Chapter 41 - Return

47.8K 1.2K 116
                                    

Chapter 41 – Return

Aric’s POV

Ti lascio andare” (papakawalan kita) Nagulat ako sa sinabi niya.

“Cosa?” (what?)

“I don’t know you have a bad expression about me. I am your ally, Prince Aric. Your father secretly told me to let you go. Because you have to. he said you have to protect your child and its bearer.” I frowned. Ano ba pinagsasabi ng Vampirang ‘to.

“What child? Is this a trap?” I narrowed my eyes on him. Siguro pain ‘to para mangyari ang gusto nila. Na tuluyan kong hiwalayan ang babaeng mahal ko at hayaan silang mamili ng ipapakasal sa akin.

“il tuo amore, she’s pregnant. That’s why I’ll let you leave.” (your girlfriend) I was shocked. Parang ako nanigas sa kinatatayuan ko. B-buntis si Lorelei?

Para akong nanghihina sa narinig ko. Kung nabuntis ko siya, malamang naghihirap siya ngayon. Kasalanan ko ‘to!

He even told me na wala daw makakaalam na wala na ako sa school. Kaming tatlo lang daw. Hindi dapat malaman kahit na nino.

Agad akong umuwi sa pilipinas. Pakiramdam ko, ito na ang pinakamahabang byahe ng buhay ko. Bakit parang ang tagal?

Bakit hinayaan kong mabuntis siya? She can’t bear a baby. She’ll die. At hindi ko ‘yon makakaya. Ayaw ko siyang mawala sa akin.

Pero pa’no kung kailangan mong mamili?

Pipiliin ko si Lorelei!

Nakarating ako sa bahay nila Lorelei. Nakasarado ang kurtina ng kwarto niya. Baka wala siya. Hindi ko naman magawang magteleport dahil maliwanag pa at baka may makakita sa akin.

Kakatukin ko sana ang gate ng bigla itong lumabas. Siya ata ‘yung Yaya ni Lorelei.

“Si Lorelei po?”

-=-

Lorelei’s POV

Masyado nang maselan ang pagbubuntis ko ngayon. Konting galaw ang napapagod agad ako. Konting lakad lang nananakit na agad tyan ko. Lagi din akong inaantok kaya mas pinipili kong mahiga na lang kesa ipagsakapalaran ang baby ko.

Nadala ako nang antok kaya napapikit ako. Katabi ko lang naman si Kyla na naunuod ng movies.

Kahit tulog ako, feeling ko gising ang diwa ko. Naramdaman kong lumabas si Kyla sa kwarto. Baka nababagot na siya dito.

Kapag tulog ako lagi akong kinakausap ng anak ko. Hindi ko siya makita pero rinig ko ang boses niya. Hindi ko nga mawari kung babae o lalaki eh. Bata pa kasi ang boses kaya pwede mong isipin na babae pwede rin na lalaki.

Naramdaman kong humangin ng malakas. Hmmm, ito talaga maganda sa probinsya, sariwa lagi ang hangin. Pero bakit kakaiba ata ngayon ang hangin? Parang tagos sa mga buto ko?

Napamulat ako ng biglang kumirot ang tyan ko. Parang may pumipilipit sa loob.

“A-ang anak ko.” Ingat na ingat akong bumangon. Humihilab sa sakit ang tyan ko. Naku h’wag naman sana!

Napatayo ako habang hawak ang tyan ko. Malaki na siya. Hindi nga talaga pangkaraniwang anak ko. Pa-ika-ika na naglakad ako papuntang bintana. Kailangan ko ‘tong sarahan kasi talagang malamig.

Ang hirap pa namang sarhan ng bintana na ‘to. Si Kyla nga lagi kong inuutusan kapag bubuksan o sasaraduhan ang bintana eh. Makaluma kasi siya tapos sliding pa.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon