CH73: Persistent Love

34K 668 28
                                    

Drake Eros' POV

'You don't love me. From the beginning until now and you will never be'

Pagkasabi sa akin nun ni Kendra ay parang tumigil ang mundo ko. Sa lahat ng pimagdaanan ko at sakripisyo alam ko sa loob ko na mahal ko talaga siya. Paano niya nasabing di ko siya mahal?

My life is miserable noong high school palang ako. Nung makilala ko siya noon nagbago yung perspective ko buhay yung parang katulad noong panahin na bata pa ako. Nang mangyari yung pagset up ni Devina sa kanya at inakala kong niloko ni niya ako ay paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko noon kung ano ba talaga ang ginawa kong mali sa kanya.

Oo, napakaselfish ko noon, hindi ko siya lubos na pinagkatiwalaan, ni hindi ko hinayaan man lang na makapagpaliwanag siya. Kaya siguro naging ganun ako kamiserable noong malaman ko na patay na siya. Nagkulang ako sa tiwala. Naging padalos-dalos ako. Sinayang ko yung pagmamahal niya. Sinisi ko pa siya na kung di sana ako napalapit sa kanya ay sana nahanap ko na noon ang childhood bestfriend ko.

At sa di inaasahang pagkaataon, malalaman ko pa na ang childhood bestfriend ko at si Zavanna ay iisa.

Nagkalayo kami noong mga bata pa kami, muntik na rin siyang mawala dahil kay Devina, ngayon, hindi na ako papayag na makuha pa siya sa akin. Siya nalang ang natira sa akin, siya lang ang taong may kakayahan na baguhin at pasayahin ang buhay ko, ayoko nang mawala pa siya.

Sumakay na ako sa kotse ko.

Biglang nagplay ang 'Statue' sa radio. Di ko maiwasang mapangiti nang maalala ko yung pageant. Damn. Siya at siya lang talaga ang laman ng isip ko.

*Bzzt! Bzzt!

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Sinagot ko ang tawag.

"Sino ba 'yon?"

[Prime di namin alam kung sino. Pero malapit ito sa High Ordain. Bakit mo nga pala natanong?] paliwanag ni Blue sa kabilang linya.

"Damn. Siya lang naman ang naglakas loob na itanong sa akin kung ano ang paki ko kay Zavanna."

[Hayaan mo na yun Prime, ginagawa lang naman nun ang trabaho niya na sundin ang utos ng high ordain.]

"Tss. Ako na nga ang bahala. Ikaw na muna umasikaso sa mga gangmates natin. Dadalawin ko kayo sa susunod."

Binaba ko na ang tawag.

Damn. I remember that. Kung sino man yung nakablackhood na 'yon ay masyadong pakialamero para sa isang body guard ng high ordain. Nararamdaman kong hindi yun basta-basta guard.

Isa pa sa kinaiinis ko ay naroon din yun kanina sa hospital. Walang guard na nasa labas kaya kampante ako na makikita ko si pero biglang lumabas ang lalaking yun. Dahil sa kanya nawalan ako ng chance na makausap si Zavanna. Siya ang nagpatawag sa guard at pinaban ako sa hospital na yun hanggat naroroon sila.

Kanina maghalong pagkabigla at pagkatuwa ang naramdaman ko. Inakala ko na pumayag na si Zavanna na magkausap kami. Nang lumabas siya kasama ang nakahood na 'yon ay sinawaoang bahala ko nalang na kasama niya yun 'yon at agad akong lumapit sa kanya. Di niya alam kung paano ko pilit na pinipigilan ang sarili ko na yakapin siya. Sobrang miss ko na siya. Sobra akong nag-alala sa kanya. Sa sobrang saya ko ay di ki napigilan ang sarili ko at nasabi ko na gusto ko nang bumawi sa kanya.

Pero nawala ang ngiti ko kanina nang lumapit siya at bumulong sa akin nun.

Pero di ko rin siya masisisi kung sasabihin niya na di ko kahit kailan minahal. Na kahit ano pang mangyari ay di ko siya mamahalin, 'yon ang akala niya. Siguro nga kasalanan ko rin, ako ang nagkulang na iparamdam iyon sa kanya. Ng dahil sa kanya natuto akong umintindi at babaan ang pride ko. Nalaman ko ang mga pagkakamali ko. Na kasalanan ko kung bakit ganoon na ang paniniwala niya. That's why I'm here now, sisiguraduhin kong magiging akin ulit siya. Mahal ko siya, noon pa mang mga bata pa kami, kahit noong magkrus muli ang landas namin noong highschool, hanggang ngayon.

The Gangster HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon