CH54: Wedding

64.4K 1.2K 121
                                    

U P D A T E D¡¡¡¡  This chapter is dedicated to her. The most observant reader ever! Super Thanks. Hart hart to the infinity and Lovelots <3




___________________

Zavanna Kendra's POV


Nagising ako na walang makita. Nilagyan nila ako ng blindfold. Seriously? Ang paggapos nila sa akin ay useless.

"Mukhang gising na ang bihag" rinig ko sabi ng isang boses ng lalaki.

"Tawagin niyo na si Madam" sabi ng isa pang lalaki.

Madam? Tch. Nakakatawa.

Naramdaman kong may kamay na hinahawakan ang balikat ko.

"Ang kinis mo naman"

"Don't you dare touch me" babala ko sa kung sino mang kutong lupa na humahawak sa balikat ko.

"Miss, nakagapos ka, at anong magagawa mo kung gusto ko? Bihag ka lang dito" curse him!

Biglang nawala ang paghawak sa akin ng lalaki. "Gising na po siya Madam"

Rinig ko ang tunog ng takong ng kung sino mang madam na tinatawag nila na papalapit sa kung nasaan man ako nakagapos.

"Gising na pala ang dakilang pakialamera sa buhay ng anak ko. Tanggalan niyo siya ng blindfold!" bunungad sa akin ang bulto ng isang may katandaang babae na isa ring demonyo. Walang iba kundi ang ina ni demonyita, si Devon.

Hindi nababagay ang salitang 'Lady' sa kanya dahil demonyo at mamamatay tao siya.

"Devon" may diin kong bigkas.

Lumapit ito sa akin at pinagsasampal ako.

"Ang kapal din ng mukha mo na kalabanin kami ng anak ko!" nasakit ang mga binibitawan niyang sampal pero mas maraming sakit pa ang naransan ko kaysa doon kaya sanay na ako.

"Ano! Ba't nanahimik ka!? Bakit di ka magsalita!?" ngayon naman ay sinasabunutan niya ako.

"Lahat ng ginawa ko ay dapat lang. Infact kulang pa nga" sabi ko sa kanya na nakatingin ng masama ng direstso sa mata.

Di ako natatakot sa kanya. Siya at ang anak niya ang dapat na matakot sa akin.

Hinawakan niya ako baba ko ng madiin pero pa rin ako natinag sa pagtingin ng masama sa kanya.

"Gagawin ko ang lahat para di mo magulo ang lahat ng plano namin ng anak ko. Pasalamat ka at kailangan na ako ni Devina dahil mamaya na ang kasal kung hindi ay baka natuluyan na talaga kita!" pagkasabi ni Devon ay naglakad na ito palabas.

"Bantayan niyo yan! Hanggang matapos ang kasal ay wag niyo siyang pakakawalan! Saka niyo na pakawalan kapag natapos na ang kasal! Hindi rin yan pwede itago dahil delikado ang pagkidnap sa isang kilalang tao" paalala ni Devon sa nga tauhan niyang kumidnap sa akin. Umalis din agad si Devon dahil kasal na nga pala ni Drake at Deviba mamaya.

Tanga. Kikidnapin ako alam namang pwedeng ikapahamak ng mga tauhan niya ang pagkidnap sa akin lalo na pagnalamang nawawala nga ako.

Buong WBI, R.I.A., gangdom at pati pamilya ko ang magtutulungan na mahanap ako sa oras na malamang nawawala ako.

Napaharap naman sa akin ang nga tauhan ni Devon. Nakakasuka ang nga pagmunukha! Parang ugali lang ng mag-ina!

"Paano ba yan miss di ka pala makakadalo sa kasal ng anak ni Madam, gusto mo tayo nalang magpaka---" di ko na pinatapos ang sinasabi ng impakto na 'to at tinadyakan na siya.

The Gangster HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon