Epilogue

61K 1.4K 175
  • Dedicated kay all my amazing readers :))
                                    

Epilogue

Hunter’s POV

 

“Bumalik ka na sa katawan mo, hindi ka ba naaawa sa Mama mo? Iyak siya nang iyak oh.” Tinuro sa akin ni Protector sila Mama sa baba. Hindi pa ako patay. Pero mas pinili kong mamatay para sa ikakatahimik nang lahat.

“May mas maganda akong balak. Masyado nang naghirap ang Mama kaya kailangan kong bawiin ang lahat. Gusto ko puro kasiyahan na lang. masyado nang mahaba ang panahon nang paghihirap niya.” Sabi ko.

“Kung gano’n, ano ang gagawin mo?” tanong niya.

“Ibabalik ko ang nakaraan. Tatanggalin ko ang lahat nang pangit na pangyayari sa buhay nang magulang ko.” Sagot ko.

“Mapakapangyarihan ka, Hunter. Kaya naniniwala ako sa’yo na magagawa mo ‘yan.” Sabi sa akin nang protector ko.

Bumalik ako sa kung saan nagsimula ang lahat. Sa Tita ni Mama—Laura. Hindi ko hinayaan na magkatuluyan sila nang kanyang minamahal na Sanguinarian. Kapag ginawa ko ‘yon, hindi na mag-iisip ang Granmama ko na maghanap nang isang Transcendal.

Pero kagaya nang makapangyarihang nilalang, may limitasyon din ako. Hindi ko napigilan ang pagkamatay nang magulang ni Mama. Naaksidente sila sa kotse pakatapos nang birthday ni Mama.

Hindi ko rin binago kung pa’no nakilala ni Papa si Mama. Nakakakilig kasi eh.

So I jumped from another year.

There was a man named Trever. Hindi siya Transcendal. He was a normal guy that was bound to meet my Mother. Pero binago ko ‘yon. Hindi ko hinayaan na magkatagpo sila.

So to sum up the events. It was perfect—for me. Wala akong binago na makakasira sa relasyon nila Mama at Papa.

Hindi ko rin hinayaan na magkita si Tita Avia at ang dati niyang kasintahan na si Tito Kier. Sa palagay ko kasi, may mas mabigat na pagdadaanan ang relasyon ni Tita Avia at Tito Wynner sa hinaharap kaya ayokong dumagdag ang sakit na mararamdaman ni Tita Avia. But Tito Kier still alive. Hindi siya namatay nor hindi niya na-met si Tita.

Si Tita Kyla naman at Tito Edric ay chill lang ang relasyon.

Kay Daddy Kent naman, ewan ko pero bigla na lang siyang naging malamig. Mabait siya pero naging aloof siya sa tao simula nang maging Vampire siya. He was hit by a truck kaya siya namatay. Pero hiniling ni Mama na gawin siyang Vampire kaya heto siya—buhay pa.

“Masaya na ang lahat. Naitama mo na din ang mali. Ayaw mo pa bang bumalik?” tanong sa akin nang aking Protector dito sa Nirvana.

“Ikakasal pa lang ang Mama at Papa ko. Syempre kailangan gumawa muna sila nang anak bago ako sasanib sa katawan ko.” Sabi ko naman sakanya.

“You’re so brave para gawin mo ‘yon. Napaka makapangyarihan mo din para ibalik mo ang lahat sa dati at tanggalin ang mga sabagal.” Aniya.

“Sobrang naghirap ang Mama ko at Papa ko dahil sa mga kaaway at dahil na din sa akin. Alam kong ako lang ang makakagawa nito kaya ako nagsacrifice.”

“Pero tandaan mo, Hunter. Bata ka pa. Kaya sana, sa pagbalik mo sakanila, mamuhay bata ka, ha?” nakangiting sabi nang Protektor ko.

“Haha. Diba sabi ni Diety mawawala ang memorya ko sa nakaraan kapag bumalik na ako? Kaya for sure magiging bata na ako niyan.”

“Dapat lang. nakakapagod kayang magprotekta sa batang mas mataas pa sa’yo mag-isip. Hahaha.” Sabi niya sa akin

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon