Prologue

154K 3.2K 219
                                    

A/N: If you're a new reader, at napansin niyong may hindi pagkakaparehas sa details ang book 1 sa book 2, iyon ay dahil sa edited na po ang book 1 based sa book/published version. I will edit this too pero baka matagalan pa.

Ex: sa book 1, pinalitan ko ng Scarlet Moon University instead of Scarlet Moon Academy. Mga ganung changes. Pero don't worry, maiintindihan niyo pa naman siya.

Copyright © 2013 by Thyriza

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.


Prologue

"Kuya, ano ba ang ginagawa natin dito sa bahay na to? Kilala mo may-ari nitong bahay? Naku, papagalitan nanaman tayo ni mommy kapag nalaman na pumuslit tayo sa portal!" pagrereklamo ni Avia. Ang Prinsesa ng Vampire City. Ang bunsong kapatid ng tagapagmana ng korona. Siya ay isang damphyr.

"Wag ka ngang maingay dyan! Bakit kasi sumama ka pa?!" inis na sabi ni Aric sa kambal. Siya crown prince at nakatakdang humalili sa Hari ng Vampire City.

"Eh gusto ko ding tignan yung binabalikbalikan mong bata eh. Ang tanda mo na kuya tapos nagkaka-interes ka sa 1 year old." pang-aasar sakanya ng kambal.

"90 years old pa lang ako noh! Kung titignan, hindi halata. Kaya wag kang magreklamo!" sabi ni Aric na panay pa din ang silip sa bintana. Pinagmamasdam niya ang batang babae na unang nakapukaw sakanyang attention.

"Ang sungit mo!" inis na sabi ni Avia sa kambal. Hindi siya pinansin ng kambal dahil nakatuon ang attention nito sa bata.

"Baby Nyx." narinig niyang sambit ng kambal.

"Ano'ng sabi mo?" Tanong ni Aric kay Avia.

"Yun oh, nakalagay sa likod ng door niya. Baby Nyx." tinuro pa ni Avia ang pinto. Lihim na napangiti si Aric.

"So Nyx pala ang pangalan niya." mahinang sabi ni Aric.

Simula ng sagipin ni Aric ang bata sa mabilis na tumatakbong truck, hindi na naalis sa isipan niya ang kulay ng mata ng batang babae. Oo, bata pa lamang ito pero alam niyang may nararamdaman siyang kakaiba para dito. At handa siyang maghintay hanggang sa lumaki ito.

Araw-araw binibisita niya ang batang babae. Sa tuwing kaarawan nito, nandoon siya at nag-iiwan ng itim na rosas na sa Vampire City lang matatagpuan. Umabot sa ika-walong kaarawan ng bata at nasaksihan niya pa yun. Gaya ng nakagawian, nag-iiwan siya ng itim na rosas sa higaan nito.

Siya din ang nagpoprotekta sa batang babae kapag may nambubully dito. Dumating ang ika-labing dalawa nitong kaarawan. Mas humanga siya sa bata ng makita niya itong nakasuot ng pulang gown. Nung araw na yun, hindi siya nag-iwan ng itim na rosas para sa bata. Plano niyang personal na magbigay ng bulaklak pakatapos ng okasyon.

Bumalik siya ng Vampire City para kumuha ng isang dosenang itim na rosas para sa bata tanda ng ika-labing dalawa nitong edad. Pero huli na siya ng maabutan niya ang bahay ng bata. Nakita niyang nagdanak ang dugo sa paligid. Sa pagkakaalam niya, mayaman ang pamilya ng bata at marami silang bantay. Akala niya mamamatay na siya sa kaalaman na namatay din ang batang minamahal.

Napag-alaman niya na nung oras na pinatay ang mga magulang ng batang babae, agad siyang iniligtas ng tiyuhin na nakaligtas sa Massacre. Sa tulong ng kambal, nalaman nilang sa ibang bayan naninirahan ang batang babae kasama ang tiyuhin na kapatid ng ina ng bata. Hanggang sa magdalaga ang bata, lagi niya itong nababantayan.

"I'll protect you, Nyx Lorelei Park. No matter what happen." mahinang sambit ni Aric habang pinagmamasadan sa malayo ang dalaga.

-----

Oh my ghad! Oh my ghad! Oh my ghad! So heto naaaa~ >_<" Sana magustuhan niyo. Ang kwentong ito ay hindi lamang sumesentro sa pag-iibgan ni Aric at Nyx. Maraming love story dito. Kwento ito ng kambal kaya kung maari ay isasagawa ko ito sa 3rd person's POV. Pero kung kailangan ang POV ng isang character, maari din naman itong mapalitan. (Sorry for being makata. Nanunuod kasi ko ngayon ng DongYi na nadownload ko kahapon at nahahawa ako kina kamahalan. *O*

XOXO

~Thyriza

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon