🎗Chapter 4🎗

75.7K 2.9K 258
                                    

Snow's POV

Pansamantalang pinauwi ako dito sa bahay namin dahil nga daw sa pamamanhikan. I am laying down here on my bed and I was still able to remember how did I talk to my dad when I arrived.

Pinindot ko na lang ang door bell. The limousine na naghatid sa akin ay hindi rin umaalis and there are even Knights who are guarding the vicinity. Napapailing na lang ako sa kapraningan ni Yuan. Katakot takot pa na paliwanagan ng sinabi ko na hindi siya pwedeng sumama sa bahay. Paano ba naman kasi nun nalaman niya na uuwi ako rito pansamantala ay gustong sumama dahil wala daw magbabantay sa akin. Halos matuyuan pa ako ng dugo sa pagpapaliwanag sa kanya na isang araw lang naman akong mawawala then magkakasama na ulit kami. Hay.... He was changed. Maybe love changed him, at napapangiti ako dahil ako ang dahilan nun.

"Ay Seniorita Snow! Ikaw po pala yan. Pasok po kayo." Bungad ng katulong namin na hindi ko matandaan ang pangalan dahil alam ko na bago ito pero nakita ko na ito noong huli kong punta rito.

"Thanks." Saad ko. Agad naman akong pumasok at nasarado ang gate. Dinig ko naman ang pag-alis ng limousine kaya dumiretso na ako sa loob ng bahay.

Nadatnan ko naman doon ang step family ko na prenteng naka-upo na akala mo sila yung may-ari ng bahay.

"Oh, the bitch is back." Komento ni Ria.

I will make a note na dadalhin ko ito pagbalik ko sa Palasyo at ipapakain ko ito sa demonyo. Kung makabitch akala mo naman kung sinong mabait.

"Oh hi ugly sister! Balita ko nagpaayos ka raw ng mukha mo? Eh bakit walang improvement? Bakit ang chaka pa rin?" Nanunuyang tanong ko rito. Wag niyo akong pakialamanan. Maldita talaga ako sa maldita.

"You what?!" Galit na sigaw nito sa akin.

"Ay hindi lang pala pangit, bingi din pala." Ulit ko rito.

"Mom!" She cried.

"Snow, tama na yan." Sita nito sa akin. "Kakarating mo pa lang nang-aaway ka na sa kapatid mo."

Napataas naman ang kilay ko. Kita at dinig niya di ba? Sino sa palagay niya ang nauna? And what the heck? Kapatid? Eeew!

"Excuse me? Baka naman nabingi ka na rin Step mom. Yung anak niyo ang nauna, ibinalik ko lang sa kanya. And don't ever call her my sister, kasi mukha siyang tuhod na puno ng kalyo." Sagot ko naman rito. Ewan ko ba. Tuwing umuuwi ako rito, talagang nagiging bruha ako sa mga ito.

"Aba't somosobra ka ng bata ka!" Sigaw ni Friah sa akin.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Why don't you just leave the house then? Wag niyo ng hintayin na kaladkarin ko pa kayo palabas dito." Banta ko rito.

Natahimik naman si Friah.

"But mom! Bakit ba tayo nagpapa-api sa kanya? Asawa kayo! May karapatan kayo!" Naiiyak naman si Dia.

I smirked. "Yeah, step mom. Bakit hindi mo ipaglaban ang karapatan mo? Nakakawalang gana kasi kayo na kalaban. You bored me so much. Nagkaroon lang ng konting excitement ng pinagplanuhan mo akong patayin." Doon na nanigas ang mga panga ko ng maalala ko na naman yun. "I never knew you were that desperate. Naging mabait naman ako sa inyo dati, inalila niyo pa nga ako sa sarili kong pamamahay. I don't understand why of all those things, galit kayo sa akin. Bakit? Dahil ba sa akin ipinamama ni Papa ang lahat at walang natira sa inyo?  Aren't you just proving yourself na pera nga lang ang habol niyo kaya pinakasalan mo si Papa. Hahaha. I am just thankful na sa akin pinamana ni Papa lahat, dahil kung baka sa inyo nawala na itong lahat." Mahabang litanya ko sa mga ito.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now