CH40: Pain Leads Into Anger

53.5K 1.1K 39
                                    

♥♥♥ A/N: Woooh! Sobrang saya ko dahil umabot na ang story na to sa #67 Page 5 ng What's Hot sa Mystery/Thriller! Tapos #567 sa Romance! And that's all because of you all! ^_^ ♥♥♥








Third Person's POV




Kinuha na ng mga staffs ng isla ang mga gamit ni Drake at dinala ito sa room na tutuluyan niya sa kabilang isla.

Ang Jumeau Island kasi ay dalawang isla na magkadikit. Pinalagyan ito ni Mr.Hilton ng tulay para may mas maayos na daanan ang tao patawid sa magkadikit na isla. Ang isla kung saan naglanding ang helicopter ni Drake ay ang kung saan ginaganap ang party, shows, performance at kung anu-ano pa. Dito sa unang isla ay mas maingay, puno ng kasiyahan, puno ng mga activities na pwedeng gawin.

Sa kabila naman sa pangalawang isla ay ang isla kung saan tumutuloy ang mga turista at lahat ng nasa Jumeau Island kapag magpapahinga at magrelax. Dito sa pangalawang isla matatagpuan ang mga units and rooms ng mga turista para magpahinga after ng party o kung ano man. Ang isla na ito ay tahimik at payapa kumpara sa unang isla. Dito sa isla na ito nababagay ang mga bisita na gustong magpahinga, magrelax at makaramdam ng katahimikan.

Kasalukuyan na nasa unang isla si Drake dahil nandito ang main office ng kanyang pagtatrabahuan.

Dumiretso siya sa loob ng building ng main office nila dito at nagbow naman sa kanya ang mga staff na makakasama din niya sa opening.

Wala pang mga turista ngayon dahil ipaplano palang ang grand opening ng isla pero dahil may mga VIP na gusto ng mauna ay hinayaan na lang na magstay na dito kahit di pa talaga open ang isla. Gayunpaman ay marami nang nagpareserve ng mga rooms at marami pang tumatawag hanggang sa kasalukuyan.

Nagtungo si Drake sa magiging opisina niya dito. Malawak ito at may isang pinto na para sa bathroom at isang kwarto para sa kanyang bedroom. Napahiga muna siya sa higaan at tumingin sa ceiling.

'Kelan ko kaya makikita ulit si Kendra? Andami kong gustong itanong at malaman sa kanya pero wala akong oras para doon ngayon'

Yan ang nasa isip ni Drake.

Naalala niya na kailangan niya muna ayusin at unahin ang talagang sinadya niya dito. Ang makipagpartner sa apo ni Mr.Hilton para sa grand opening at pagpapatakbo ng beach resort na ito.

Iniisip niya rin kung sino ba yung apo ni Mr.Hilton dahil nakalimutan niyang tanungin ang pangalan nito at hindi rin niya ito kilala. Pero sa palagay niya ay lalaki ang apo ni Mr.Hilton dahil sa itsura ni Mr.Hilton ay mukhang hindi naman iyon magpapapartner sa apo niya ng lalaki kung babae iyon. Nasanay rin siya na puro lalaki ang mga kabusiness partner ng pamilya niya.

Nagshower na si Drake at nagsuot ng sandong puti at trunks na blue. Lumabas ito ng opisina niya para tunguin ang opisina ng kanyang magiging partner. Paglabas niya ay di maiwasang pagtinginan siya ng staff lalong-lalo na ang mga babae. Lalong kasing kumisig at mas gumanda ang pangangatawan ni Drake lalo na at napapadalas ang training niya nitong nagdaang taon.

Katapat lang ng kanyang opisina ang opisina ng kanyang magiging partner. Lumapit na siya sa pinto at kakatok sana kaso biglang nagsalita ang isang staff.

"Sir Drake wala po diyan si manager lumabas po siya kanina bago kayo makarating dito" sabi ng isang staff.

Nagnod nalang si Drake bilang pagtugon sa sinabi ng staff.

Napaisip tuloy siya. Di kaya tulad din ni Mr.Hilton ang apo nito? Cold din kaya at may nakakatakot na aura?

"I'm not afraid. Gusto ko lang magawa naming successful ang grand opening."

The Gangster HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon