🎗Chapter 33🎗

56.6K 2.4K 1.7K
                                    

Snow's POV

*blag*

"Aray!" Iika-ika akong bumangon mula sa sahig. Ang sakit ng likod ko! Woooohhhh! Nabali ata yung spinal cord ko eh. But damn! Napalinga linga na lang ako sa paligid. This is my room and why Am I in my freaking room? Sa pagkakaalala ko ay-

"Good god, thanks and you are awake already sweety. Let's have some breakfast. Malalate ka na sa school mo." Biglang saad ni Papa na nakapasok na pala sa kuwarto ko.

"Papa?" Biglang naitanong ko pa at nanlalaki ang mga mata ko. Pasimpleng kinurot ko pa ang sarili ko at napangiwi ako dahil ramdam ko ang sakit. Damn, gising nga ako.

"Yes?" Nagtatakang tanong ko pa rito.

"Ahm, why are we here?" Parang siraulong tanong ko dahil sa sobrang confused ko! I saw it I swear that he died! Don't tell me ito na ang sinasabi nilang langit? I am dead as well right?

Biglang kinutusan naman ako ni Papa. "Anong pinagsasabi mo? Syempre nandito ka sa bahay natin. Tagal mong gumising mukhang mabigat yung panaginip mo kasi kanina ka pa namin ginigising ayaw mo magising." Sagot naman nito.

Panaginip? Panaginip lang yun? Pero bakit parang totoo? Napatingin na lang ako sa kalendaryo at nanlaki na lang ang aking mga mata ng makita ang date. Two years late. Today is supposed to be 2018 pero bakit 2016 ang nakalagay? Anong nangyayari.

"Papa, 2016 talaga tayo ngayon?" Tanong ko pa rito dahil naninigurado ako.

Nagtataka itong tumingin sa akin. "Oo naman. Bakit? Ano ba feeling mo ngayon? Bilisan mo na dyan baka malate ka first day of school mo pa naman sa college." Saad pa nito.

Ngayon na talaga ako nagtataka. Anong college ang pinagsasabi nito? Di ba sa Universe Academy ako nag-aaral?

"Anong college?" Tanong ko pa talaga ito. Feeling ko para akong stupid sa paningin ni Papa. I feel so alien my god.

"Snow naman, hindi kita pinaaral ng grade and high school para hindi alam kung ano ang college." Parang biglang naasar pa si Papa sa akin.

"Tss. I know what college is pero bakit sa college? Sa Academy ako nag-aaral." Sagot ko rito. Kaloka lang ah, nagiging weird ang lahat.

"You mean Volks Academy? You don't qualify there sweety dahil only for people who are gifted is allowed to be admitted there and you are a normal human. Tsk, yan na talaga epekto sayo sa kababasa ng mga fantasy stories mo eh. Bumaba ka na lalamig na ang pagkain." Saad pa nito sa akin at iniwan na akong nakamaang.

Anong Volks Academy ang pinagsasabi ni Papa? Don't tell me panaginip ang lahat ng yun? Pero bakit parang wala akong alam ngayon dito? Pero napabuntong hininga na lang ako at bumaba. Nadatnan ko naman si Papa at ang step family ko na kumakain.

"Hi sis! Kain ka na, sabay na tayo sa school since new enrolees tayo sa college and we have the same course as well." Nakangiting saad sa akin ni Ria.

😱<< ako yan.

Paano naman kasi sa pagkakatanda ko ay magkalaban kaming dalawa at bakit mabait ito ngayon? Anong nangyayari?

"Oo nga naman Hija, and we will go to the mall later on we will shop para makapagbonding naman tayo. Matagal na rin tayong hindi nakakalabas." Saad din naman ni Friah.

"Sama din ako ah." Biglang saad naman ni Dia.

😱<< double shit.

Anong nangyayari? Naapektuhan na ba ng global warming ang mga utak ng mga ito kaya bumait? Sobrang pagtataka na ang nararamdaman ko kaya para akong timang na lumapit sa hapag at nakatingin sa kanila na para silang mga alien.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now