Chapter 12 - Competition

78.9K 1.6K 108
                                    

Chapter 12 - Competition

Aric's POV

"Ano'ng ibig mong sabihin, Lorelei?" i asked though alam ko na ang ibig niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Seeing Lorelei like that never fails to amuse me. Hindi man niya sinasabing mahal na din niya ako, alam kong may pag-asa ako sakanya.

Nakita kong sobrang namumula ang pisnge niya at alam kong nahihiya siya. Sa totoo lang, hindi ko ine-expect na pupuntahan niya ako dito sa bahay ko. Kahit parang alam ko na kung paano niya nalaman ang address ko, natutuwa pa din akong um-effort siya. Hindi ko alam pero parang may pag-asang sumisibol sa dibdib ko.

First time ko itong maradaman. Parang mas lalo akong napapamahal sakanya. Kilig ba yun? Yun ang alam kong nararamdaman ng tao kapag nandyan ang mahal nila. Shocking, pero yun din ang nararamdaman ko.

"M-mahal mo ba ako?" she asked again, blushing. Tuluyan ng bumaba ang araw kaya tinanggal ko ang shades ko. Kung magtatapat man ako, gusto ko nakatingin sa mga mata niya. Gusto ko maramdaman niya na totoo lahat ng nararamdaman ko at sasabihin ko.

"Kapag sinagot ko ba yan, magiging tayo na?" nakangisi kong tanong. Nakita kong nagulat siya kaya mas lalong lumapad ang mga ngiti ko.

"T-tinatanong lang naman kita!" umirap siya sa akin. Lumapit ako sakanya saka ko hinigit ang bewang niya at niyakap yun palapit sa akin, her eyes widened.

"Oo, Lorelei. Mahal kita. Simula pa noong bata ka, mahal na kita. Hindi pa ito ang plano kong pagpo-propose ko sayo pero dahil sa parang nagmamadali ka--"

"A-anong nagmamadali?!" she sound defensive.

"Plano kong magtapat sayo.. atleast in a romantic way. Though for me, romantic na ito. Pero alam kong deserve mo yun. Hindi ko naman kasi alam na pupunta ka na lang dito bigla at itatanong sa akin yan. Para tuloy ikaw yung nagpropose sa akin." panunukso ko sakanya.

"AALIS NA NGA AKO! NAKAKASAR KA!" Akma siyang aalis pero mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa bewang niya.

"Hahaha. Ang sarap mo naman asarin. Para ka ng kamatis dyan oh." i poked her cheeks.

"So aasarin mo na lang ako forever!?" pataray niyang sabi.

"Oo. Kung forever naman kitang makakasama, eh di aasarin na lang kita lagi." Sumimangot siya saka ako tinulak ng marahan kaya nagpaubaya ako.

"Ayoko ng inaasar ako. At kung habangbuhay kitang makakasama para lang asarin ako, mas gugustuhin ko pang mapag-isa!" sabi niya saka tumalikod sa akin.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon