🎗Chapter 6🎗

68.4K 3K 435
                                    

Snow's POV

Wala akong ibang naririnig kundi purong katahimikan. I can't even see anything aside from pitch black. Parang nakakulong ako sa isang walang hanggang dilim. I am wondering, kung panaginip lang kaya ito o baka naman binabangungot. Napakalamig ng paligid at nangaligkig ako.

I can hear murmurs but it was more like prayers? Pero wala akong makita. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako. Pakiramdam ko lang ay hindi ko maigalaw ang katawan ko. I can only see pitch darkness hanggang sa naramdaman ko na lang ang biglang panginginig ng aking katawan. Parang sinusunog at tinutupok ng apoy ang aking balat. Mahapdi. Masakit. I wanted to cry because of the pain pero ni hindi ko magawang magsalita.

I felt like my soul was being pulled down, hinahatak ako pababa until naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa pinakailalim. It was still pitch black but somehow, I can hear the loud thud, like a heart beating. Nasaan ba ako? Pero napalingon na lang ako sa aking likuran ng may narinig akong mga kadena na kumalansing.

Napatakip ako sa aking bibig sa aking nakita. Isang babaeng nakagapos ng kadena ang buo nitong katawan. Duguan ito at ang mas nakakagulat. She looks exactly like me.

"A-are you okay?" Naisambit ko rito.

Mukhang naulingan naman ako nito at mag-angat ng tingin. Pakiramdam ko para akong nakaharap sa isang salamin. She is me. And I am her.

"Snow...." Naisambit nito sa akin at nagulat na lang ako ng biglang nabuwag ang kadenang nakabalot sa kanyang katawan.

Agad ko siyang tinulungan pero tumagos lang ako sa kanya. Ni hindi ko siya mahawakan. Teka, patay na ba ako? O baka naman multo itong kaharap ko? Nahindik ako sa isiping iyon. Ayoko sa multo takot ako sa mga ganun!

"Oh my god, ghost!" Sigaw ko at natatakot.

Natawa naman ang babaeng kaharap ko pero hindi siya masama. I can feel it.

"I'm not Snow. I am you and you are me." Sagot nito sa akin. "This time, I have no choice but to take over. Our fate was being overturned. I have to be awakened and you need to be put to sleep." Saad nito sa akin.

Naguluhan naman ako dahil hindi ko alam ang pinagsasabi nito. Anong itatakeover niya? Wala naman kami sa contest o wala naman kaming pinag-usapan na kung ano.

"I don't know what you are talking about." Sagot ko rito.

"Snow, I am your real soul. And now, I was forced to be awaken. Remember Snow, don't give up. Fight for everything." Saad nito.

Kinabahan ako sa mga sinabi niya. Masama na pakiramdam ko lalo na at biglang may pumulupot na kadena mula sa aking mga binti pataas.

"What is happening! Let go of me!" Sigaw at pagpupumiglas ko. Nasaan ba ako? Bakit ako nandito?

"I am sorry Snow. But I can't do anything. I have to live." Naiiyak na saad nito.

Nagtagis naman ang mga bagang ko. Nagsimula ng mamuot ang galit ko. "Sino ka ba!? Balit kamukha kita!?" Bulyaw ko rito.

Tumingin naman siya sa akin na may lungkot sa mga mata. "I am you Snow. I am Calypso." Saad nito at unti unti na itong nawawala sa aking paningin habang ang kadena ay nakapulupot na sa aking buong katawan na ulo ko na lang ang nakikita. Ni hindi na ako makagalaw hanggang sa unti-unti na akong nanghina at nilamon na ako ng kadiliman.

•••

Mikaella's POV

Baha ang takot ko sa dibdib ko. Nandito ako ngayon sa isang madilim at malaking palasyo. Nakikita ko si Clad na nakaupo sa trono nito while Snow was laying on the ground and nakapaloob ito sa isang black circle at binubulungan ng mga orasyon. Nangingisay ito at sumusigaw na parang nasasaktan.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now