CH69: Deathrone Battle 2

50.3K 906 98
                                    


"Sa DWDG"

Napakunot ang noo ni Prime sa nalaman niya.

Di niya lubos na maisip na naroon ang taong hinahanap niya.

"Prime, are you sure na gagawin mo 'yon?" nag-aalangang tanong ni Harv.

Sa halip na sagutin ni Prime ang tanong ni Harv ay nanatili lang itong tahimik na tila may malalim na iniisip.

"Paano nangyaring doon siya nakasali? Ganoon ba siya kalakas? Pero alin siya doon?"

Naguguluhan si Prime. Iniisip niya kung ano ang gagawin. Dahil itutuloy man niya ang balak niya ay posibleng mapahamak pati ang mga kasama niya.

Samantala, nang makarating na si Prime ay nagtataka pa rin ang iba niyang gangmates dahil mukhang di maganda ang mood nito.

Kinalabit ni Blonde, isa sa mga Predators at kagang ni Prime si Orange.

"Orange anyare kay Prime? Bakit badtrip ata? tapos pati rin yang si Red" tanong ni Blonde kay Orange.

"Ewan ko rin eh. Nakakaloka nga eh di ko sila magets. Lalo na yang si Red. Kanina lang bago siya pumunta para sana sunduin si Prime eh sobrang saya pa niya" sagot ni Orange.

Nang marinig ni Harv ang mga sinabi ng dalawa nilang kagang ay naisipan niyang tanungin si Prime.

"Prime, can I ask you something? what exactly happened when Red is there? Diba dapat siya susundo sa'yo? Bakit siya nagkaganun pagdating dito?"

Nag-aalala kasi si Harv dahil posibleng maapektuhan ng mood ni Red ang laban nila mamaya.

"Tss. It's her fault. She tried to kiss me. Damn. There's only one girl who has the right to do that" inis na sabi ni Prime.

Nagulat si Harv sa sinabi ni Prime. Di niya akalaing gagawin yun ni Red. Alam nilang may gusto si Red kay Prime pero ang tangkaing halikan ito ay di nila inaasahan.

"So what did you do to her?" tanong uli ni Harv.

"Simple. I told her to stop her hopes and likes against me. I told her that I will never love anyone besides her"

Napatanga naman si Harv. Sign na naiintindihan niya na ang ibig sabihin ni Prime.

"But Prime, what---" magtatanong pa sana si Harv kaya lang ay nagsalita na ang presentor.

"Everyone, the most awaited day is finally started. After the very long wait of each of you, the battle of the century is finally declared. And now, let's be honored to see the head of the heads. The reason of existence of this gangdom. The honorable judge and guest together with the battle organizer and his men, High Ordain"

Naglakad na papasok sa Royal Lounge ang High Ordain pati ang mga kasama nito. Nagsitayuan ang lahat at saka sabay-sabay na iniyuko ang kanilang mga ulo nilang pagpapakita ng respeto sa taong siyang nagpatayo ng gangdom.

Nang iangat na ng mga gang ang kanilang ulo nang makita sa kauna-unahang pagkakataon ang itsura ng High Ordain ay nanghinayang sila. Nakamaskara din kasi ang High Ordain. Ito rin ay para sa protection at privacy mula sa iba at mga kalaban.

Gayunpaman, masaya sila dahil alam nilang bawat isa sa kanila ay maipapakita ang bawat galing ng gang nila sa harap mismo ng High Ordain.

Katabi ng High Ordain ang battle organizer na walang iba kundi si J-Tech. Sa kaliwa naman nito ang mga lalaking nakahalfmask din na nakahilera sa high ordain. Pinamumunuan ang mga nakahalfmask na tauhan ng high ordain ng dalawang nakahood na black na nakafull mask naman.

The Gangster HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon