

>>>>>>>>>>>> 

            Stress siya masyado. Limang araw na lang ay ikakasal na si Joan. Gary just got herself out in a bookstore when she bumped into someone she expected the least.

            "Uy! Ikaw ulit!" aniya.

            "Oo, nga. Kumusta? Okay ka na ba ngayon?" tanong sa kanya ng taong nakasalubong niya. Natawa siya sa tanong nito. Parang matagal na silang magkakilala, ah. Eh, ni hindi nga nila alam ang pangalan ng isa't isa.

            "Eto, pinipilit maging okay. Eh, ikaw? Nahanap mo na ba siya?" sabi niya.

            "Hindi pa rin, eh. Uy, kape tayo. Okay lang ba?" tanong nito habang nakatingin sa isang coffee bar na madadaanan nila.

            Nang mailapag ng waiter ang kanilang mga order, saglit silang natahimik.

            "Oo nga pala, hindi pa tayo nagkakakilala. Uy lang tayo nang uy. My name is Rose. Roselio Tatlonghari." He extended his right arm.

            "Rose? Ang cool naman ng pangalan mo. My name is Gary. Paula Margarette Castillo." She reached for his hand and shook it.

            "Nakakatawa naman ang mga pangalan natin. Exchange names kaya tayo?" biro nito sa dalaga.

Love RematchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon