Chapter 55 - Omen

44.8K 1.1K 22
                                    

Chapter 55 – Omen

 

Lorelei’s POV

Hindi ko maipinta ang mga mukha nila King Hansel at Queen Ingrid nang marinig nila ang sinabi ni Princess Erina. Parang takot na takot sila.

“Kung kailan pa naman umalis si Daddy saka pa ‘to nangyari.” Sabi ni King Hansel.

“Ano po ba pwedeng mangyari?” tanong ko.

“Isang masamang pangitain ang ibig sabihin no’n. Ang makaranas ka ng paulit-ulit na panaginip ay isa sa senyales na may dadating na masamang pangyayari. At dahil dinagdagan pa ng isang Double Walker, ibig sabihin, sobrang mabigat na problema ang haharapin ng Kaharian.” King Hansel explained.

Hindi ko mapigilang hindi matakot sa mga narinig ko. Ghad! Parang may delubyong dadating.

“Nag-utos na po ako na higpitan ang pagbantay sa Palasyo. At pinasara ko na ang Portal para makasigurado.” Sabi ni Aric.

“What?! How about your sister? Hindi pwedeng manatili siya labas!” hysterical na sabi ni Queen Ingrid. Napabuntong hininga na lang ako. Alam mo yung kinakabahan na natatakot? Parang gusto kong magtakot. Leche nakakaduwag naman!

“Ako po ang susundo kay Avia, Tita Ingrid.” Sabi ni Edric.

“Sasamahan kita, Edric.” Sabi naman ni Aric. No Aric! Dito ka lang! huhuhu h’wag mo akong iiwan!

“Sige. Mabuting umalis na kayo habang maliwanag pa. mas delikado kapag inabot kayo ng dilim.” Sabi ni King Hansel.

Halos lahat bothered sa loob ng palasyo. They also gave warning sa mga naninirahan sa loob ng Vampire City na maging doble sa pag-iingat. Halos lahat ay natakot sa balita. Kaya ‘yung iba ay nagsipasukan na sa kanilang bahay.

“Hunter, tara sa kwarto?” Aya ko sa anak ko. Ayaw ko munang magkalayo kami ngayon. Mahirap na.

“Sige po, Mama.”

Agad kong kinuha ang phone ko at nakita ko ‘yung mga text ni Aric kanina. I ignored it saka ko dinial ang number ni Tito Kent.

[Lorelei, napatawag ka?]

“Tito,”

[May problema ba?]

“Mukhang may mangyayaring masama sa Vampire City, Tito. Natatakot po ako.”

[Ano?! Gusto mo bang kunin ko kayo dyan ni Hunter?! Baka hindi kayo ligtas dyan!]

“Feeling ko po ok lang naman kami dito. Alam ko pong hindi kami pababayaan ng Royal family.”

[May tiwala ako sakanila. Pero pa’no kung magkagulo na? isa kang tao. Wala kang laban]

“Isasarado nga po ang Portal para makasigurado. Mag-ingat din po kayo Tito ah.”

[Ok lang ako dito, Lorelei. Tsaka nakalipat na ako ng bahay. Ikaw ang inaalala ko.]

“Tito, promise ok lang—“

“Daddy Kent! H’wag po kayong mag-alala at ako ang poprotekta kay Mama!” sigaw ni Hunter sa phone. Narinig ko ang kaunting tawa ni Tito sa kabilang linya.

[Bigboy na ang baby Hunter namin ah. mag-iingat kayong mag-ina dyan ah.]

“Kayo din po, Tito”

Nang matapos ang tawag, si Kyla naman ang tinext ko. I told her about sa lahat at ang magaling kong bestfriend si Edric agad ang hinanap. Baliw talaga.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon