🎗Chapter 32🎗

55.4K 2.4K 721
                                    

Snow's POV

I held my ground when everything was moving. Seems like an earthquake is happening pero mas lalo na lang akong kinilabutan ng mas lalong dumilim ang paligid. The place was turned into night na dapat ay tanghaling tapat. The sun was turned into dark and replaced with the blood moon.

What the freaking freak is happening? Who the heck can change the natural phenomenon? Napansin ko nga sa paligid ko na natigilan ang lahat dahil sa pagbabago ng panahon. In just a quick seconds, it turned into night time and everything turned into bloody red and the explosions started. Natigil na lang ako sa pakikipaglaban dahil sa nakikita ko sa buong paligid. Everything was on fire at pakiramdam ko ay parang ito na ang impyerno na sinasabi nila. I can see black fragments drifted everywhere dahil na rin sa hangin at may ibang nagsimula na sa pakikipaglaban ulit at may mga hiyawan sa kung saan.

Hindi na maganda ang mga nangyayari at sobrang kinakabahan ako at naisip ko si Papa bigla kaya walang desisyon akong nagteleport papunta sa bahay namin at nadatnan ko itong nasusunog na rin. Napalunok ako. Bakit ba umabot sa ganito? Gaano ba kalaki ang galit ni Clad para maging ganito ang lahat? Hindi ba niya magawa ang magpatawad? He was one of the creators of all these things pero ano ang ginawa niya? Siya mismo ang sumisira. Gusto niya ba na maging dark world na itong universe? Mahahanap ba niya ang kaligayahan? Hindi ba puro kalungkutan lang yun dahil wala siyang makakasama at mga alagad lang niya.

"Papa!" Biglang sigaw ko at tumulo na ang luha ko. Hindi ko alam kung nakaligtas sila dahil hindi ko na maramdaman ang prisensya niya. "Papa!" Sigaw ko ulit.

I put away the fire at pinalutang ko ang mga wasak na bahagi ng bahay but still there is no sign of living there. Parang sumusikip ang dibdib ko dahil sa naiisip ko. No! Hindi maaari! Hindi pwedeng mawala si Papa! Napaluhod na lang ako at masagana ang luhang dumadaloy sa mga mata ko. I still have hope and wishing that he is just somewhere escaping but with this herd of demons ay isang napakalaking imposible din. Parang gusto kong magwala dahil sa galit na sumasalakay sa dibdib ko.

"Calypso....."dinig kong usal mula sa paligid. It feels like the voice reverberated the entire place kaya naman ay napahinto ako sa pag-iyak. There is only one man who will dare to call me by that name and no other than, Clandestine.

I gritted my teeth when I saw his silhouette from the dark side of the road and the lights was dimly lit his face at nakita ko na malaki nga ang ipinagbago ng mukha niya. Nawala na na yung palangiting Clad na naaalala ko. Yung masayahin at clingy ay walang wala na sa itsura nito ngayon. Pero ang hindi lang nagbago dito ay ang pagiging gwapo nito. He is still lethal as before at mas naging malupet pa dahil seryoso ang mukha nito. Just like what girls like.

"So you finally appeared?" Hindi ko nga alam kung paanong nakapagsalita pa ako dahil sa namumuong galit sa dibdib ko.

"I've been waiting for this Calypso." Sagot nito na wala man lang kaemo-emosyon ang mukha nito. He was like a walking soulless person o may kaluluwa pa ba talaga ito?

I wanted to charge an attack pero pinipigilan ko ang sarili ko. Malakas ang pakiramdam ko na hindi magiging maganda ang kahihinatnan kung padalos dalos ako. Pero gustong gusto kong patayin na siya. I wanted to cut his throat and leave him bloodless, lifeless. Sa lahat ng ginawa niya, kulang na kulang pa yun. Ang daming buhay na nasayang ng dahil lang sa walang kuwentang kagagawan niya. His doing a fight which is not worth fighting for in the first place. Ano pa ba ang hindi malinaw sa kanya na hindi nga kami para sa isa't-isa? Bakit pinagpipilitan pa niya at hindi siya sumusuko? Ano ba ang pinaglalaban niya? Hindi ba familiar sa kanya ang salitang move on move on din kung may time?

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now