🎗Chapter 21🎗

61K 2.7K 394
                                    

Snow's POV

Walang klase. Kaya naman ay maraming natuwa. Lahat ngayon ay nasa arena na at excited habang kaming Elites naman ay nandito sa prospective area namin sa arena. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa totoo lang parang nagkakaroon ako ng stage fright. I know that I am introvert dahil home school ako because of some circumstances but I know I developed some confidence maybe because of my memory retrieval of my first life as a goddess. Pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Ang daming taong nanonood and their eyes are on us.

May nangyayari na nga ng pustahan kung sino ang magiging pinakamalakas at ang head to head battle ay kami ni Yuan. Marami ang pumusta sa akin dahil kalat na din ang tungkol sa aking ability. But Yuan can't loose either dahil talagang in born na magaling ito. He really deserves the title as a prince of this world. Gwapo, malakas, maginoo na medyo bastos hahaha at higit sa lahat, ang sungit at suplado hahaha. Nagsusungit ito sa ibang tao na kahit si Yuki ay nagrereklamo at sabi pa ni Yuki na tawag ko daw dito dati eh Taong Bato.

"Sino ba ang mauuna?" Tanong ko kay Luna na katabi ko mula sa kanan. Sa kaliwa ko naman ay si Yuan.

"It will be a form of draw kaya kung sino ang mabubunot siya ang magpeperform." Sagot naman nito sa akin na ngayon ay halatang kinakabahan na pero wala naman sinasabi.

"I'm nervous." Naisambit ko. Hindi ako kinakabahan dahil sa ability ko kundi sa mga nanonood. Feeling ko parang nasa isang kuwarto ako na napapalibutan ng CCTV camera na monitored lahat ng galaw ko at yung tipong naiihi ako na hindi ko alam kung paano dahil may mga camera. Yes ganoong feeling.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Yuan sa kaliwang kamay ko at pinisil ito kaya naman ay napatingin ako rito. He gave me a warm smile na naging dahilan para lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. Damn! It is not helpful at all dahil mas lalo lang akong kinabahan ata.

"Good Morning students!" Bati naman ni Headmaster sa amin na ngayon ay ngiting-ngiti. "Are you excited?" Tanong nito sa aming lahat.

"Yeeeeesssssssss!" Kuro naman nilang lahat. Samantalang kami ay walang kibo talo pa namin si Mr. Bean.

"Hahahaha! I know you are since this is our annual ranking for the Elites! The top ranks! This event was not being held last year since there was an addition and it will be unfair with the newbies. So now, there is no excuses. The ranking will begin!" Anunsyo nito.

Napahigpit ang kapit ko kay Yuan. Syet, mas lalong nanlamig pa ata ako ah.

"And now, the first who will do the challenge....." Saad nito at pumasok na ang kamay nito sa isang box na sa palagay ko ay nandoon ang pangalan namin. Feeling ko tuloy isa itong Pandora's Box. All hell will break loose once it was opened. At kung sino man ang unang mabubunot ngayon ay siyang malas. "And the first challenger is......" Binunot na nito at nakakuha na ito ng gintong nilukot na papel kaya binuksan na nito. "Lord Jin Pete Sel Monroe!"

~sigh~ Talagang napabuntong hininga ako dun. Akala ko kasi ako na ang tatawagin. Huhuhu. Buti na lang si Jin. Ang kawawang si Jin. Tumayo na si Jin at tilian naman ang mga babae sa arena at chinachant pa ang name ni Jin. Kami naman ay tahimik lang dahil lahat kami ay kinakabahan.

Pumanhik na si Jin sa gitna ng arena. Wala akong ideya kung ano ang gagawin nito. Bigla na lang din tumunog ang gong ng malakas at biglang may naglabasan na tatlong mga naka-armour na lalaki sa may pintuan. Hindi ko alam kung sino sila but they do have a flashy outfits.

"They are the official Knights. Dreico, Monnovo and Alistair." Biglang saad ni Luna sa tabi ko pero ang mga mata nito ay nakapako sa gitna ng arena.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now