Chapter 43 - New Start

51.7K 1.2K 121
                                    

                                                              VCDNYOVS SEASON2

Chapter 43 – New Start

Third Person’s POV

Kumalat sa buong Vampire Clan ang pagkamatay ng isang babae sa panganganak ng isang tagapagmana. May natuwa, may naawa, may nasasaktan, at may mas nasasaktan. Si Aric.

Sa loob naman ng kaharian, lahat ay nagluluksa nang malaman nila ang masamang balita. Nanlulumo ang Reyna at ang Hari dahil sa sinapit ni Lorelei.

“May pagkukulang din tayo. Hindi dapat natin hinayaang magkahiwalay ang dalawa.” Sabi ni Hansel. Hinawakan naman ni Ingrid ang braso ng asawa at tinignan ito ng puno ng malungkot.

“Kasalanan ko. Ako ang nagpalayo kay Aric. Dapat hinayaan na lang natin sila.” Hikbi ng Reyna.

Sa malayong lugar naman, habang namamasyal si Avia at Kier, napatigil si Avia ng biglang sumulpot sa harapan niya si Smitt.

“Mahal na Prinsesa, kailangan ka ngayon ng kambal mo. Kailangan niyo pong sumama sa akin.” Sabi sakanya ni Smitt.

“Bakit ano’ng nangyari?” nag-aalalang tanong ni Avia.

“P-patay na po si Lorelei. B-buntis siya at ikinamatay niya ang panganganak sa bata.”

“ANO??”

-=-

Kasalukuyan…

“Aalis na tayo, Aric. Hindi ka ba sasama?” tanong ni Edric sa pinsan. Simula ng ilibing si Lorelei, hindi na nila narinig na nagsalita si Aric. Lagi lang itong nakatulala sa kawalan. Hindi nga nito magawang kargahin ang anak niya.

“Iyak ng iyak si baby Hunter kanina. Hindi mo man lang ba titignan ang anak mo?”

“Just leave. Nandito si Lorelei. Hindi ko siya iiwan dito.” Sabi ni Aric. Napailing naman si Edric.

“Umulan na at lahat-lahat hindi ka pa rin ba aalis dyan? Sa tingin mo ba matutuwa si Lorelei sa pinag-gagawa mo? Sa tingin mo ba masisiyahan siyang pinapabayaan mo ang anak niyo?” nagtagis ang ngipin ni Aric sa narinig. He glared at Edric.

“Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko! Kaya wala kang karapatan kung ano ang dapat kong gawin!” galit na hasik ni Aric sa pinsan.

Napapailing na iniwan ni Edric si Aric. Naiintindihan naman niya ang nararamdaman ng pinsan dahil pati siya nalulungkot din sa biglaang pagkawala ni Lorelei. Pero sa palagay niya maling balewalain niya ang anak nila ni Lorelei.

“Oh nasa’an na si Aric?” tanong ni Kyla sa kasintahan. Dala nito ang bagahe at handa ng lisanin ang Villa.

“Ayaw sumama. Hayaan na muna natin.” Sabi ni Edric. Lumabas naman sa bahay si Kent karga si baby Hunter. Medyo malaki na ito kumpara sa isang regular ng kapapanganak pa lang na bata.

“Isasama po ba natin si baby Hunter o iiwan natin kay Aric?” tanong ni Kyla kay Kent.

“No. Dadalhin ko si Hunter. Wala pa sa huwistyo si Aric at alam kong mapapabayaan niya ang anak niya. Hayaan na muna natin siyang magluksa.” Sabi ni Kent saka dumeretso sa Van. Narinig naman nilang umiyak ang bata na parang ayaw umalis. Ang likot nito at parang gusting kumawala sa pagkakahawak ni Kent.

“Baby Hunter, bakit? Ayaw mo bang umalis?” tanong ni Kent sa Apo niya. Mas lalong lumakas ang iyak nito. Lumabas naman sa loob ng Van si Vladimir at tinignan si Hunter.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon